ISA sa mga ipinamamahagi ng San Miguel Corporation (SMC) sa mga pamayanang tinamaan ng matinding pandemyang novel coronavirus 2019 o COVID 19 ay ang nutribun. Ang nutribun ay tinapay na ipinagawa at ipinamigay sa mga mag-aaral sa elementarya noong panahon ni dating pangulong Ferdinand E. Marcos upang sugpuin ang malnutrisyon sa mga bata noong dekada ’70. Naisip ni Marcos na mamahagi ng tinapay na masustansiya at mayroong bitamina bilang pantapat sa malnutrisyon. Tinawag ni Marcos na nutribun ang tinapay, sapagkat punumpuno ng nutrisyon ang bun. Makaraang manawagan si Pangulong Rodrigo…
Read MoreMonth: March 2020
LGUs at DSWD, MAGPAPALITAN SA PAMAMAHAGI NG TULONG
MAGPAPALITAN ang local govt units at ang Department of Social Welfare and Development sa pamamahagi ng pagkain at iba pang essential needs sa mahihirap na mamamayang Filipino. Sa Laging handa public press briefing ay sinabi ni DILG Usec Jonathan Malaya na sa ngayon ang nakatoka sa pamamahagi ng pagkain sa mga indigent ay ang kanya-kanyang LGUs. Subalit, sa susunod na linggo ay ang DSWD naman ang bahalang mamahagi ng pagkain. Aniya pa, dapat ay ang mga LGU ang magbabahay-bahay upang maiwasang pumila ang mga residente sa mga city hall at…
Read MoreLINDOL SA ZAMBALES NARAMDAMAN SA METRO
NAITALA ang magnitude 4.5 na lindol sa bayan ng San Felipe sa Zambales na naramdaman din sa ilang lugar sa Luzon kabilang ang Metro Manila. Batay sa impormasyon mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong alas-2:49 ng hapon nang maganap ang pagyanig na may lalim na 19 kilometro. Naramdaman ang Intensity IV sa mga bayan ng San Felipe at Castillejos sa Zambales; Intensity II sa Porac, Pampanga at sa Morong, Rizal habang Intensity I sa Quezon City at sa San Mateo, Rizal. Kung pagbabatayan naman ang instrumento…
Read MoreBINATA PATAY, 1 SUGATAN SA FRAT HOUSE
PATAY ang isang 28-anyos na merchandizer habang malubhang nasugatan ang kainumang binatiyo makaraang pagbabarilin sa loob ng frat house kahapon ng madaling araw sa Binondo, Manila. Namatay noon din ang biktimang si James Carl Suico, binata, ng 327 Area C, Gate 54, Parola Compound sakop ng Binondo, habang malubha naman sa tama ng bala ang 16-anyos na binatiyo na hindi pinangalanan, ng Recuerdo St., Binondo, kapwa umano miyembro ng frat group na Tau Gamma Phi. Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Binondo Police Station 11, bandang ala-1:15 ng madaling araw nang…
Read More9 KOLUROM NA HABAL-HABAL HINULI SA QC
ARESTADO ang siyam na driver ng kolorum na habal-habal sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) District Traffic Enforcement Unit (DTEU) at District Special Operation Unit noong Miyerkoles sa nasabing lungsod. Kinilala ni QCPD Director P/Brig. General Ronnie Montejo ang mga inaresto na sina Cmar Eman, John David, Angelyn Castro, Marcelino Manata, Aries Traquina, Jeffrey Mica, Antonio Lagada, Hernan Reyes at Bryan Tindagan. Ayon kay P/Lt. Ronquillo Maaño ng DTEU, isinagawa ang operasyon makaraang may makarating na impormasyon sa kanilang tanggapan na may mga motorsiklong…
Read MoreBawat masalubong tinutukan ng baril SALES CONSULTANT, SUGATAN SA PULIS
SUGATAN ang isang sales consultant matapos putukan ng umaawat na mga pulis makaraang maging sila ay tutukan ng baril sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw. Ibinalibag sa selda ang suspek na si George Gamac, 20, empleyado ng Hyundai Inc., at residente ng #306 L. Nadurata St., 3rd Avenue, Brgy. 43 ng nasabing lungsod, nahaharap sa kasong grave threat at paglabag sa RA 10591 (illegal possession of firearms). Ayon sa ulat, alas-12:30 ng madaling araw, naglalakad ang tricycle driver na si Ryan Labanan, 34, sa kahabaan ng 2nd Ave. C. Namie St.,…
Read MoreCHINESE WOMAN TUMALON SA 9TH FLOOR NG CONDO?
PATAY ang isang 32-anyos na babaeng Chinese national makaraan umanong tumalon mula sa ika-9 palapag ng condominium sa Malate, Manila kahapon ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si Liu Caiyo, manager ng isang bar sa Pasay City at naninirahan sa Unit 9-M sa Tower C ng Suntrust condominium sa Adriatico St., sa Malate. Batay sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, bandang 4:00 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa nabanggit na condo. Agad nagresponde sa lugar si P/Ssgt. Mark Christopher Martinez kasama ang ilang tauhan ng Roxas Boulevard…
Read MoreNAMATAY NA PULIS, POSITIBO SA COVID-19
POSITIBO sa corinavirus disease 2019 (COVID-19) ang namatay na miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group na nakabase sa Manila Police District Headquarters sa United Nations Avenue, Ermita, Manila. Ito ang kinumpirma ni NCRPO Regional Director Debold Sinas sa ginanap na press briefing matapos lumabas ang resulta ng pagsusuri na isinagawa ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM). Kasabay nito, sinabi ng pamunuan ng Manila Police District (MPD), magsasagawa ng contact tracing para malaman kung sino-sino pa ang nakasalamuha ng biktima bago ito namatay. Una nang isinailalim sa quarantine ang lahat…
Read MorePAMAMAHAGI NG BIGAS NG NFA PINAPAPASPASAN
BINATIKOS ni Senador Nancy Binay ang National Food Authority (NFA) sa mabagal na pagkilos upang maipakalat ang bigas sa mga komunidad. “Anong oras na? Dapat ipamigay na ng NFA ang mga bigas sa tao. Importanteng maitawid muna natin kahit 14 days lang ang mga pamilyang direktang naapektuhan ng lockdown. Hindi ito bakasyon–giyera ito,” giit ni Binay. Paliwanag pa ng senador, sapat ang supply ng bigas para makatulong sa pamamahagi ng rice assistance sa mga pinaka apektadong residente na sakop ng enhanced community quarantine. “Kailangan pa ba nating hintayin na magkagulo…
Read More