(PFI REPORTORIAL TEAM) POSIBLENG maharap sa kasong graft si PDP-Laban president Senator Koko Pimentel dahil sa kanyang pag-endorso sa bagong motorcycle taxi ride-hailing app na JoyRide sa Department of Transportation (DOTr). Sa liham na may petsang September 2, 2019 na naka-address kay Transportation Secretary Arthur Tugade, tahasang inendorso ni Pimentel ang liham ni We Move Things Philippines president Neil Sherwin Yu na humihiling na mapasama sila sa isinasagawang pilot run ng motorcycle taxis. Ang We Move Things Philippines ang parent company ng JoyRide. Sa Kapihan sa Manila Hotel kahapon, sinabi…
Read MoreMonth: January 2020
OVERACTING ANG JADINE FANS
(NI LOLIT SOLIS) SOBRA ang reaction ng mga fans ng Jadine sa balitang hiwalayan nila. Alam mo, para sa akin bagay na bagay ang dalawa, saka maganda kumbinasyon nila at suwerte naman team up nila ng magkasama sila. Baka naman isa lang itong case ng small misunderstanding at puwede pa maayos at magkabalikan muli kung tutoo man naghiwalay. Kaya lang medyo iba rin pressure dahil hindi na contract star ng Viva si James Reid, si Nadine Ilustre lang ang natira kaya talagang pagdating sa loveteam medyo mahirap na silang pagsamahin,…
Read MorePSC SUSUGAL NG P100-M SA OQT PINOY ATHLETES
(NI VT ROMANO) SAPAT na ang P100 milyon na pondong ilalaan ng Philippine Sports Commission (PSC) para maging inspirado ang Pinoy athletes sa kanilang training at lalahukang Olympic qualifying tournaments (OQT). Umaasa si PSC chairman William Ramirez na magsusumikap ang mga atleta para makahablot ng mas maraming tiket sa 2020 Tokyo Olympics. Katunayan, nakalinya na ang mga qualifying tournament na lalahukan ng mga national athlete. Sisimulan ito ni 2016 Rio Olympics weightlifting silver medalist Hidilyn Diaz, kasama sina Nestor Colonia, Kristel McCrohon at Elreen Ando, na pawang sasabak sa 2020…
Read MoreRUFFA: WE EAT BASHERS FOR BREAKFAST!
(NI BOY ABUNDA) BUKOD sa teleseryeng Love Thy Woman ay magiging abala pa lalo si Ruffa Gutierrez dahil tuloy-tuloy pa rin ang reality show na It Takes Gutz To Be A Gutierrez na nagsimula pa noong 2014. Regular na napapanood sa naturang reality program ang dalawang anak nina Ruffa at Yilmaz Bektas na sina Lorin at Venice. Maraming mga tagahanga ang nagtatanong kung magtutuloy na rin sa pagiging artista ang dalawang anak ng aktres. “Right now I want Lorin to enjoy her youth. She has one more of high school…
Read MoreAYAW NG MGA KASAMBAHAY PERO…
ANG Pilipinas ang ikatlong bansa sa mundo na may pinakamalaking remittances mula sa ating Overseas Filipino Workers (OFWs) at isa sa mga inaasahan ng ating gobyerno pagdating sa pagsigla ng ekonomiya at dollar reserves. Nangunguna pa rin siyempre ang dalawang pinakamalaki at pinakamaraming populasyon sa mundo… ang China at India sa laki ng remittances ng kanilang mamamayan na nagtatrabaho sa iba’t ibang panig ng mundo. Ibig sabihin, mas maraming Chinese at Indian nationals ang nasa ibang bansa para magtrabaho at ipinapadala ang kanilang kinikita sa kanilang mga kaanak sa kanilang…
Read MoreMAIPANALO KAYA NI SPEAKER CAYETANO ANG ABS-CBN LABAN KAY DUTERTE?
MABANGO ngayon ang pangalan ni Speaker Alan Peter Cayetano kahit napakapalpak ng kanyang pamumuno sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Kaya palpak, apat na panukalang batas pa lang ang naipasa ng Mababang Kapulungan. Sa apat na nakarating kanyang panukala, dalawa ang naging batas na. Ito ay ang pagpapalipat ng halalan ng Barangay at Sangguniang Kabataan sa Disyembre 2022 mula Mayo 2020. Magandang batas ba ito?! Ang pangalawang naging batas ay ang proyektong Malasakit Center ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go. Maganda ang batas na ito, sapagkat pinabibilis nito ang pagseserbisyo ng…
Read MoreSA DEPLOYMENT BAN VS KUWAIT: DOLE, TESDA MAGHANDA
(NI NOEL ABUEL) DAPAT na maghanda ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa posibleng tuluyang pagba-ban ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Kuwait. Ito ang sinabi ni Senador Joel Villanueva kung saan kailangan aniyang tiyakin ng mga ahensya ng pamahalaan na may sapat na trabaho at oportunidad sa pagsasanay sa mga manggagawang maaapektuhan ng nasabing ban. “We call on the DOLE and TESDA to ensure that there are available jobs and training opportunities for workers who will be affected by…
Read MoreDOH, DEPED, CHED KINALAMPAG LABAN SA HIV CASES
(NI NOEL ABUEL) PINAKIKILOS ng isang senador ang Department of Health (DOH), Department of Education (DepEd), at Commission on Higher Education (CHEd) para palakasin ang mga programa laban sa Human Immunodeficiency Virus (HIV) kaugnay ng dumaraming bilang ng kaso nito sa bansa. Panawagan ni Senador Win Gatchalian nababahala ito sa dumaraming bilang ng mga Filipinong nagkakasakit ng HIV kung saan sa huling bahagi ng 2019 ay nakapagtala ng 36 na kaso kada araw ang Epidemiology Bureau ng DOH. Ito ay mas mataas aniya sa 35 kasong naitala noong Hulyo 2019…
Read MoreMABIGAT NA PARUSA VS RECKLESS DRIVERS ISINUSULONG
(NI BERNARD TAGUINOD) GAGAWA na ng batas ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na magpapataw ng mabigat na parusa sa mga reckless drivers na nagiging dahilan ng pagkamatay, hindi lamang ng mga pasahero kundi ng mga taong naglalakad lamang sa kalsada. Sa ilalim ng House Bill (HB) 3205 o Reckless Driving Criminal Act na iniakda ni Quezon City Rep. Precious Hipolito-Castelo, panahon na aniya para turuan ng leksyon ang mga reckless drivers at maiwasan ang pagkamatay ng mga inosenteng mamamayan. “When family members leave their houses and go out into our…
Read More