KORONADAL CITY – Minomonitor ngayon ng Department of Agriculture (DA) ang mga lugar na apektado ng El Niño sa bansa. Sinabi ni Zaldy Boloron, chief of operations ng DA-Regional Office 12, bumuo na ng technical team ang DA para matukoy ang mga palayan sa rehiyon na apektado ng labis na tagtuyot. Sakaling maberipika ang mga apektadong lugar, agad magsasagawa ng cloud seeding upang maibsan ang tagtuyot. Sa ngayon, nanawagan ang opisyal sa mga magsasaka na makipagtulungan din sa DA para maiwasan ang pagkasayang ng mga itatanim na palay ngayong panahon…
Read MoreMonth: March 2019
MMML RECRUITMENT SERVICES TINATAWAGAN NG PANSIN
Kamakailan, ako ay nakatanggap ng sumbong at paghingi ng tulong mula sa ating kabayani na sina Edna Tampos at Rachelle Tapanan. Si Edna Tampos ay nakarating sa Kuwait sa pamamagitan ng MMML Recruitment Services noong Setyembre 21, 2017. Ayon sa kanyang ipinadalang sumbong sa Bantay OFW mobile apps, siya diumano ay sinasaktan o binubugbog ng kanyang mga alaga at kamakailan ay pinagbibintangan pa na nagnanakaw ng gamit ng kanyang amo na mariin niyang pinasisinungalingan. Hinihiling niya sa akin na tulungan siya na makarating sa Philippine Embassy upang siya ay makauwi…
Read MoreKRIS AQUINO GAGANAP NA NANAY NI TONY LABRUSCA
KASAMA si Kris Aquino sa isang upcoming project kung saan kasama rin si Tony Labrusca. Ito ang ibinalita ni Kris mismo sa kanyang Instagram account. Gaganap daw ang Queen of All Media bilang nanay ng kontrobersyal na aktor sa naturang proyekto. Ang photo ay ang “one scene” ng aktres kasama si Labrusca. Ang Instagram post ay may caption na: “I was impressed with you in ‘La Luna Sangre.’” Ang tinutukoy niya ay ang dating ABS-CBN series starring Kathryn Bernardo and Daniel Padilla. “But you made it effortless for me to portray your mother…
Read MoreMARSO: BUWAN NG KABABAIHAN
Unang araw ng Marso. Noong bata-bata ako, ang pakahulugan ko sa buwang ito ay pagbabadya ng nalalapit na pagtatapos ng taon sa paaralan at pag-uumpisa ng masayang bakasyon sa probinsya. Ngunit sa paglipas ng mga taon at sa pagdami ng kaalaman, natutunan ko na ang Marso ay buwan din pala na nakalaan para sa kababaihan. Kaya, heto ang maagang pagbati sa kababaihan: “Isang masaya at mas mapagpalayang buwan ng kababaihan para sa ating lahat! Ang pagdiriwang ngayong taon ay may temang “#BalanceforBetter.” Bagama’t masasabi na marami nang nakamit na tagumpay ang kilusang kababaihan…
Read MoreCURFEW SA BISPERAS NG HALALAN HILING NG ELECTION WATCHDOG
(NI HARVEY PEREZ) PINAG-AARALAN ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV),accredited elections watch dog na irekomenda sa Commission on Elections (Comelec) ang pagkakaroon ng curfew para mapigilan ang mga vote buying ng mga kandidatong may pera sa mga botante. Ayon kay Maribel Buenaobra , Executive director ng PPCRV sa ginanap na lingguhang Balitaan sa Tinapayan, ito ang nakikita nilang paraan para mapigilan ang lider ng mga kandidato na makapag deliver ng pera sa mga bahay kapalit ng kanilang mga boto. Duda umano si Buenaobra na lumikha ng batas laban…
Read More‘CHINESE WORKERS BANTA SA MGA BAGONG GRADUATE’
(NI BERNARD TAGUINOD) LALONG mawawalan ng pagkakataon ang mga bagong graduates ngayong taon na magkaroon ng trabaho dahil sa pagdagsa ng mga illegal Chinese workers sa Pilipinas. Ito ang kinatatakutan ni Kabataan party-list Rep. Sarah Elago dahil noong 2018 aniya ay halos kalahati sa mga fresh graduates ang hindi nakahanap na trabaho kaya ang pagdagsa ng mga Chinese workers ay lalong magpapahirap sa mga magtatapos ngayong taon. Hindi nagbigay ng eksaktong datos ang tanggapan ni Elago kung ilan ang magtatapos sa senior high school at kolehiyo noong 2018 subalit kung…
Read MoreLUNTIANG ENERHIYA HATID PARA SA ISLA VERDE
Kung babalikan at lilingunin natin ang kasaysayan ng ating bansa, ang Pilipinas ay isa sa mga bayan na talagang pinuntiryang sakupin ng mga iba’t ibang lahi gaya ng mga Kastila, Hapon, at ng mga Amerikano. Sagana kasi ang ating bansa sa likas na yaman kaya tayo nakilala bilang Perlas ng Silangan. Napakaganda ng lokasyon ng ating bansa dahil tayo ay nakakakuha ng sapat na pag-ulan at sapat na sikat ng araw. Hindi kataka-takang nangunguna ang Pilipinas sa Asya at pumapanlima sa buong mundo kahanay ang South Africa, Chile, Brazil, at…
Read MoreBOARD SECRETARY PATAY SA AMBUSH
(NI JG TUMBADO) PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ng tatlong armadong lalaki ang provincial board secretary sa bayan ng Maramag, Bukidnon Linggo ng ng umaga. Nakilala ang biktima na si Roland Lacson, 45, residente ng purok 3B, Sitio Magsaysay, Barangay Kuya sa nabanggit na bayan. Lumalabas sa ulat ng Maramag Municipal police, patungo sana sa bayan ang biktima kasama ang kanyang ama at pamangkin sakay ng kotse nang bigla itong harangin ng isang kulay puting Toyota Fortuner na walang plaka at sunud- sunod itong pinaputukan ng tatlong hindi pa matukoy na…
Read MoreKATHRYN TO DANIEL: I PROMISE TO STAY WITH YOU FOREVER
SA vlog (video blog) na pinamagatang “Discover a Different World with KathNiel” na ipinost recently, mapapanood ang trip ng magkasintahang sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa Hokkaido at Hiroshima, Japan bilang tourism ambassadors of Japan from the Philippines. Dito makikita nang malapitan ang closeness ng dalawa. Sa isang parte ng Hiroshima visit nila, may inabot si Bernardo na regalo kay Padilla. May kasama itong sulat na nagsasaad na, “This is going to be our best year together! Thank you for all the love you’ve given me. I promise to…
Read More