Isang sumbong ang nakarating sa akin noong nakaraang Linggo kung saan isang domestic helper sa Kuwait ang umano ay dinodroga muna ng kanyang employer bago halinhinan na halayin ng kanyang employer kasama ang iba pa nitong kaibigan. Para sa kanyang proteksyon ay itago na lamang natin ang ating kabayani sa pangalan na “BPJ” at ayon sa sumbong na kanyang ipinadala ay na-deploy o nakarating s’ya sa bansang Kuwait sa pamamagitan ng PJV Human Resources Service Company habang ang kanyang Kuwait agency naman ay ang Ali Hamad Alenezi for Recruitment of…
Read MoreMonth: August 2019
DENGUE AT ANG SUPLAY NG DUGO
Umangat na naman ang Pilipinas sa “pinaka”. Pero ang bagong balita ay nakalulungkot at nakaaalarma dahil ang Pilipinas ngayon ang may pinakamaraming kaso ng dengue sa Southeast Asia sa taong ito. Ang bilang kasi ng kaso ng dengue sa ngayon ay sumampa na sa 146,062 at nakapagtala na rin tayo ng mga pasyenteng namatay rito sa bilang na 622. Ang nakalulungkot pa rito, may area o sangay ng Philippine Red Cross (PRC) na namumroblema ngayon sa suplay ng dugo para maitulong sana para sa blood transfusion ng mga pasyente na…
Read MoreBROADSHEET HINAMON NI IMEE SA BUWAN NG WIKA
(NI NOEL ABUEL) HINAMON ni Senador Imee Marcos ang lahat ng broadsheet newspapers na gamitin ang wikang Filipino kahit isang araw lang at maglaan ng isang pahina na maaaring ilagay ang mga artikulo bilang paggunita sa Buwan ng Wika. Pakiusap ni Marcos, hindi naman aniya kalabisan ang makiusap sa mga pahayagang Ingles na kahit na papaano ay maglaan ng isang pahina para sa mga artikulo na ang gagamitin ay ang Wikang Pambasa. “Isang beses lang naman ito ngayong buwan ng Agosto at isang pahina lang din para sa mga artikulong…
Read MoreMMDA OFFICIALS LAGOT SA MATINDING TRAFFIC SA EDSA
(NI NOEL ABUEL) PINAGPAPALIWANAG ni Senador Grace Poe ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mala-sardinas na ilang araw nang trapik na nararanasan sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue (EDSA). Ayon kay Poe, chair ng Senate Committee on Public Services, magpapatawag ito ng public hearing para paharapin ang mga opisyales ng MMDA at iba pang opisyal ng pamahalaan sa darating na Agosto 13, upang magpaliwanag sa sobrang idinulot na trapiko sa EDSA sa gitna ng test run na pagbabawal sa mga provincial bus na dumaan sa nasabing kalsada. “Matinding…
Read MorePAG-DEVELOP NG CHINESE INVESTORS SA 3 ISLA BUBUSISIIN
(NI NOEL ABUEL) IIMBESTIGAHAN ng Senado ang planong pag-develop ng Chinese investors sa tatlong malalaking isla dahil sa pangambang magdulot ito ng masamang implikasyon sa seguridad ng bansa. Inihain ni Senador Risa Hontiveros ang Senate Resolution No. 74, na naglalayong siyasating ang strategic security implications ng pag-develop ng mga dayuhang negosyante sa Fuga island na matatagpuan sa probinsya ng Cagayan at Grande at Chiquita Islands sa Subic, Zambales gayundin ang dating Island Cove Resort, sa Cavite na pawang nasa lokasyon na naaayon sa national security ng bansa. “Are we witnessing a…
Read MorePALASYO TIKOM SA PAG-ALIS NG TRO VS KASO NI NOYNOY
(NI BETH JULIAN) IWAS ang Malacanang sa pag-alis ng Korte Suprema sa Temporary Restraining Order (TRO) sa mga kasong graft at usurpation of authority laban kay dating pangulong Noynoy Aquino. Ang kaso ay may kinalaman sa pagkamatay ng 44 na miyembro ng Philippine National Police–Special Action Force sa Mamasapano encounter noong January 25, 2015. Giit ni Chief Presidential Legal Counsel at Spokesperson Salvador Panelo, hindi nanghihimasok ang Malacanang sa trabaho ng Korte dahil may umiiral na independence sa pagitan ng magkakahiwalay na sangay ng gobyerno na kinabibilangan ng ehekutibo, lehislatura at…
Read MoreHOTLINE 911 LIBRE NA; PRANK CALLER BINALAAN
(NI TJ DELOS REYES) INIANUNSYO ng pamunuan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na libre na ang lahat ng tawag sa Emergency 911 Hotline ng pamahalaan para sa mga subscriber ng PLDT, Smart, Talk ‘N Text at Sun. Kasabay ng pag-aanunsyo ay nagbabala naman si Interior and Local Government Secretary Eduardo M. Año na parurusahan sa ilalim ng batas ang mga ‘Prank Callers o yung ‘fraudulent caller.’ “Libre na po ang pagtawag sa Hotline 911 sa PLDT at tatlong mobile networks nito pero hindi ibig sabihin ay gagamitin…
Read MorePAUTANG SA PAALIS NA OFW ISINUSULONG
(NI NOEL ABUEL) ISINUSULONG sa Senado ang pagpapautang sa mga aalis na overseas Filipino workers (OFWs) na naglalayong matulungan ang pamilyang maiiwanan ng mga ito. Sinabi ni Senador Bong Revilla, Jr. na malaki ang maitutulong ng credit assistance program na naglalayong pagaanin ang sitwasyong pinansiyal ng mga OFWs at pamilya nito. Ayon kay Revilla, inihain nito ang Senate Bill No. 801 na naglalayong makatulong sa pamilya ng mga OFW na kaaalis pa lamang at hindi pa nakakatikim ng suweldo sa loob ng unang tatlong buwan. Pangunahing kailangan lamang umano ng…
Read MoreBAGYONG HANNA LUMAKAS PA, 1 LPA MATUTUNAW
(NI ABBY MENDOZA) NAPANATILI ng bagyong Hanna ang lakas nito habang papalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa). Ayon sa Pagasa tinatahak na ng bagyo ang direksyong patungong Japan subalit bago ito lumabas ng PAR ay magdadala pa ito ng katamtaman hanggang malakas na pag-uulan kaya pinapayuhan ang publiko na mag-ingat laban sa baha at landslide. Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 185 kph, bugso na 230kph at kumikilos sa bilis na 15kph. Bagamat PAR ang…
Read More