(NI JEDI PIA REYES) IKINAKASA na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pagsasampa ng mga kasong administratibo laban sa mga politikong nakahanay sa narcolist at nanalo sa nakalipas na midterm elections. Diin ni Interior Secretary Eduardo Año, walang karapatan ang mga nasabing pulitiko na paikutin at takasan ang batas kahit pa nanalo sila sa halalan. “Kahit na pinalad silang manalo, tuloy pa rin ang administrative cases laban sa kanila. Hindi pa rin sila makalulusot kung sila ay mapatutunayang sangkot sa iligal na droga,” ayon kay Año. Itinuturing…
Read MoreMonth: May 2019
ISYU SA SOUTH CHINA SEA PAG-UUSAPAN SA JAPAN
(NI BETH JULIAN) INAASAHANG tatalakayin sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa kanilang bilateral meeting sa Tokyo ang isyu ng South China Sea. Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Office of Asian Pacific Affairs Assistant Secretary Meynardo Montealegre, hindi lamang usapin ng South China Sea ang maaaring mapag-usapan ng dalawang lider kundi maging ang Korean Peninsula. Sinabi ni Montealegre na kasama sa agenda ang paghahanap ng mapayapang paraan o resolusyon sa isyu ng territorial dispute. Ayon kay Montealegre, nakatakdang magbigay ng keynote adress…
Read MoreDAGDAG-REBATE SA MANILA WATER IGINIIT SA KONGRESO
(NI BERNARD TAGUINOD) SA halip na tubig ay perwisyo umano ang nag-uumapaw sa mga customers ng Manila Waters, kaya’t iginiit ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na singilin ng dagdag na debate ang Manila Water. Ginawa ni Gabriela party-list Rep. Emmi de Jesus ang paggiit sa dagdag rebate matapos muling mapuwerhuwisyo ang mga customers ng Manila Water nang may nabutas umanong tubo sa Quezon City. Ayon kay De Jesus, nag-uumapaw umano sa kapalpakan at perwisyo ang Manila Water dahil sa kabiguang tuparin ang pangakong ibalik sa normal ang…
Read MoreBP NI ‘BIKOY’ TUMAAS; ISINUGOD SA OSPITAL
(NI JG TUMBADO) ISINUGOD sa Philippine National Police (PNP) General Hospital si Peter Joemel Advincula, alyas “Bikoy”, dahil umano sa hilo at hirap sa paghinga bunsod na rin ng pagtaas ng blood pressure (BP) nito, Biyernes ng umaga. Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, kinailangang dalhin umano si Advincula sa ospital dahil sa nararanasan nitong pagkahilo at hirap makahinga dahil sa high blood ito. “Biglang nagshoot-up yung BP niya na 130 over 90, at parang ang sinabi nya nahihilo raw sya, so pina-hospital muna namin sya, probably kailangan…
Read More2 KOMPANYA SA TAGUIG, IDINIIN SA P14-M TAX EVASION CASES
(NI NELSON S. BADILLA) TINIYAK ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na madidiin sa kasong tax evasion ang dalawang malalaking kompanya sa Lungsod ng Taguig dahil hindi pagbabayad ng P14 milyong buwis sa ahensiya. Kinasuhan ng BIR Ecosolutions Engineers, Project Managers and Sustainability Consultants (Ecosolutions) at Glazetech Glass Aluminum Installation, Inc. (Glazetech) sa Department of Justice (DOJ) makaraang mapatunayan ng mga imbestigador ng BIR na ang dalawang kompanya ay hindi nagpabayad ng P14 milyong buwis. Idiniin ng BIR na ang hindi pagbabayad ng P5,676,306.34 buwis para sa taong 2017. Samantalang,…
Read MoreDINGDONG DANTES, UMALMA SA ISYU NG NYC
(NI MELL NAVARRO) MALACANANG orders National Youth Commission (NYC) Chairperson Ronald Cardema to vacate his post after he asked the Comelec to allow him to replace his wife, Ducielle Suarez, as first nominee of Duterte Youth party-list.” Ito ang balita kamakailan. Umalma sa isyung ito si Dingdong Dantes, dati ring head ng NYC. Sa kanyang Facebook account, pakiwari ng aktor na ang ginagawa ni Cardema ay “railroading” upang makakuha ng seat sa Kongreso, kahit wala ito sa listahan ng nominees ng nabanggit na party-list. Part ng post ni Dingdong: “If the petition will…
Read MoreNARCO-POLITICIANS IPINAMOMONITOR SA PDEA, AMLC
(NI NOEL ABUEL) DAPAT na bantayang mabuti ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng iba pang ahensya ng pamahalaan ang mga nanalong kandidato sa nakaraang eleksyon na kabilang sa pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa operasyon ng illegal na droga sa bansa. Ito ang giit ni Senador Richard Gordon kung saan sa 46 narco-politicians na pinangalanan ng Pangulo ay 26 ang mga nagtagumpay sa kanilang kandidatura. “With the narco-politicians already identified ahead of the elections, the PDEA should have conducted a tight watch on them. Kung nakalagay…
Read MoreERWIN TULFO ITATALAGANG PCOO SECRETARY?
(NI BERNARD TAGUINOD) MAGKAKAROON ng bagong pinuno ang Presidential Communication Operation Office (PCOO) sa katauhan ng broadcaster na si Erwin Tulfo. Ito ang kumakalat na impormasyon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kaugnay ng nakatakdang appointment umano ni Tulfo bilang PCOO secretary anumang araw mula ngayon. Ayon sa impormasyon, papalitan ni Tulfo si Secretary Martin Andanar na itatalaga naman bilang Presidential Adviser on Political Affairs. Nabakante ang nasabing posisyon matapos magbitiw upang tumakbo sa katatapos na senatorial race si Senator-elect Francis Tolentino. Si Tulfo ay nakababatang katapid nina dating Tourism Secretary…
Read MoreISA PANG PACQUIAO PASOK NA MIYEMBRO NG KONGRESO
(NI BERNARD TAGUINOD) ISA pang Pacquiao ang mapapabilang sa Kongreso sa katauhan ni Alberto Paquiao na first nominee ng OFW Family party-list at kabilang sa mga nanalo noong nakaraang eleksyon. Si Alberto na kilala din sa tawag na “Bobby” ay isa ring boksingero at nakakabatang kapatid ni Sen. Manny Pacquiao. Siya ang ikatlong Pacquiao na magiging miyembro ng Kongreso. Naging WBC featherweight at barangay chair si Bobby Pacquiao sa Barangay Labangal, General Santos City bago ito naging first nominee ng OFW Family kung saan nakakuha ng isang silya sa nakaraang eleksyon. Sa kasalukuyan ay…
Read More