(NI ABBY MENDOZA) NILINAW ni House Speaker Alan Peter Cayetano na walang katotohanan na ang hinihinging dagdag na P1.6 bilyon ng House leadership ay para sa budget ng may 22 deputy speakers. Sa pagdalo ni Cayetano sa kauna-unahang General Assembly ng Congresssional Spouses Foundation Inc. (CSFI) kung saan inilunsad ng foundation ang Pinto sa Kongreso, isang art exhibit na naglalayong makalikom ng pondo para sa mga programa ng CSFI ay sinabi nito na ‘fake news’ ang lumabas na ulat dahil hindi para sa deputy speakers ang hinihinging dagdag na pondo…
Read MoreMonth: September 2019
ALEX AT TONI, SINAGOT ANG TUMAWAG SA KANILANG ‘MALNOURISHED’
Sa Instagram post ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga, isang netizen ang nag-comment sa larawan nila ng, “Para kang malnourish…..u need to eat more! Health before wealth.” Unang sumagot si Toni. Sinabi nitong “payat talaga genes namin. Di kami tabain.” Sinabi ng netizen na hindi naman payat ang parents nila. Ipinagtanggol ni Alex ang ate niya: “vegetarian nga sya eh.” Tungkol sa comment tungkol sa parents nila, ito ang sagot niya: “huy syempre matanda na sila pag nakita mo ang daddy nung kabataan nya ganyan din.” Kuha ang larawan…
Read MoreGILAS COACHING JOB, OK NA KAY CONE
(NI JJ TORRES) PORMAL nang tinanggap ni Tim Cone ang alok bilang head coach ng Gilas Pilipinas para sa 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11. Kinumpirma ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) President Al Panlilio ang naging decision ng Barangay Ginebra San Miguel coach matapos nilang magpulong kahapon upang i-finalize ang ilang detalye ng offer na binigay noong nakaraang linggo. “I spoke to Tim Cone last Saturday and he expressed interest but wanted to finish his game last night and talk to…
Read MoreGREEN ENERGY
Affordable at clean energy na maaasahan (Ng PFI Reportorial Team) Sa panahon ngayon ay kinikilala ng marami ang kahalagahan ng green energy sa buong mundo. Ang green energy ay nagmumula sa natural na mga pinagkukunan ng enerhiya tulad ng sikat ng araw, hangin, ulan, mga alon, mga halaman, lumot at geothermal heat o ang init na nagmumula sa ilalim ng lupa. Ang mga ito ay renewable o natural na napapalitan kumpara sa enerhiya mula sa langis, karbon o uling, at natural gas na maaaring maubos sa darating na panahon. Malaking…
Read MoreGREEN LIVING, KAKAYANIN NATIN
(Ng PFI Reportorial Team) Nasa estado tayo ngayon kung saan hindi na nagiging normal ang galaw ng mundo kaya dapat ay may adjustments tayong gawin para makabalik tayo sa dati na magaan ang buhay dahil ang takbo ng mundo noon ay ibang-iba sa ngayon. Noong araw, hindi tayo nakararanas ng matinding pagbaha kahit pa sabihing may bagyo na. Kung ikukumpara mo sa ngayon, kaunting pag-ulan lang ay may baha na. Kapag nagkaroon man ng bagyo sa panahon ngayon ay naroon na rin ang pagguho ng mga lupa o landslides. Samantala…
Read MoreNCAA SEASON 95: 1ST FINAL FOUR SLOT SUSUNGGABAN NG RED LIONS
MGA LARO NGAYON (The Arena, San Juan City) 8:00 A.M. – San Beda vs SSC-R (Jrs) 10:00 A.M. – St. Benilde vs Letran (Jrs) 12:00 P.M. – San Beda vs SSC-R (Srs) 2:00 P.M. – St. Benilde vs Letran (Srs) 4:00 P.M. – Arellano vs Mapua (Srs) 6:00 P.M. – Arellano vs Mapua (Jrs) SUSUNGGABAN ng defending champion San Beda University ang unang Final Four slot ng NCAA men’s basketball tournament. Sasagupain ng Red Lions sa alas-12:00 ng tanghaling laro ang San Sebastian College Stags sa Filoil Flying V…
Read MoreANG MASALIMUOT NA USAPIN SA BIGAS
(Ikapitong bahagi) Sinasabi na ang usapin sa bigas ay tumutukoy sa isyu ng kakulangan nito. Ibig sabihin, hindi natutugunan ang pangangailangang konsumo ng mga mamamayang Filipino ng butil na ito. Masalimuot at mapagdedebatehan ang puntong ito. Sabi ng ilan, wala namang kakulangan dahil may supply naman, ‘yun nga lang ang halaga ng mga ito ay sobrang mataas at hindi na kinakaya ng mga nasa laylayan ng lipunan. Kaya nga’t naglabas ng variety na mura noong mga unang panahon. Pero kahit ang mumurahing variety na ito ay nakitang kinakapos pa rin.…
Read MoreLIFE SENTENCE SA PMA CADETS SA HAZING, ISINUSULONG
(NI NOEL ABUEL) NAHAHARAP sa parusang habambuhay na pagkabilanggo ang mga kadete ng Philippine Military Acedemy (PMA) na isinasangkot sa pagmakamatay ng isang kadete dahil sa hazing. Ito ang sinabi ni Senador Panfilo Lacson kung saan isa nang capital punishment ang hazing na isang heinous crime at hindi na iba sa kasalukuyan dahil sa marami na aniyang batas na naipasa at ang pinakahuli rito ay ang Atio Castillo hazing case. “Hazing is as old as discipline itself because weapon yang ginagamit. Over time dapat meron nang ibang naging creative na…
Read MorePAMBANSANG BUDGET 2020: BUDGET PARA SA PAGPATAY, PAGPAPAYAMAN NG IILAN
Tutol ang Bayan Muna sa pag-apruba ng Kongreso ng pambansang budget sa taong 2020. Tutol ang progresibong partido sa budget na para sa pagpatay, sa pagsikil sa karapatan ng mamamayan, at ang budget na batbat ng pondong pork barrel. Sinusuhayan ng panukalang badyet 2020 ang madugong track record ng administrasyong Duterte sa pamamasalang. Ito ay pag-igting sa giyera laban sa droga, sa anti-insurgency, sa paglabag sa karapatang pantao, at pagsugpo umano sa kriminalidad. Umakyat ng 40% ang badyet para sa Defense ngayong taon. Ang PNP ay binigyan ng P184.9 billion,…
Read More