(NI BETH JULIAN) HINDI dapat ikabahala ang report ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na nagsabing posibleng umabot na sa critical level ang tubig sa Angat dam sa susunod na buwan bunsod na rin ng matinding init ng panahon. Sinabi ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, ito ang dahilan kung bakit may binubuong Executive Order ang Malacanang na magiging sagot sa nararasansang kakapusan ng water supply sa bansa. Gayunpaman, sa ngayon ayon kay Panelo, wala pa siyang impormasyon kung kailan maaaring isapubliko ni Pangulong Rodrigo Duterte ang…
Read MoreMonth: March 2019
ANTI-SIPOL LAW ‘DI PA NAPIPIRMAHAN NI DU30
(NI BERNARD TAGUINOD) DALAWANG araw bago matapos ang Buwan ng mga Kababaihan, muling umapela ang isang lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso kay Pangulong Rodrigo Duterte na pirmahan na ang panukalang batas na magpaparusa sa mga mambabastos sa mga kababaihan sa lansangan. Umaasa si House deputy speaker Sharon Garin na mapipirmahan na ang nasabing panukalang batas o “Safe Street, Public and Online Space Act, upang makumpleto na ang selebrasyon sa International Women’s Month. “To culminate the celebration of Inernational Women’s Month, we echoed the call for the enactment of the…
Read MorePAGTATABOY SA MANGINGISDANG PINOY GUSTO NANG TULDUKAN
(NI BETH JULIAN) INAASAHANG maseselyuhan pa ang ilang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at China sa susunod na buwan gayundin ang matagal nang isyu sa umano’y pagtataboy ng Chinese Coast Guard sa mga Pinoy na nangingisda sa Scarborough Shoal. Ayon kay Finance Usec. Mark Dennis Joven, ito ay inaasahang mangyayari sa pagdalo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Belt and Road Forum for International Cooperation sa Beijing, China sa Abril. Gayunman, hindi nangangahulugan na ang lalagdaang kasunduan ay tulad ng mga kasunduan na mayroon na ngayon ang dalawang bansa. Una nang…
Read MoreKANDIDATO BINALAAN SA PAGHINGI NG ‘SOLICITATION’
(NI FRANCIS SORIANO) Sa pag-arangkada ng unang araw ng kampanya ng lokal na kandidato ngayong midterm elections ay nanawagan at nagbigay paalala ang Commision on Elections (Comelec) at Department of Interior and Local Government (DILG) sa kandidato at mga botante na bawal magbigay o humingi na pinansyal na tulong. Ang sino mang lalabag, mapapatunayan o mahuhuli na nagbibigay na politiko o botante na ginagamit ang solicitation upang makahingi ng pinansyal o bagay ay maaring masampahan ng kaso. Bunsod sa umiiral na Comelec Omnibus Election Code XXII section 261 na ipinagbabawal…
Read MoreSOLON: PATAS DAPAT; MGA ARTISTA SA NARCO LIST KILALANIN
(NI BERNARD TAGUINOD) DAHIL pinangalanan na ang mga pulitikong sangkot umano sa illegal na droga sa bansa o ang mga tinatawag na narco politicians, nararapat lamang na pangalanan din ang mga artistang gumagamit at nagtutulak ng ilegal na droga. Ito ang mungkahi ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone kaugnay ng 31 artista umano na sangkot sa ilegal na droga na sinusubaybayan ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). “Dapat (pangalanan) kasi yung mga politiko pinangalanan. Dapat lahat (pangalanan) para fair,” pahayag ni Evardone. Magugunita na noong Marso 15, pinangalanan ni…
Read MoreCHINA KAKAMPI, ‘ DI KALABAN — GLORIA
(NI BERNARD TAGUINOD) NAKAKUHA ng kakampi sa katauhan ni dating pangulo at ngayo’y House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang China sa gitna ng kasong isinampa ng mga dating opisyales ng gobyerno laban kay Chinese President Xi Jinping at pagkatakot ng mga Filipino na kamkamin ng nasabing bansa ang mga patrimonial assets kapag hindi nakabayad sa utang. “China is a partner, not a threat,” ani Arroyo kaya sa halip aniya na matakot ay dapat pang paigtingin ng Pilipinas ang relasyon sa China na nangunguna ngayon sa mundo pagdating sa ekonomiya. Ginawa…
Read MoreKALITUHAN SA ‘DOBLE-PLAKA’ NILINAW NG LTO
(NI FRED SALCEDO) WALA pa umanong napagdedesisyunan ang Land Transporation Office (LTO) sa kung anong klaseng materyales gagawin ang plaka sa iminungkahing ‘doble-plaka’ sa mga motorsiklo. Nilinaw ng LTO na walang nakasaad sa “doble-plaka” law na bakal ang gagamiting materyales para rito, na ikinababahala ng maraming motorista. Matatandaang higit sa 50,000 motorcycle riders ang nagsagawa ng protesta hinggil sa panukalang “doble plaka” ng LTO. Minamandato ng batas ang pagkakaroon ng mas malaking plaka para sa mga motorsiklo na kailangang tanaw mula 15 metro ang plate number ng mga mga motorsiklo.…
Read MorePAGLOBO SA KASO NG TIGDAS: UNICEF, WHO TULOY SA PAG-AYUDA
Ni FRANCIS SORIANO DAHIL sa paglobo ng kasong tigdas at pagkamatay na ng marami ay maglulunsad na ng kanilang support programs ang United Nations International Children’s Emergency Fund (Unicef) at World Health Organization (WHO) para tugunan ang nagpapatuloy na problema sa tigdas. Sa inilabas na response plan ng Unicef at WHO, magdaraos sila ng trainings at monitoring upang mapalawak pa ang mga lugar na mararating ng pagbabakuna at malunasan ang paglobo nito. Bibili rin umano ng mga pasilidad para magamit ng mga estudyanteng hindi pa nabigyan ng measles vaccine, pag-recruit ng additional…
Read MoreRAPPLER CEO MARIA RESSA ARESTADO; NAGPIYANSA
INARESTO, Biyernes ng umaga, si Rappler CEO at executive editor Maria Ressa sa kasong paglabag sa anti-dummy law. Gayunman, agad ding nakapagpiyansa si Ressa matapos ang booking procedure sa Pasig City Police Station. Sa bisa ng warrant, inaresto si Ressa paglapag nito sa Ninoy Aquino International Airport ganap alas-6:30 ng umaga dahil sa kasong paglabag sa Anti-Dummy Law. Inihayag Ressa na kanyang haharapin ang mga kasong isinampa sa kanya tulad ng cyber libel at hindi pagbabayad ng buwis. Binigyan-diin nito na harassment ang ginagawa sa kanya. Iginiit din nito na pag-aari ng mga Pinoy…
Read More