PROTOCOLS SA CHECKPOINTS SINIYASAT NG PNP

PNP CHECKPOINT

PERSONAL na nag-ikot si Philippine National Police (PNP) Decputy Chief for Operations Lt. Gen. Camilo  Cascolan upang matiyak na nasusunod ang pagpapatupad ng mga binalangkas na safety protocols sa mga inilatag na checkpoint sa buong Metro Manila at Luzon. Sa kanyang pag-iikot, unang pinuntahan ni Cascolan ang mga checkpoint palabas ng Southern Manila at isinunod ang mga checkpoint sa Mamplasan, Binan, Laguna. Maliban sa maayos na pagpapatupad ng mga kaukulang guidelines, nais din ni Cascolan na matiyak na ligtas ang kalusugan ng mga naka-deploy na pulis na naka-expose sa banta…

Read More

78 SELYADONG SPECIMENS, INILIPAD NG PAF SA MANILA

UMAABOT sa 78 mga selyadong laboratory specimen para isailalim sa paunang diagnostic testing ng Covid 19 ang inilipad ng Philippine Air Force patungong Manila mula sa ilang lalawigan. Kasunod ito ng utos ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa PAF na magtungo sa mga lalawigan ng Tacloban, Cagayan De Oro, Mactan Cebu at Iloilo para kunin at dalhin sa mga testing center sa Manila ang 78 selyadong laboratory specimens mula sa mga nabanggit na lalawigan. Ang hakbang ay upang agad na maisailalim sa kaukulang…

Read More

ALERTO SA TAAL IBINABA SA LEVEL 1

IBINABA na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Alert Level 1 (abnormal) ang sitwasyon sa Bulkang Taal sa Batangas makaraan ang ilang linggong mababa na ang bilang ng mga aktibidad nito. Ayon sa Phivolcs, halos wala nang naitatalang volcanic earthquake at pagbuga ng steam o usok. “Taal Volcano’s condition in the succeeding four (4) weeks after step-down to Alert Level 2 on 14 February 2020 has been characterized by low-level volcanic earthquake activity, stabilizing ground deformation of the Taal Caldera and Taal Volcano Island (TVI) edifices and…

Read More

DISINFECTION SA CALAMBA SINIMULAN NA

LAGUNA – Sinimulan na ang pag-disinfect sa iba’t ibang lugar sa Calamba City sa lalawigang ito, pribado man o pampublikong lugar, upang makaiwas sa corona virus disease 2019 o COVID-19. Bagama’t may ilang person under investigation (PUI) at person under monitoring (PUM), nanatili pa ring COVID-19 free ang nasabing lungsod dahil wala pa umano ang kumpirmadong may kaso ng nasabing nakahahawang sakit, ayon kay Mayor Justin Chipeco ng Calamba City. Pinangunahan ng Local Disaster Risk Reduction Management Office LDRRMO at Public Order and Safety Office (POSO) Chief Jeffrey Rodriguez, ang…

Read More

DOH: HINDI LAHAT NG COVID-19 POSITIVE KAILANGANG MAOSPITAL

PINAALALAHANAN ng Department of Health (DoH) ang publiko na hindi lahat ng dadapuan ng COVID-19 ay maoospital o kailangang ma-confine sa ospital. Ayon kay DoH Usec. Maria Rosario Vergeire, may proseso silang ipinatutupad sa mga pasyente kung saan ang bawat isa aniyang nagpapatingin na positibo sa COVID-19 ay idinadaan sa ebalwasyon o assessment. Ang mga dinadala aniya sa ospital ay depende sa ipinakikitang sintomas. Sa ngayon aniya ay nagtutulong-tulong sila ng mga pribado at publikong ospital para mapangasiwaan ang pagtanggap ng mga pasyenteng may COVID 19. Habang may mga pribadong…

Read More

SEC. DUQUE NAG-SELF QUARANTINE

KASALUKUYANG naka-work from home si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque dahil sumasailalim ito sa self quarantine. Kinumpirma mismo ng ahensya na naka-home quarantine na ang kalihim dahil sa banta ng coronavirus disease (COVID-19). Sa isang text message, sinabi ni DOH Usec. Maria Rosario Vergeire na “asymptomatic” o walang sintomas gaya ng ubo, sipon, o lagnat ang kalihim pero isinailalim na rin ito sa testing upang makasiguro lalo pa at may pre-existing na asthma at hypertension si Duque. Batay sa ulat, tatlong beses nagkaroon ng exposure si Duque sa…

Read More

BUS NG OWWA NA MAY SAKAY NA MGA BALIKBAYAN, HINARANG SA LAGUNA

HINARANG ng mga pulis at mga medical personnel na nagmamando sa isang checkpoint ang bus na may sakay na mga balikbayan sa Cabuyao City, Laguna noong Miyerkoles ng hapon. Nagulat ang mga nasa checkpoint nang lumabas buhat sa SLEX Cabuyao exit ang bus na may karatulang OWWA. Agad itong hinarang at bumaba naman ang isang nagpakilalang empleyado ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). Ayon dito, galing sa airport ang bus at may sakay na dalawang galing abroad at ang ibang sakay ay mga papaalis sana na hindi umano natuloy ang…

Read More

DEADLINE NG BIR SA PAGHAHAIN NG ITR PINALAWIG

bir1

PINALAWIG na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang deadline ng paghahain ng income tax returns (ITR) na una nang itinakda sa Abril 15. Sa gitna ito ng pinaiiral na enhanced community quarantine sa Luzon dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). Sa ipinalabas na Revenue Memorandum Circular na may petsang Marso 18, itinakda ni BIR Commissioner Caesar Dulay ang deadline sa Mayo 15 o isang buwang extension. Nangangahulugan ito na maaaring magbayad ng hanggang Mayo 15 ang publiko nang hindi papatawan ng multa o penalty dahil sa pagkaantala.…

Read More

GAMIT NG FRONTLINE WORKERS UNAHIN

SUPORTADO rin ng minorya sa Senado ang deklarasyon ng Malakanyang na isailalim ang buong bansa sa state of calamity. Ayon kay Senador Kiko Pangilinan, sa pamamagitan ng deklarasyon, maaari nang gamitin ang P16 bilyon na calamity fund ng national government gayundin ng mga lokal na pamahalaan. Bukod dito, maaari ring gamitin ang P13 bilyon na contingency fund. Gayunman, iginiit ni Pangilinan na dapat lamang na maging maliwanag at transparent ang gobyerno sa paggamit ng nasabing pondo. Iginiit din nito na dapat unahing pondohan ang suporta sa frontline health workers upang…

Read More