MALABON, MAY ISANG KASO NA NG COVID-19

MAY isang COVID-19 positive na sa Malabon City, ayon sa Department of Health (DOH) kahapon. Ayon kay Malabon Public Information Office (PIO) head Bong Padua, ang naturang pasyente ay isang lalaki na naka-admit ngayon sa isang ospital sa labas ng lungsod. “Nananawagan ako sa bawat pamilyang Malabonian: Di baleng matakot, huwag lang mag- panic. Sundin natin ang mga patakaran ng enhanced community quarantine. Manatili sa inyong tahanan at ugaliing maghugas ng kamay gamit ang sabon,” pahayag naman ni Mayor Lenlen Oreta. Tiniyak din ng alkalde na ginagawa ng pamahalaang lungsod,…

Read More

P5K-P8K KADA BUWAN SA 18 MILYONG PAMILYA

MAKATATANGGAP ng P5,000 hanggang P8,000 kada buwan sa loob ng dalawang buwan ang may 18 milyong pamilya na apektado ng enhanced community quarantine dahil sa coronavirus disease (COVID-19). Kabilang ito sa Bayanihan Act of 2020 na inaprubahan ng dalawang kapulungan ng Kongreso, hatinggabi ng Lunes, Marso 23, na nagbibigay ng dagdag na kapangyarihan kay Pangulong Rodrigo Duterte na galawin ang mga pondo ng gobyerno at gamitin sa kampanya laban sa COVID-19. sa ilalim ng nasabing panukala na inayunan ng 284 congressmen at 12 Senador sa ikatlo at huling pagbasa matapos…

Read More

KARAHASAN DULOT NG GUTOM IWASAN – MARCOS

NAGBABALA si Senator Imee Marcos na posibleng sumiklab ang kaguluhan o karahasan sa Metro Manila kung hindi kaagad matutugunan ang kakulangan ng supply sa pagkain na ngayon ay unti-unting nararanasan sa mga pamilihan. Ayon sa senador, hindi malayong magkagulo sa Metro Manila kung magpapatuloy ang nararanasang kagutuman sa mga pamilyang walang pinagkakakitaan dahil sa pinaiiral na extreme quarantine. Kaugnay nito, nanawagan si Marcos na agad ipamigay nang libre ang tone-toneladang sakong bigas na nasa mga bodega ng National Food Authority (NFA) kabilang na ang mga frozen assorted fish sa Bureau…

Read More

1 PANG DOKTOR NG HEART CENTER, PUMANAW SA COVID-19

ISA na namang doktor ng Philippine Heart Center ang namatay matapos dapuan ng COVID-19. Ang pagpanaw ni Dr. Raul Diaz Jara, dating PHA President at isang cardiologist, ay inanunsyo Sa Facebook ng anak na si Paolo Cecilio A. Jara. Sa post ng batang Jara nakasaad na “My dad died 2:16 am March 24, 2020 fighting Covid-19, he is a Doctor in Philippine Heart Center”. Nagluluksa ang buong medical team sa bansa sa pagpanaw ni Dr. Jara. Nauna nang nagpahayag si Philippine Medical Association (PMA) president Jose Santiago, Jr. na sana…

Read More

DILG: ‘Mga PDL NG BJMP LIGTAS SA COVID-19’

TINIYAK ni Interior Secretary Eduardo Año na ligtas ang persons deprived of liberty (PDL) na nakakulong sa mga bilangguang pinamamahalaan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) mula sa pandemyang novel coronavirus-2019 o COVID-19 dahil sa pagpapatigil ng pagdalaw sa kanila ng kani-kanilang mga mahal sa buhay simula noong Marso 11. “With the suspension of visitation rights, the PDLs have no way of contacting the virus and are therefore much safer than all of us who are out in the open and exposed to the movement of people and…

Read More

DUDURA SA KALYE PAGMULTAHIN

ISINUSULONG sa Senado ang panukala upang pagmultahin ang sinomang dudura sa mga kalye. Layon ng Senate Bill 1406 ni Senador Manny Pacquiao na tuluyang ipagbawal ang pagkakalat ng dura o plema sa mga kalsada sa gitna na rin ng paglaganap ng iba’t ibang uri ng sakit partikular ang COVID-19. Binigyang-diin ni Pacman sa kanyang panukala na tungkulin ng estado na pangalagaan ang kalusugan ng sambayanan at maipaalala sa taumbayan ang kalinisan hindi lamang sa sarili kundi maging sa kapaligiran. Sa kanyang panukala, mahigpit na ipagbabawal ang pagdura sa mga pampublikong…

Read More

AUTHORITY HINDI EMERGENCY POWER KAY PDU30

duterte angry12

MATAPOS mabahala ang marami sa mga katagang “emergency power” na ibibigay kay Pangulong Rodrigo para labanan ang paglaganap ng coronavirus disease 2019 o COVID- 19, binura na lamang ito ng dalawang Kapulungan ng Kongreso at pinalitan ng “authority”. Dakong alas-3:24 na madaling araw ng Martes, Marso 24, nagtapos ang special session na nagsimula ng alas-10:00 ng umaga ng Lunes, Marso 23, para sa Bayanihan Bill of 2020 para bigyan ng dagdag na kapangyarihan si Duterte sa paglaban sa COVID-19. Umaabot sa 284 congressmen ang pumabor sa House Bill (HB) 6616,…

Read More

P200-B ILALAAN SA 18M ‘JOBLESS’

PINAWI ng Malakanyang ang pangamba ng 18 milyong informal workers dahil tutulungan sila ng gobyerno lalo pa’t nasa ilalim ngayon ng enhanced community quarantine ang buong Luzon dahil sa coronavirus disease 2019. Inaprubahan na kasi ng Kongreso ang special authority para makakilos si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pagharap sa problema sa COVID-19. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, 275 billion pesos ang pondong pinayagan ng Kongreso na magamit sa panahon ng COVID crisis. Ang P200 billion dito aniya ay gagamitin para tustusan ang pangangailangan ng 18 milyong informal workers…

Read More

PCOO kinalampag ang PNP FAKE NEWS KALAT PA RIN

MAKIKIPAG-UGNAYAN si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar sa pamunuan ng PNP kaugnay ng ginagawa nitong pagtugis sa mga nagpapakalat ng pekeng balita sa gitna ng problema sa COVID 19. Sinabi ni Sec. Andanar na kanyang kakausapin si PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac upang makahingi ng update sa mga hakbang ng Anti-Cybercrime Division ng PNP laban sa mga nagpapakalat ng disimpormasyon na naghahasik ng takot at pagkaalarma sa publiko. Binigyang-diin ng Kalihim na gaya ng sinabi ni PNP Chief General Archie Gamboa, ay dapat lang na mahuli…

Read More