LIBRENG SINE SUSPENDIDO RIN

SUSPENDIDO ang libreng panonood ng sine sa Makati City para sa mga senior citizen simula ngayong araw. Ito ay bilang pagtalima ng Makati LGU sa panghihikayat ng Department of the Interior and Local Government na “social distancing”. Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay, ang pagsuspinde ng pribilehiyo ng mga senior citizen sa libreng panonood ng sine sa lungsod ay isang hakbang para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. Pero mabilis namang nangako ang alkalde na agad itong ibabalik sa sandaling mawala na ang banta ng panganib ng COVID-19. Nilinaw ni…

Read More

PAHIYAS FESTIVAL KANSELADO, RESORTS SARADO

NAGHIGPIT na rin at isinailalim sa temporary self-quarantine ang ilang lugar sa Calabarzon AT Mimaropa dahil sa banta ng COVID-19. Sa bayan ng Lucban, Quezon, kinansela na ang pagdiriwang ng makulay na Pahiyas Festival ngayong taon. Sa Executive Order ni Lucban Mayor Celso Olivier Dator, ipinakakansela muna ang lahat ng malalaking event na gagawin mula Maso 15 hanggang 31. Kabilang ang Buhusan at Pahiyas Festival na mga dinarayo tuwing buwan ng Mayo ay kinansela na rin. Sa Lucena City, hinigpitan na rin ang pagpasok at paglabas ng mga residente at…

Read More

CALAMBA COVID-FREE PA RIN

NEGATIBO pa rin sa COVID-19 ang Calamba City, Laguna, ayon sa ulat kahapon ng Public Order and Safety Office (POSO) at Local Disaster Risk Reduction Management Office (LDRRMO). Ani LDRRMO chief Jeffrey Rodriguez, ito ay dahil sa maagang pagpapatupad ng mandatory screening sa mga establisimyento sa siyudad sa utos ni Calamba City Mayor Justin Marc Chipeco. Ito ay bagama’t may naitala sa lalawigan na 27 Persons Under Investigation (PUI) at 133 Persons Under Monitoring (PUM) ngunit wala pa umanong kumpirmadong mayroon nito. Samantala, kinansela na ang taunang Anilag Festival sa lalawigan…

Read More

KASO NG COVID-19 SA BATANGAS, 3 NA

UMAKYAT na sa tatlo ang positibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Batangas. Sabado ng umaga ay inanunsyo ng Public information Office (PIO) ng Batangas ang ikatlong kaso na isang babaeng OFW na nagmula sa bayan ng Lemery. Ayon pa sa Batangas PIO, naka-confine ang pasyente sa isolation room ng Mary Mediatrix Medical Center sa Lipa City. Kinumpirma rin ni Lemery Mayor Larry Alilio na mula sa isa nilang barangay ang 62-anyos na OFW na nagpositibo. Samantala, sinabi rin ng Batangas PIO na ang dalawang naunang kaso ng virus sa…

Read More

8:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga 1-BUWANG CURFEW SA METRO

MAGPAPATUPAD ng curfew hours ang mga awtoridad sa Metro Manila bilang bahagi ng hakbang ng pamahalaan sa pagsupil sa nakamamatay na COVID-19 disease. Base sa implementing guidelines na inilabas kahapon ng Malacañang, iiral ang curfew mula 8:00p.m. to 5:00 a.m. sa kalakhang Maynila sa loob ng isang buwang community quarantine period na magsisimula ngayon (Linggo), ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Subalit nilinaw ni MMDA chief Jose Arturo Santillan Garcia Jr. na exempted dito ang mga manggagawa at mga personalidad na nasa essential services. “Hindi naman po dadamputin ito.…

Read More

Guidelines sa community quarantine inilabas ng Palasyo SOCIAL DISTANCING PAIIRALIN SA NCR

INILABAS ng Malakanyang ang guidelines na susundan ng mga awtoridad sa paiiraling community lockdown sa kalakhang Maynila simula ngayong araw. Ang nilalaman ng Memorandum, na nilagdaan nitong Marso 13, ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo ay pangunahing layunin na tugunan ang paglaganap ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa. Ang mahigpit na social distancing measures na ipatutupad sa National Capital Region (NCR), epektibo ngayon, Marso 15, 2020 hanggang Abril 14, 2020, ay ang mga sumusunod: 1. Mass gatherings gaya ng movie screenings, concerts, sporting events at iba pang entertainment activity, community…

Read More

Hirit ng solon sa SSS DAGDAG PENSYON SA SENIORS IBIGAY NA

sss ofws12

ISINUSULONG sa mababang kapulungan ng Kongreso na ibigay na ng Social Security System (SSS) ang karagdagang P1,000 pensyon ng senior citizens. Ito ay dahil ang matatanda umano ang vulnerable sa coronavirus disease o COVID-19. Ayon kay Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate, “Lives of seniors may be at stake here especially with the spread of COVID 19,” kaya dapat aniyang ibigay na sa mga ito ang karagdagang P1,000 na dalawang taon na umanong atrasado. Magugunita na noong 2016 ay inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P2,000 na dagdag sa mga…

Read More

8 NA PATAY SA COVID-19

PUMALO na sa walo ang kumpirmadong namatay sa Pilipinas dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). Ito’y kasunod ng pagkamatay ng isang pasyente mula sa Lanao del Sur na wala umanong history ng pagbiyahe. Sa isang kalatas, sinabi ng Department of Health (DOH) na ang pasyente, ang ika-40 na kaso sa bansa, ay namatay noong Marso 13 dahil sa acute respiratory distress syndrome mula sa “severe pneumonia” na may acute kidney injury. Na-confine ang pasyente sa Northern Mindanao Medical Center sa Cagayan de Oro mula pa noong Marso nang magsimulang magpamalas…

Read More

Problema sa kuryente di masolusyunan DOE BINIRA SA KAPALPAKAN

doe

BINATIKOS ni Senador Win Gatchalian ang Department of Energy (DOE) dahil sa kawalan ng kakayahan na masolusyunan ang problema sa supply ng kuryente sa bansa. Giit ng senador, dapat ay matagal nang natuto ang DOE sa mga dinanas na brownouts sa mga nakalipas na taon tuwing sumasapit ang summer seasons upang makahanap sila ng solusyon. “Bakit kelangan paulit-ulit nating paalalahanan si Juan de la Cruz na maghanda sa posibilidad na magkaroon ng brownout ngayong summer? Dapat natuto na ang DOE, power generators at lahat ng stakeholders sa mga insidente ng…

Read More