BUTAS SA ANTI-MONEY LAUNDERING LAW

BAGWIS

BAGAMA’T nakasaad sa ating Konstitusyon ang tinatawag na “freedom of religion” o ang kalayaang mamili ng ating pinapaniwalaang relihiyon, tila nagagamit naman ito sa mga kalokohan. Naalala ko tuloy na kapag minsan ay nababanggit na kapag gusto mo talagang yu­maman na walang binabayarang buwis ay magtayo ka ng relihiyon at tila ‘yan na nga ang ginagawa ng ilang mga diumano’y sugo o kaya ay anak ng Diyos. Ayaw nating pag-usapan kung alin ang tamang relihiyon dahil mas mahalaga sa atin kung tamang pakikipagkapwa-tao kesa sa pagiging relihiyoso. Ang gusto nating…

Read More

MAS MARAMING MAY TRABAHO MALIBAN SA MGA MAGSASAKA

USAPANG KABUHAYAN

UMABOT na sa 72.4 milyong Filipino o higit sa 60 por­syento ng ating populasyon nitong nakaraang buwan ng Enero ang nasa tamang edad para magtrabaho, at dahil sa mas magandang ekonomiya ay bumaba ng kaunti ang bilang ng mga walang trabaho, ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA). Ang hindi maganda ay mga trabaho sa sektor ng sakahan ang nawala dahil sa mas maliit na kita ng mga sakahan at ang pag-alis ng limitasyon sa pwedeng maiangkat na bigas galing sa ibang bansa, ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Ernesto…

Read More

PCSO GENERAL MANAGER SINIBAK NI DU30

balutan

KINUMPIRMA  ng Malacanang ang pagsibak ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Alexander Balutan dahil sa umano’y seryosong alegasyon ng korupsiyon. Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na ang “governance and public accountability” ay kambal na haligi ng administrasyon ni Duterte. Ito umano ang basehan na ang mga nasa gobyerno ay kailangan dapat na manilbihan ng tapat at may responsibilidad. “Ang mga lalabag ay tyak na lalagapak at daranas ng mabigat na parusa,” sabi pa nito. Idinagdag pa ni Panelo na sana ay magsilbi itong…

Read More

WALANG ABISO SA PAGKAWALA NG SUPPLY: MANILA WATER KINONDENA

water12

(CONTRIBUTED PHOTO BY ARIEL JOQUICO) KALIWA’T kanang pambabatikos ang tinatanggap ng Manila Water matapos nitong putulin ang supply ng tubig nang walang abiso sa anim na Metro Manila City at pitong bayan sa Rizal province mula Huwebes hanggang Biyernes. Hanggang Sabado ng hatinggabi ay nakapila ang napakahabang residente ng Mandaluyong na mga nabigla sa ‘sorpresang’ pagkawala ng supply ng tubig. Nagkatarantahan ang mga apektadong residente at hindi malaman kung saan kukuha , partikular ng malinis na tubig , para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Sa Mandaluyong, bandang alas-5:00 ng hapon…

Read More

COMELEC NAGBAGO NG TAKTIKA VS PASAWAY NA KANDIDATO

comelec12

(NI HARVEY PEREZ) TINIYAK ng Commission on Elections (Comelec) na hindi sila magpapalabas ng listahan ng mga pasaway na kandidato, maging ang mga kandidato na napadalhan na nila ng notice of violation. Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na hindi na nila papangalanan o ilalathala ang pangalan ng mga non-compliant na kandidato nang sa gayon ay hindi masayang ang case build-up na isinasagawa laban sa mga ito. Nabatid na ang paglabag ay may kinalaman sa  Oplan Baklas na kanilang isinasagawa sa mga nagkalat na illegal campaign posters at billboards sa…

Read More

16-M BAHAY MAKIKINABANG SA MURANG KURYENTE BILL

kuryente

(BERNARD TAGUINOD) MAKIKINABANG ang may 16 milyong pamilyang Filipino sa Murang Kuryente Bill na inaprubahan na ng Bicameral conference committee, ayon sa liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso. Gayunman, inaasahan na sa Hunyo 2019 pa ito mapapakinabangan ng sambayanang Filipino dahil sa Mayo 20 pa inaasahang raratipikahan ng dalawang Kapulungan ng Kongreso bago pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte. “This will lighten the burden of Filipinos from high cost of electricity without hurting the government coffer,” ani Marindue Rep. Lord Allan Velasco, chairman ng House committee on energy. Sa ilalim ng…

Read More

MAS MARAMING BABAENG WAGI DASAL SA ELEKSIYON

congress

(NI BERNARD TAGUINOD) UMAASA ang isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na mas maraming babaeng kandidato sa iba’t ibang posisyon sa gobyerno ang mananalo sa darating na eleksyon. Kasabay nito, umaasa din si Ifugao Rep. Teddy Baguilat na matigil na ang pagbibiro ng mga lider ng bansa  tulad ng rape na nakakasakit sa damdamin ng mga kababaihan. “Sana mas marami pang mahuhusay at marangal na babae ang mahalal sa pwesto para maisulong ang kapayapaan at kaunlaran. Sana ang pagbibiro ng rape, pambabastos ng babae at pangaabuso ng kapwa dahil sya…

Read More

PIA WURTZBACH EXCITED SA OFFBEAT ROLE

PIA123

(NI JONATHAN ANG) SUPER-THRILLED si Pia Wurtzbach sa kanyang big screen comeback ngayong taon. Mula nang makoronahan si Pia bilang Miss Universe 2015, nakagawa na siya ng dalawang pelikula under Star Cinema: Gandarrapido: The Revenger Squad (2017) with Vice Ganda and My Perfect You (2018) with Gerald Anderson. Itong pangatlo niyang movie ay ipo-produce ng Black Sheep (the same company behind Exes Baggage and Alone/Together). “I am very excited. I have a lot of fun when I am acting, when I am playing a role, when I have to put…

Read More

SURGICAL AIRSTRIKE INILUNSAD SA KUTA NG 200 ASG

abu1

(NI JG TUMBADO) SUNUD-SUNOD ang isinagawang ‘surgical airstrike’ ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa panibagong opensiba na inilunsad sa pinaniniwalaang kuta ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Patikul, Sulu Biyernes ng umaga. Ito ang inihayag ni Joint Task Force Sulu spokesperson Lt. Col. Gerald Monfort, kung saan ay nag-deploy sila ng air assets mula alas 6:40 ng umaga para atakihin ang pinaniniwalaang balwarte ng ASG sa bulubunduking bahagi ng Patikul. Ito ay makaraang makumpirma ng militar ang impormasyon na may nakakalat na mahigit 200 terorista sa lugar. Nakatanggap…

Read More