“THERE is no glory in power unless it is used to protect the innocent”. Ito ang pahayag ni PNP-PRO 5 Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo matapos na mahuli ng kanyang mga tauhan ang isang kasapi ng communist terrorist group na may kasong murder, at isang suspek sa panggagahasa.
Ayon sa ulat ni Camarines Norte PNP chief, P/Col. Julius Guadamor, nadakip sa ikinasang law enforcement operation ang suspek sa kasong murder na si Norman Ibita y Cama, 38, ng Labo, Camarines Norte, kilalang hard-core member ng CTG’s/CNN Larangan 1, Kilusang Partido.
Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Arniel A. Dating ng RTC Branch 64, Fifth Judicial Region, Labo, Camarines Norte, sinalakay ng mga tauhan ng PRO5-Camarines Norte, Labo MPS (lead unit), katuwang ang 902nd BDE 9th Infantry Division ng Philippine Army, 95th MICO, 9MIB, 9ID PA, CNCIDT, CN 2nd PMFC, PIU at PIT CN, ang pinagtataguan ng suspek.
Samantala, nadakip din ng mga tauhan ni P/BGen. Jonnel C. Estomo ang no. 2 regional most wanted person na may kasong 28 counts ng qualified rape.
Ayon sa ulat, nagkasa ng law enforcement operation si Camarines Norte Police Provincial Office Director, P/Col. Julius Guadamor para dakpin ang suspek na si Jonathan Pante Brizuela, 39, ng Jose Panganiban, Camarines Norte.
Una rito, nagsagawa ng intelligence gathering ang mga tauhan ni Col. Guadamor saka inilatag ang pag-aresto sa suspek ng mga tauhan ng PNP-Camarines Norte-Jose Panganiban MPS (lead unit), katuwang ang mga operatiba ng CIDG-CNPFU, 1st CNPMFC, 2nd CNPMFC, CNPIU, RIU5-PIT CN, RIU5-PIT Catanduanes at HPG-CNPHPT, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Rene Morallo Dela Cruz, ng RTC Branch 5, 5th Judicial Region, Daet, Camarines, para sa kasong 29 counts ng qualified rape na walang inirekomendang pyansa.
Ayon sa record ng pulisya, ginawa umanong sex slave ng suspek ang kanyang menor de edad na anak na babae mula taong 2018 hanggang 2021. (JESSE KABEL)
171 