(NI JEDI PIA REYES) MAYORYA o 9 sa 10 Filipino sa buong bansa ang nais na maipagbawal ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar. Batay ito sa resulta ng isinagawang survey ng Pulse Asia nuong Enero 16 hanggang 31 ng kasalukuyang taon sa 1,800 respondents at commissioned ng Philippine Legislators’ Committee on Population and Development (PLCPD). Ayon sa Ulat ng Bayan survey ng Pulse Asia, 91 porsyento ng mga tinanong ay naniniwalang dapat na ipagbawal ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar habang apat na porsyento ang tutol. Lumabas din sa survey…
Read MoreMonth: March 2019
KONSTRUKSIYON NG LRT 1 TULOY NA SA ABRIL
(NI DAVE MEDINA) NAISAAYOS na ang mga isyu sa right-of-way (ROW) kaya tuluy na tuloy na ang konstruksyon ng Light Rail Transit Line 1 (LRT1) extension project na magsisimula sa Baclaran, Paranaque City patungo ng Bacoor, Cavite simula sa Abril. Sa panayam kay Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Timothy John Batan, tiniyak ng opisyal na naayos na nila ang ilang isyu na naging hadlang sa pagpapatuloy ng LRT Line 1 extension project. “Ito pong Abril na ito, sa wakas mauumpisahan na po natin ‘yung tinatawag nating actual works doon po…
Read MoreARJO TO MAINE: ‘MY REASON FOR BEING’
(NI RK VILLACORTA) SA WAKAS, para sa mga nakakaintindi sa sitwasyon nina Arjo Atayde at Maine Mendoza, malamang, tulad ko, happy rin sila dahil tinapos na rin ni Maine ang dati’y walang kumpirmasyon na estado nila ng aktor. Last Saturday, sa birthday salubong para kay Maine na isinagawa sa isang yate, nag-cruise sila sa Manila Bay. Kasama ng mag-sweetheart ang mga kaibigan at pamilya ng celebrant. “Warm up” lang ‘ika nga ang salubong na naganap, dahil the following day, Saturday, on Maine’s birthday mismo (March 3) ay ang aga ng dalawa…
Read MoreEFFIGY NG ‘MOMO’ SINUNOG NG PULIS, ESTUDYANTE
(NI KIKO CUETO) PINANGUNAHAN ng mga pulis at estudyante sa Butuan ang pagsusunog ng isang effigy ng ‘Momo’ para palakasin ang loob ng mga kabataan at ipamulat na huwag sumakay sa ganitong online na pakulo na nagreresulta sa viral suicide scare. Ginawa ang panununog sa effigy sa flag raising ceremony sa Libertad Elementary School, Butuan City sa Caraga region. “Hindi siya totoo at hindi dapat katakutan ng mga bata, kaya sinunog yan sa harapan nila at mismong ang mga estudyante ang sumunog, para ipakita na sila ang nasa upperhand na…
Read MorePAGLALANTAD NG MGA NARCO POLITICIAN OK SA PNP
BUKAS ang pamunuan ng Philippine National Police sa plano ng Department of Interiors and Local Government (DILG) at maging ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ilantad ang mga pangalang nakapaloob sa hawak nilang narco-list bago magsimula ang campaign period para sa midterm elections. Ayon kay PNP Police General Oscar Albayalde suportado ng kanilang organisasyon ang paglalabas ng listahan ng mga pulitikong sangkot sa ilegal na droga. Ito ay sa kabila ng paalala ng Commission on Human Rights (CHR) na magdahan-dahan ang DILG, PDEA at iba pang ahensiya na may…
Read MoreDEATH SQUAD MAG-UUNAHAN SA NARCO-POLITICIAN
(Ni BERNARD TAGUINOD) Parang senentensiyahan umano ng kamatayan ng gobyerno ang narco-politicians na pangangalanan bago dumating ang eleksyon sa Mayo kahit wala pang sapat na ebidensya laban sa mga ito kundi nakabase lang sa hinala. Dahil dito, hindi isinasantabi ni Akbayan party-list Rep. Tom Villarin na mag-uunahan ang mga death squad para itumba ang mga politiko na pangangalanan ng Department of Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP) at Malacañang, na sangkot umano sa ilegal na droga. “The list is a virtual death warrant for politicians and their…
Read More7-8M DRUG ADDICTS SA PINAS, GAWA-GAWA LANG NI DUTERTE
(Ni BERNARD TAGUINOD) Bukod sa nais lang bigyan ng katuwiran ang madugong giyera kontra ilegal, taktika ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalobo sa bilang ng mga drug adik sa bansa para mawala ang atensyon ng mga Filipino sa buwis, pagkamatay ng rice industry at maging ang pagbebenta umano sa Filipinas sa China. Ito ang nabatid kay ACT party-list Rep. Antonio Tinio matapos ilagay ni Duterte na nasa 7 hanggang 8 milyon ang drug addicts sa Filipinas na malayong-malayo na sa 1.7 milyon bago ito naging pangulo ng bansa noong 2016.…
Read MoreGRADUATION RITES BAWAL GAWING POLITICAL FORUM — DEPED
Pinaalalahanan ng Department of Education (DepEd) ang pamunuan ng mga pampublikong paaralan sa buong bansa na bawal ang pamumulitika sa idaraos na moving up at graduation ceremonies ng mga mag-aaral na magsisipagtapos ngayong School Year 2018-2019. Bunsod na rin ito ng posibilidad na samantalahin at magamit ng ilang kandidato sa kanilang pangangampanya para sa midterm elections ang naturang mga aktibidad. Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, dapat na mapanatili ang solemnity ng okasyon, dahil napakahalaga nito para sa mga mag-aaral at kanilang mga magulang. Giit pa ng kalihim, hindi ito…
Read MorePINAGAANG NA SISTEMA SA SSS LOAN NG PENSIYONADO
MAGANDANG balita sa mga pensiyonado ng Social Security System (SSS). Maging ang bagong retirado – kahit isang buwan pa lamang nakatatanggap ng pensiyon – ay maaaring makautang sa pension loan program ng ahensya. Inihayag ni SSS president at chief executive Emmanuel Dooc na mas pinadali na ngayon ang pagpapautang para sa mahigit 1.2 milyong pensiyonado. Dati-rati ay kailangang anim na buwan nang tumatanggap ng pensiyon sa SSS ang pensiyonado bago ito pumasok sa SSS pension loan subalit ngayon ay ibinaba na lamang ito sa isang buwan. Dinagdagan din ang mga…
Read More