KOREAN SUPERSTAR PARK BO GUM, NAG-SORRY KAY ANNE CURTIS

anne100

KAMAKAILAN  ay nagbakasyon si Anne Curtis sa South Korea at pinost niya sa Twitter ang isang selfie sa tabi ng standee ng Korean superstar na si Park Bo Gum. “Look who I bumped into in Seoul! Annyeong @BOGUMMY,” sabi niya sa post, na tinag pa ang binata. Kinabukasan, tumugon si Bo Gum sa message: “Sorry for my late response! When did you come to Korea? Having a good time here? I’m shooting a movie these days. Though the weather is too hot, I hope you can fully enjoy the time…

Read More

ILEGAL AT ‘DI MAKATARUNGAN ANG PAGSASARA SA PCSO

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Korapsyon ng appointees ni Presidente Rodrigo Duterte ang dahilan kung bakit biglang inutos niya ang pagpapasara ng operasyon ng Philippine Cha­rity Sweepstakes Office. Imbes na parusahan ang mga tinalaga niyang opisyal ay naapektuhan pa ang maraming mamamayan, kabilang ang mga pasyenteng umaasa sa mga medikal na tulong na ibinibigay ng PCSO. Hindi ba’t hindi ito makatarungan? Ang malaking tanong ay kung anu-anong mga ano­malya ang tinutukoy ni Pangulong Duterte na dahilan sa kanyang pag-uutos na ipasara ito. Mula pa 2011 ay itinutulak na ng Bayan Muna ang mga imbestigasyon hinggil…

Read More

T. CLAUDIO BRIDGE SA PANDACAN ISASARA NG 6-BUWAN

mmda44

(NI ROSE PULGAR) NGAYONG weekend ay isasara sa mga motorista ang Tomas Claudio Bridge sa Pandacan, Maynila para bigyang-daan ang konstruksyon ng Skyway Stage 3 Elevated Expressway Project, alinsunod sa anunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). “Simula sa Sabado, Agosto 3, ng 10pm, isasara ang Tomas Claudio Bridge sa susunod na anim na buwan,” pahayag ni General Manager Jojo Garcia. Para mabawasan ang inaasahang bigat ng trapiko bunsod ng proyekto, inatasan ni Garcia ang mga traffic enforcers sa lugar, katuwang ang mga opisyal ng barangay, na magsagawa ng clearing…

Read More

REP. PAOLO DUTERTE UMANIB SA NUP 

(NI ABBY MENDOZA) NAKATAKDANG manumpa bilang bagong Nationalista Unity Party(NUP) member si Presidential son at Davao Rep. Paolo Duterte sa Agosto 6. Ang NUP, isang major party ay pinamumunuan ni dating Interior secretary Ronaldo Puno. Ang batang Duterte ay hindi pa kaanib ng anumang political party maliban sa kanyang itinatag at pinamumunuang Hugpong ng Tawong Lungsod (HTL) na nakabase sa Davao. Ayon kay Antipolo 1st District Rep. Roberto Puno, adopted member na ng NUP si Duterte bago pa ito pormal na sumanib sa kanila. Ilang sources naman ang nagkumpirma na ang…

Read More

TERORISMO GAWING OBSOLETE

FOR THE FLAG

Maaaring mas makatutulong sa buong mundo, maging sa mga terorista kung mamarapatin nilang tigilan na ang pag-iisip at pagsunod sa dikta ng terorismo. Wala naman talagang buting maidudulot ang terorismo sa mundo. Oo nga’t kumikita ang mga terorista dahil ang nasa likod ng terorismo ay bilyun-bilyong dolyar na budget, subalit maaaring mas mainam ang kapayapaan na lamang ang pagtuunan na makakatulong pa sa kalusugan, kapahingahan at kaaliwan ng bawat isa, maging ng mga terorista. Maaaring hindi rin naman talaga natutuwa ang mga terorista sa pinaggagagawa nila, na pera-pera lamang naman…

Read More

STL AT JUETENG

SIDEBAR

Pwede na muling tumaya sa lotto matapos muling pabuksan ang may 30,284 lotto outlets ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kasunod ng kautusang pag-alis ng Malacañang sa naunang suspension order nito sa operasyon ng lotto sa bansa. Nananatili namang suspendido ang operasyon ng Small Town Lottery (STL), Peryahan ng Bayan at Keno habang iniimbestigahan ito ng Department of Justice dahil sa mga ulat na hindi nakukuha ng PCSO ang tamang kubransa sa mga operator ng STL. Base sa 2017 at 2018 report ng Commission on Audit, lumilitaw na ang STL…

Read More