BIYAHENG PNR TUTUBAN-BICOL TULOY NA

pnr12

(NI KEVIN COLLANTS) INIANUNSIYO ng Philippine National Railways (PNR) na naging matagumpay ang isinagawa nilang inspection trip sa kanilang mga tren mula Tutuban, sa Maynila patungong Camarines Sur at pabalik. Ayon sa PNR, isinagawa ang naturang inspection trip bilang paghahanda sa muling pagbubukas ng biyahe ng PNR patungong Kabikulan. Umalis ang tren sa Tutuban noong Biyernes, Setyembre 20, patungong Camarines Sur at nakabalik nitong Lunes, Setyembre 23. Tumagal lamang ng 12 oras at 44 na minuto ang biyahe mula Naga hanggang Tutuban, na tatlong oras na mas mabilis kaysa sa…

Read More

PAGBABALIK SA DEATH PENALTY UMUUSAD NA 

deathpenalty1

(NI BERNARD TAGUINOD) UMUSAD na ang panukalang batas na magbabalik sa parusang kamatayan para sa mga heinous crime offenders tulad ng mga drug lords, rapist at mamamatay tao sa Pilipinas. Nitong Martes ay pormal nang sinimulan ng House committee on justice na pinamumunuan ni Rep. Vicente ‘Ching’ Veloso ang pagdinig sa mga panukalang batas na ibalik ang parusang kamatayan sa bansa. Ayon kay House deputy speaker Ferdinand Hernandez, isa sa mga may akda sa nasabing panukala, nakababahala ang mga krimeng nangyayari ngayon sa bansa kaya hindi umano dapat manood lamang…

Read More

FORENSIC UNIT NG PAO, KINUWESTYON; PONDO ILILIPAT SA NBI

(NI DANG SAMSON-GARCIA) KINUWESTYON ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang Public Attorney’s Office sa pagbuo nila ng sariling forensic unit na maituturing anyang duplication lang ng trabaho ng government investigative bodies. Dahil dito, iginiit ni Drilon na ilipat na lamang sa National Bureau of Investigation (NBI) upang magamit sa kanilang crime laboratory ang P19.5 milyong budget para sa tanggapang ito ng PAO. Binigyang-diin ni Drilon na walang proper authority at mandato ang PAO upang bumuo ng sarili nilang forensic unit para sa imbestigasyon at paghahain ng kaso partikular kaugnay…

Read More

DOH: POLIO VACCINE SAPAT

(NI DAHLIA S. ANIN) NAGTUTULUNGAN na ang Department of Health (DoH) at World Health Organization (WHO) upang maging epektibo ang pagresponde sa polio outbreak sa bansa. “Today, mayroon po tayong meeting, ang DOH at WHO, to finalize kung ilan pong eksaktong vaccines ang kakailanganin natin,” ayon ay Health Undersecretary Eric Domingo sa isang panayam sa telebisyon. Nangako umano ang WHO sa kanila na maibibigay ang lahat ng bakuna na kailangan at mabibigyan nito ang lahat ng dapat mabakunahan. Noong nakaraang linggo ay kinumpirma ng ahensya ang pagbabalik ng sakit na…

Read More

OFWs PROTEKTAHAN VS CRYPTO SCAMS – SOLON

(NI NOEL ABUEL) NANAWAGAN ang ilang senador sa pamahalaan na protektahan ang overseas Filipino workers (OFWs) laban sa crypto scams na nambibiktima sa mga mahihirap na Filipino. Ayon kay Senador Francis ‘Tol’ Tolentino, kailangang palawigin pa ang pag-aaral kaugnay sa paggamit ng cryptocurrencies at iba pang digital currencies para maproteksyunan ang publiko mula sa mga scam, partikular ang mga OFWs. Kaugnay nito, isinumite ni Tolentino ang resolution no. 129 sa Senado, na magsagawa ng pagdinig kaugnay sa kasalukuyang ipinatutupad na regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at iba pang ahensya ng…

Read More

PMA CHIEF NAGBITIW SA GITNA NG HAZING PROBE

(NI AMIHAN SABILLO) DAHIL sa ‘command responsibility’, bumaba sa tungkulin si Philippine Military Academy (PMA) Superintendent Lieutenant General Ronnie Evangelista ngayong Martes, kasunod ng pagkamatay ni Cadet 4th Class Darwin Dormitorio. Inihayag ni Evangelista ang kanyang pagbibitiw sa harap ni Commandant of Cadets Brigadier General Bartolome Vicente Bacarrro, sa agarang press conference sa Fort del Pilar sa Baguio City. “Tapos na ang mga administrative and criminal case gayundin ang prosecution procedures. The last act that this great military institution demands is for the leadership to take responsibility over what happened. In…

Read More

‘DI LANG 3 ANG SANGKOT SA HAZING– PAMILYA DORMITORIO

(NI KIKO CUETO) HINDI kumbinsido ang pamilya ng napatay sa hazing na si Darwin Dormitorio na tatlo lang ang sangkot sa pagkamatay nito sa loob ng Philippine Military Academy (PMA). “Kami ng tatay ko, hindi kami convinced na ‘yung tatlo lang ang may hand dito,” sabi ng kapatid ni Darwin na si Dexter sa panayam sa DZBB. “Definitely siguro may iba pang involved na mga kadete, hindi lang namin ma-conclude. Sa amin lang parang ang hirap paniwalaan, dalawang tao tsaka isang senior magagawa talaga ‘yun?” dagdag nito. Kwento ni Dexter,…

Read More

HOUSING BANK IPINATATAYO

(NI DANG SAMSON-GARCIA) INIREKOMENDA ni Senador Francis ‘Tol’ Tolentino ang pagtatatag ng Housing Bank of the Philippines para sa lahat ng financial assistance sa housing sector. Sa pagdinig ng Senate Committee on Housing and Urban Planning, sinabi ni Tolentino na layon ng Housing Bank of the Philippines na maiayos ang pagbibigay ng ayuda sa mga gustong mag-avail ng housing program. “Pangarap ng bawat tao na magkaroon ng tahanan na masisilungan lalo na tuwing panahon ng kalamidad, tulungan natin sila na makamit ang pangarap na ito,” saad ni Tolentino. Lumitaw sa…

Read More

300% ROAD USERS TAX INCREASE, MAHIHIRAPAN SA SENADO 

cars200

(NI DANG SAMSON-GARCIA) DUDA si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na lulusot sa Senado ang panukalang itaas ng 300% ang Motor Vehicle Users Charge (MVUC) o mas kilala bilang road users tax. Ayon kay Sotto, malinaw na ang muling tatamaan ng dagdag na singil sa buwis na ito ay ang mga vehicle owner na matino namang nagbabayad ng kanilang obligasyon sa gobyerno. “Mahihirapan yan. Yung mga tatamaan dyan yung mga nagbabayad din ng tax na matino,” saad ni Sotto. Bukod dito, sa kasalukuyan ay may pondo pa rin mula…

Read More