WATER INTERRUPTIONS ASAHAN–NWRB

(NI ABBY MENDOZA) MAKARARANAS ng water interruptions sa mga susunod na araw dala na rin ng mababa pa ring water level sa Angat Dam, ayon sa National Water Resources Board (NWRB). Ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David, kailangan bantayan at tipirin nang mabuti ang antas ng tubig sa Angat Dam upang matiyak na magkasya ito sa summer season hanggang sa pumasok muli ang panahon ng tag-ulan. Sa huling monitoring ay nasa 204.05 ang antas ng tubig sa Angat Dam, mababa sa normal level na 212 meters. Dahil sa mataas…

Read More

KAHIT OUT NA, CARRASCO ‘DI PA LUSOT

(NI DENNIS IÑIGO) NAGTAPOS na ang kontrata ni executive director  Tom Carrasco sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc). Ngunit hindi ang mga usapin kaugnay sa mga samu’t saring isyu patungkol sa mga kontrobersya sa nakaraang 30th Southeast Asian Games na patuloy na naghihintay ng kasagutan. Tuluyang nagsara ang pintuan ng Phisgoc kay Carrasco, isa sa mga pangunahing personalidad ng organizing committee ng SEA Games, noong Disyembre 31, 2019. Sa kabila ng tagumpay ng Filipino athletes at muling pagiging overall champion ng bansa sa SEAG, patuloy na kinukwestyon ng…

Read More

LAMIG SA BAGUIO CITY PUMALO SA 11.4 DEGREES CELSIUS 

baguio

(NI ABBY MENDOZA) NAITALA sa 11.4 degrees celsius ang temperatura sa Baguio City, Sabado ng umaga. Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astrononomical Services Administration (PAGASA) ang pinakamalamig na temperatura ay naitala sa Atok, Benguet na nasa 7 degrees celsius. Asahan  pang lalamig  ang panahon sa mga susunod na araw dahil sa peak ng hanging amihan. Ang 11.4 degrees ang pinakamababa na naitala sa loob ng apat na buwan mula nang punasok ang northeast monsoon o hanging amihan noong buwan ng Setyembre. Hanggang buwan ng Pebrero ang peak ng hanging…

Read More

NLEX HANDA SA DAGSA NG MOTORISTANG BALIK-MAYNILA

nlex55

(NI ELOISA SILVERIO) INIHAYAG ng pamunuan ng NLEX Corporation na handang-handa na sila sa inaasahang pagdagsa ng daang-libong mga motorista sa NLEX-SCTEX na manggagaling sa mahabang holiday vacation pabalik ng Metro Manila ngayong weekend. Muling ibinalik ng tollway company ang kanilang motorists assistance program, “Safe Trip Mo Sagot Ko” upang mapabuti at gawing ligtas ang biyahe ng mga motoristang mula sa pagbabakasyon nitong nakaraang holiday season. “As the holidays come to a close and usher in the New Year, we want to assure our motorists of fast, safe, and comfortable travel…

Read More

PANGARAP NG PINOY JINS NAKASALALAY SA PTA

(NI ANN ENCARNACION) NASA kamay ng Philippine Taekwondo Association (PTA) ang kapalaran ng national jins na nangangarap mag-qualify sa 2020 Tokyo Olympics. Magkakaroon ng taunang general assembly ang PTA  bukas ng alas-9 ng umaga sa San Andres Coliseum sa Malate, Manila na dadaluhan ng tinatayang 400 regional heads , coordinators at instructors, at taekwondo officials mula sa AFP at PNP. Pangungunahan nina PTA top officials, Grandmasters Sung Chon Hong, Monsour Del Rosario at 30th SEA Games deputy chef de mission Stephen Fernandez, ang general meeting kung saan pag-uusapan ang pagpili…

Read More

ALMENDRAS IDINIIN NI PDU30 SA KWESTIYUNABLENG KONTRATA NG MANILA WATER AT MAYNILAD

Jose Rene Almendras

IDINIIN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang isa sa mga abogadong gumawa ng kuwestiyonableng kontrata ng gobyerno sa Maynilad at Manila Water. Sa pagbisita ni Pangulong Duterte sa Digos City sa Davao del Sur bago matapos ang taon ay pinangalanan ng Chief Executive si Jose Rene Almendras na dating opisyal ng gobyerno at ngayon ay mataas na opisyal ng Manila Water. “Yung mga empleyado nila noon sa Malacañang na gumawa ng contract, nandiyan ngayon sa kanila. Prominent of those is si Almendras. He’s now an executive sa Manila Water,” ayon…

Read More

PASAHERO MULA PROBINSIYA DAGSA NA; MATINDING TRAFFIC ASAHAN

(NI KIKO CUETO) DUMAGSA na ang mga pasahero na galing probinsya sa mga terminal ng bus, paliparan at pantalan ngayong Sabado, hudyat ng balik trabaho at matinding trapik sa Lunes. Nagtapos na rin ang mahabang bakasyon dahil sa Christmas Break. Bukas, Linggo ay inaasahan pa ang dami ng pasahero at pagsisikip sa trapiko. Sa Ninoy Aquino International Airport, dagsa ang mga nagbabalik mula sa mga probinsya. Sa pier naman, aabot sa 200,000 pasahero ang dumaan mula alas-6 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi ng Biyernes, ayon sa Philippine Coast Guard.…

Read More

PDU30 PINAGPAPAHINGA NG DOKTOR

SA ikalawang pagkakataon, hindi muli sinipot ni Pangulong Rodrigo Duterte and nauna nyang iskedyul na pagtungo sa mga lugar na tinamaan ng lindol nitong Biyernes sa Davao del Sur. Ito ay matapos ihayag ni Senator Christopher “Bong” Go na inabisuhan ang Pangulo ng kanyang doktor na magpahinga muna. Ayon sa senador, ito ang dahilan kung kaya’t hindi nakadalo ang pangulo sa dalawang public engagement nitong Huwebes (January 2) at Biyernes (January 3). Sinabi ni Go sa mga mamamahayag na nakaranas ang Pangulo ng pananakit ng tiyan dahil sa kinain nito.…

Read More

PINOY SA IRAQ PINAG-IINGAT

NANAWAGAN ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Pinoy na bibiyahe sa Iraq na pansamantalang ipagpaliban ito kasabay ng pag-init ng tensiyon sa rehiyon. Sa kalatas, hiniling din ng DFA sa mga Filipino sa Iraq na makipagkoordinasyon sa Philippine Embassy doon at sa kanilang employers sakaling magkaroon ng mandatory evacuation sa naturang bansa. Pinapayuhan na tumawag ang mga Pinoy doon sa Philippine Embassy sa Baghdad sa  (+964) 781-606-6822; (+964) 751-616-7838; at (+964) 751-876-4665. Maaari ring makipag-ugnayan sa embahada sa baghdad.pe@dfa.gov.ph, o  Facebook page at Philippine Embassy sa Iraq. Nauna rito,…

Read More