2 PILOTO NG PAF NAIBABA NA MULA SA CRASH SITE, PROBE PINASIMULAN NA

ANIM na oras ang kinailangan ng mga tauhan ng Philippine Army Special Forces para maibaba mula sa crash site ang bangkay ng dalawang piloto ng Philippine Air Force, na nagsagawa ng midnight air artillery support sa mga tauhan ng Army na tumutugis sa isang grupo ng New People’s Army sa Cabanglasan sa Bukidnon.

Ayon Kay Lt. Col. Francisco Garello, “Successfully extracted na po sila, around midnight, around 1 am nailabas na po sila from crash site going to pick-up point sa munisipyo ng Pangantucan, Bukidnon. From there, the cadavers were transported through a military vehicle going to Barangay Lumbia, Cagayan de Oro”.

Ayaw pa rin sa opisyal, kikilalanin ng pamunuan ng PAF ang nasawing mga piloto na napag-alamang isasalang muna sa forensic investigation ng AFP.

Bagama’t una nang kinilala ng Philippine National Police ang nasawing mga sundalo na sina Major Salang-oy at 1Lt. April John Dadulla na kapwa nakatakdang bigyan ng parangal ng PAF oras na madala sa PAF Headquarters sa Villamor Air Base ang kanilang mga labi ngayong araw o bukas, araw ng Sabado.

Inihayag naman kahapon ni PAF Spokesperson Col. Bon Castillo, nasa crash site na rin ang kanilang aviation investigators para pasimulan ang imbestigasyon sa sanhi ng pagbagsak ng kanilang FA-50 fighter jet na ikinamatay ng dalawa nilang opisyal.

Agad din umanong ipaaanalisa ang laman ng flight data recorder ng FA-50 na kanilang na-recover sa crash site.

Ilan sa sinisilip na mga dahilan na naging sanhi ng pagbagsak ng eroplano ang masamang panahon o environmental factors, mechanical factors o posibleng human error bagama’t ginagarantiyahan ng PAF na kapwa bihasa at may sapat na kaalaman ang mga piloto kahit sa night flying mission.

Magugunitang unang iniulat na nawawala ang PAF FA-50 matapos na magsagawa ng air support sa napapalabang ground troop ng Army pasado alas-12:00 ng hatinggabi sa Bukidnon mula sa Mactan Air Base sa lalawigan ng Cebu. (JESSE KABEL RUIZ)

13

Related posts

Leave a Comment