Hindi lang test kits para sa COVID 19 PINAS, KAPOS DIN SA HEALTH WORKERS

IKINABABAHALA ni Senador Win Gatchalian ang kakulangan ng health workers sa gitna ng public health emergency na kinakaharap ngayon ng bansa dahil sa COVID-19. Ito ay makaraang kumpimahin ni Dr. Pretchell Tolentino, chief ng DOH Learning and Development Division, na may kakulangan ang bansa ng 8,840 doktor sa mga kanayunan pa lamang. Ginawa ito ni Tolentino sa public hearing tungkol sa mga medical scholarship kung saan ibinahagi rin ni Philippine General Hospital (PGH) Director Dr. Gerardo Legaspi na sa pagpapatupad ng Universal Health Care Law, 44 na pinagsama-samang mga doktor,…

Read More

Sa ikatatagumpay ng community quarantine sa NCR KOOPERASYON ANG SUSI -NOGRALES

SAKSI NGAYON NEWS TEAM “NAKIKIUSAP tayo sa mga kababayan natin sa lalawigan ng Rizal, makipagtulungan tayo sa mga hakbang ng gobyerno at sumunod tayo sa lahat ng patakaran. Malalampasan din natin ito.” Ito ang panawagan ni Rizal 2nd District Representative Fidel Nograles sa kanyang mga kababayan sa nasabing lalawigan matapos ianunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Huwebes na isasailalim ang Metro Manila sa “community quarantine” simula Marso 15 hanggang Abril 14. Ang patuloy na paglobo ng kaso ng novel coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa ang dahilan kaya itinaas ang…

Read More

SEN. BONG REVILLA, IBA PANG SENADOR NAG-SELF QUARANTINE

SWAK: Naglabas ng statement si Sen. Bong Revilla noong nakaraang Huwebes na magpa-self-quarantine na siya pagkatapos lumabas ang balitang may COVID-19 positive na dumalo sa hearing ng committee ni Sen. Sherwin Gatchalian. Nag-self-quarantine na si Sen. Gatchalian at pati si Sen. Nancy Binay, at ganoon din ang ginawa ng ilang senador. Narito ang kabuuan ng statement na ipinadala sa amin ni Sen. Bong. “Kahapon, inanunsyo ni Sen. Win Gatchalian na siya ay magbo-voluntary quarantine dahil nakasalamuha niya ang isang resource person sa kanyang hearing noong March 5 na napag-alamang positive…

Read More

SAM: ‘NILAGNAT AKO SO I ISOLATE MYSELF FOR FEW DAYS!’

PATAAS nang pataas ang bilang ng mga kaso ng apektado ng novel coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa Pilipinas maging sa ibang bansa. Dobleng pag-iingat na ang ginagawa ng mga mamamayan ngayon upang makaiwas sa naturang disease. Maging ang mga artista ay sobrang pag-iingat na rin ang ginagawa upang hindi mahawa ng COVID-19. Para kay Iza Calzado, mabuti nang ingatan ang sarili kaysa magsisi sa bandang huli. “Honestly it’s just really about strengthening my immune system. Unfortunately, not everybody will have access to a vitamin drip, not everybody will even…

Read More

3 TOLL RAMPS NG NLEX BINUKSAN

LIBONG residente at motorista ng Barangay Tambubong at kalapit-bayan ng Bocaue, Bulacan ang makikinabang sa pagbubukas sa publiko ng tatlong tollgates ng Tambubong Interchange sa isinagawang inaugural at opening ceremony kahapon ng umaga. Ang NLEX Tambubong Interchange, ay para magkaroon ng panibagong daan sa public traveling papunta at manggagaling sa bayan ng Bocaue gayundin ang mga bayan sa eastern part ng Bulacan tulad ng Sta. Maria, Norzagaray, Pandi at Angat. Ito ay sa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 3 at NLEX Corporation, na naglalayon…

Read More

‘LOCKDOWN’ SA METRO PINALAGAN NI SOTTO

titosotto

INAYAWAN ni Senate President Vicente Sotto III ang deklarasyon ng lockdown sa Metro Manila na itinago ng Palasyo sa taguring “community quarantine” dahil lubhang maapektuhan ang galaw ng ekonomiya ng bansa. Sa pahayag, sinabi ni Sotto na overreaction ang “lockdown” sa Kamaynilaan na dapat magkaroon ng localized containment sa halip na pigilan ang mamamayan na pumasok at lumabas sa Metro Manila. “Preventing travel to and from Metro Manila with only 52 cases as this point is a textbook case of overreaction. This drastic measure will only result in panic and…

Read More

ONLINE SELLERS HAHABULIN NG DTI

TINIYAK ng Department of Trade and Industry (DTI) na hahabulin nila ang mga online seller na nagsasamantala sa bentahan ng facemask, alcohol, sanitizers at iba pa. Sa Laging Handa press briefing sa New Executive Building (NEB), Malakanyang ay sinabi DTI Secretary Ramon Lopez na hindi sertipikado ang mga online seller. Posible aniyang peke ang kanilang mga tinda kaya wala rin itong bisa o hindi epektibong panlaban sa COVID-19. Kaugnay nito ay sinabi ni Sec.  Lopez na nagsimula na rin silang magpunta sa warehouse ng mga manufacturer ng facemask at iba pang sanitary…

Read More

PRICE FREEZE TIYAKING IPATUTUPAD

KASUNOD ng pagsasailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Metro Manila sa quarantine, iginiit ng mga mambabatas na seryosohin ang pagpapatupad ng price freeze lalo na sa mga palengke. Ayon kay Quezon City Rep. Alfred Vargas, kailangang matutukan, hindi lang ang mga grocery kundi ang mga palengke upang masiguro na hindi magtataas ang mga negosyante lalo sa presyo ng pagkain. Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos magpatupad ng 60-day price freeze ang Inter Agency Task Force na magpapatupad sa lockdown o pag-quarantine sa buong Metro Manila. Ganito rin ang panawagan ni…

Read More

Payo ng Malakanyang sa panahon ng quarantine KASAL, BINYAG IPAGPALIBAN MUNA

PINAYUHAN ng Malakanyang ang mga may schedule ng kasal at binyag na pasok sa community quarantine period na ipagpaliban na muna ito. Sa Laging Handa briefing sa New Executive Building (NEB), Malakanyang ay sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles na mahigpit na ipatutupad ang mga hakbang ng gobyerno para maiwasang kumalat ang COVID-19 lalo na ang tinatawag na social distancing measure. Hindi papayagan ang tinatawag na mass gathering o maramihang pagtitipon na karaniwang nangyayari kapag may kasalan o binyagan dahil maraming bisita. Bagama’t  nauunawaan nila ang concern ng mga…

Read More