(NI BETH JULIAN) NABABAGALAN si Pangulong Rodrigo Duterte sa imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa mga tinaguriang ‘Ninja cops’ o mga pulis na sangkot sa pagrerecycle ng ilegal na droga na nakukumpiska sa mga anti-drug operation. Dito ay nanggagalaiting pinangalanan ng Pangulo ang iba pang ‘Ninja cop’ na hanggang sa ngayon ay hindi pa maiprisenta sa kanya ng PNP at patuloy na nakapagtatago sa batas. Kabilang sa mga pulis na binanggit ng Pangulo ay sina Police Sr. Supt. Leonardo Suan; Suot. Jimmy Guban; Supt. Lorenzo Bacia; Inspectors Conrado…
Read MoreMonth: March 2019
‘INTERNAL CLEANSING’ SA FILM INDUSTRY HILING NG PDEA
(NI JESSE KABEL) HINILING ngayon ng pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na magsagawa ng internal cleansing sa kanilang hanay ang mga film at tv producers kasunod ng paglalantad ng ahensiya na posibleng umabot sa 100 ang artistang sangkot sa illegal na droga. Pinayuhan ng PDEA ang mga TV networks at mga film outfits na i-police ang kanilang hanay gaya ng pagsasagawa ng surprise drug testing sa kanilang mga artista at maging mga crew. Sa pahayag ni PDEA Director General Aaron Aquino, dapat magkusa na ang mga network at…
Read MoreOFWs
Tinatayang nasa 10 milyon ang overseas Filipino workers (OFWs) sa buong daigdig, kasama na riyan ang mga undocumented, ibig sabihin 10% ng populasyon ng Pilipinas na pawang mga nangakalat at nalayo sa kani-kanilang mga mahal sa buhay. Hindi kukulangin sa P20 bilyon kada buwan ang remittance ng mga OFWs na malaki ang kontribusyon sa paggalaw ng ating pambansang ekonomiya, kapalit ang mga nangangawasak na mga pamilya, mga anak na nalululong sa barkada at droga, bumabagsak na moralidad at naliligaw na kaisipan ng mga bagong henerasyon. Ganyan kalupit ang kasaysayan ng…
Read MoreSUPPLY NG TUBIG SA MANDALUYONG PROBLEMA PA RIN
(NI KIKO CUETO) PATULOY na nakararanas ng problema sa supply ng tubig ang ilang mga residente sa Bgy. Addition Hills sa Mandaluyong City ayon sa pag-amin ng Manila Water. Gayunman, nilinaw ng Manila Water na ito ay sa mga lugar na matataas ang tirahan o hirap abutin ng tubig. Ang pahirapan na naman sa supply ng tubig ay sa harap ng pagtiyak ng Manila Water na umaabot na sa 97 percent ng mga customers ang balik-normal na sa tubig. Ang nasabing service outage ay nakaapekto sa 1.2 million households sa…
Read MoreMATAGALANG DIGMANG BAYAN AT MAILAP NA KAPAYAPAAN
Ngayong araw na ito, Marso 29, ang ika-50 anibersaryo ng New People’s Army (NPA) na itinatag ng Communist Party of the Philippines (CPP) noong 1969 mula sa mga labi ng mga armado ng Hukbong Mapagpalaya ng Bayan (HMB) na pinamumunuan ni Bernabe Buscayno na mas kilala bilang Kumander Dante. Ang pagkakatatag ng NPA ang nagsilbing hudyat ng paglulunsad ng armadong pakikibaka bilang pangunahing anyo sa ilalim ng pambansa-demokratikong rebolusyon na isinusulong ng CPP mula nang maitatag ito noong Disyembre 26, 1968. Hanggang ngayon ay pinanghahawakan pa rin ng CPP ang…
Read MoreTULONG SA MGA MAGSASAKANG APEKTADO NG EL NIÑO, MADALIIN, HUWAG POLITIKAHIN
Kamakailan ay idineklara ang buong probinsya ng Cebu at ang Occidental Mindoro na under a state of calamity dahil sa tagtuyot na dala ng El Niño. Sa kabuuan, nasa pitong probinsya na ang nasa state of calamity sa buong kapuluan kabilang ang North Cotabato, Zamboanga Sibugay, Davao del Sur, at ang mga siyudad ng Zamboanga at Pagadian. Para sa Bayan Muna, dapat pabilisin ang paghahatid ng tulong sa ating mga magsasaka sa lalong madaling panahon, dahil malaki at malawak na ang epekto nito sa buhay at kabuhayan ng maraming magsasaka.…
Read MoreGOBYERNO WALANG KINALAMAN SA KASO VS XI
(NI BETH JULIAN) WALANG kinalaman ang gobyerno ng Pilipinas sa kasong crimes against humanity na isinampa sa International Criminal Court (ICC) nina dating Foreign Affairs secretary Albert del Rosario at dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales laban kay Chinese President Xi Jinping. Ito ang pagtiyak ni Pangulong Rodrigo Duterte kay His Excellency Song Tao, Minister ng International Department of the Communist Party of China Central Committee nang mag-courtesy call kasama sina Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua, Chinese Consul General to Davao Li Lin at iba pang Chinese delegates sa Matina…
Read MoreTAAL VOLCANO NASA ALERT LEVEL 1
(NI ABBY MENDOZA) MATAPOS makapagtala ng 50 volcanic earthquakes sa loob ng isang linggo, inilagay na, Huwebes ng hapon, sa Alert Level 1 ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology(Phivolcs) sa Alert Level ang Taal Volcano. Ayon sa Phivolcs, simula Marso 22 ay ilang volcanic earthquakes ang kanilang naitala bukod pa dito ang kapansin-pansin na pagbabago sa bulkan na nagkaroon ng ground deformation at pagtaas ng carbon dioxide emission sa crater. Ipinaliwanag ng Phivolcs na sa ilalim ng Alert Level 1 ay nangangahulugan ito na mayroong pagtaas sa volcanic earthquake,…
Read MoreP20-M ‘ALLOWANCE’ IPINASOSOLI NG COA SA PHILHEALTH OFFICIALS
(NI ABBY MENDOZA) SA katwirang dapat may go signal muna ng Office of the President ang anumang dagdag benepisyo, iniutos, Huwebes ng hapon, ng Commission on Audit (COA) na ibalik sa gobyerno ng 5 opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth)-Region 4-A ang P20M sobra sobrang allowances na ibinigay sa kanila noong 2012. Batay sa desisyon ng COA, ang dagdag allowances na ibinigay sa mga kawani at opisyal ay kinabibilangan ng birthday gift, medical mission at critical allowance, shuttle service allowance, transportation allowance, contractor’s gift at rice allowance. Lahat ng…
Read More