2020 ASIA AND OCEANIA OLYMPIC BOXING QUALIFIERS EUMIR MARCIAL NAKA-GINTO

DOBLENG panalo ang nakamit ni Pinoy middleweight Eumir Felix Marcial nang matapos mag-qualify sa Tokyo Olympics ay nanalo pa siya ng gintong medalya sa katatapos lang na 2020 Asia and Oceania Olympic boxing qualifying tournament. Tinalo ni Marcial ang nakalaban sa finals na si Abilkhan Amankul ng Kazakhstan sa pamamagitan ng split decision Miyerkoles sa Amman, Jordan. Umiskor si Marcial ng 3-2 laban kay Amankul 3-2 sa kanilang gold medal match para sa middleweight class. Sa first two rounds pa lang ay umiskor na ang top-seeded na si Marcial, na…

Read More

Dapat isama sa ‘onerous’ contracts CARPIO DUDA SA BIDDING NG KALIWA DAM PROJECT

kaliwa dam33

IPINASASAMA ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio ang umano’y   maanomalyang bidding ng P12.2-B Kaliwa Dam project sa Infanta, Quezon sa pagrebisa ng gobyerno sa tinatawag na ‘onerous’ contracts sa pagitan ng pamahalaan at ng mga pribadong kumpanya. Ayon kay Carpio, matatawag na ‘mother of onerous contracts’ ang Kaliwa Dam project, batay na rin sa Commission on Audit (COA) memorandum sa bidding. Anang dating SC Associate Justice, nakita ng COA ang katotohanan na ang bidding ay moro-moro lamang. “The Communist Party of China, which controls the three bidders,…

Read More

UTAH JAZZ CENTER NAGPOSITIBO SA COVID-19 NBA SEASON SUSPENDIDO NA

NANG halos nagkakaisa na ang league owners na gawin ang mga laro nang walang fans sa arena, nagdesisyon ang NBA na suspendihin ang season nito “until further notice.” Ito’y kasunod nang pag-positibo ni Utah Jazz center Rudy Gobert sa coronavirus, na naging dahilan para biglang kanselahin sa huling sandali ang laro kontra Oklahoma Thunder kahapon. “The NBA is suspending game play following the conclusion of tonight’s schedule of games until further notice,” saad ng statement ng NBA. “The NBA will use this hiatus to determine next steps for moving forward…

Read More

ITF WOMEN’S FUTURE LEG LL PINAY TEEN SENASATION EALA UMATRAS DAHIL SA COVID-19

MINABUTI ni Filipino teen tennis sensation Alex Eala na huwag nang sumabak sa ITF Women’s Future Leg ll sa Monastir, Tunisia bunga ng corona virus scare. Ipinaabot sa pamamagitan ng RP2 ni Michael Eala, ama ni Alex, ang pag-atras ng 14-anyos na scholar ng Rafa Nadal Academy sa nasabing torneo. Nakatakda sanang harapin ni Alex sa first round ang 23-anyos qualifier na si Tea Jandric ng Croatia, subalit inatasan ng Academy ang lahat ng player at coach na bumalik na lamang sa Mallorca upang maiwasan ang airport lockdown sanhi ng…

Read More

COVID-19 TESTING COSTS SAGOT NG PHILHEALTH

SASAGUTIN ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang testing costs ng mga hinihinalang nahawa sa coronavirus disease. Ito’y upang hindi na mag-alala ang publiko sa magiging gastos kapag nagpagamot sa COVID-19. Kinumpirma ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang COVID-19 tests sa mga ospital ay covered ng PhilHealth. “The President recognizes that everyone in the country is concerned about COVID-19 and the threat this poses to the health and lives of our loved ones, especially vulnerable individuals like senior citizens,” ayon kay Nograles, miyembro ng Inter-Agency Task Force for the…

Read More

SA GITNA NG PANIC BUYING MODE NG PUBLIKO PRICE FREEZE PAIIRALIN NG DTI

MAHIGPIT ang panawagan ng  Department of Trade and Industry (DTI) sa sambayanan na huwag mag-panic buying sa kabila ng pagkalat ng COVID-19. Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, hindi dapat bumili ng maramihan para gawing stock. Tiniyak ng kalihim na may sapat na supply ng pagkain at alcohol sa bansa. Sumugod ang mga mamimili sa iba’t ibang grocery stores sa Metro Manila kahapon matapos mabanggit ng ilang opisyal ng pamahalaan ang posibilidad na pagsasailalim sa lockdown sa mga lugar na mataas ang bilang ng may COVID-19. Samantala, pinaalalahanan ni Lopez…

Read More

DALAW SA BJMP SUSPENDIDO

PANSAMANTALANG sinuspinde ng pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang pagbisita sa mga Person Deprived of Liberty (PDL’s) para na rin sa kaligtasan ng mga ito at kanilang pamilya sa gitna ng pagkalat ng COVID-19. Sa press conference kahapon, inanunsyo ni Jail Chief Inspector Xavier Soldao, Spokesperson ng BJMP, ang temporary suspension ng visitation sa lahat ng Jail Facility sa National Capital Region (NCR). Bukod dito, kasama rin sa sinuspinde ang dalaw sa Region 1 sa loob ng dalawang linggo habang sa Region 11 naman ay pitong…

Read More

ARMY COLONEL NA SI INDAY SARA

saraduterte12

AGAD inaprubahan ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang interim appointments ni Davao City Mayor Sara Z. Duterte bilang army reserved kabilang ang 21 pang opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at 12 career officers ng Department of Foreign Affairs (DFA). Sa ginanap na plenaryo ng CA sa pangunguna ni CA Chairman, Senate President Vicente Sotto III, bukod kay Duterte, inaprubahan din ang interim appointment ni Davao City Rep. Isidro T. Ungab at Edgar Crisanto R. Violan sa Philippine Army reserved. Tinabla naman ng CA ang interim appointment…

Read More

ALERTO SA BULKANG KANLAON ITINAAS

NAGSISIMULA na umanong maging abnormal ang mga aktibidad sa bulkang Kanlaon na nasa pagitan ng Negros Oriental at Negros Occidental. Dahil dito, itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang Alert Level 1 na ang ibig sabihin ay may pagtaas sa antas ng seismic activity o unrest sa bulkang Kanlaon. Noong Martes, nakapagtala ang Phivolcs ng 80 volcanic earthquakes. Sa nasabing bilang, 77 ang may kasamang tinatawag na magmatic fluids sa ibabaw ng bulkan. Ang pagtaas ng mga aktibidad sa Kanlaon volcano ay posibleng sinundan ng pagbuga nito…

Read More