5 SENADOR SUMUGOD SA SC

SINUGOD ng limang senador ang Supreme Court sa pangungana ni Senate President Vicente Sotto III upang humingi ng ruling kung may kapangyarihan ang Senado sa pagbasura ng anomang tratado tulad ng Visiting Forces Agreement (VFA). Sa kanilang petisyon para sa declaratory relief at mandamus, hiniling ni Sotto, kasama sina Senador Ralph Recto, Juan Miguel Zubiri, Franklin Drilon, Richard Gordon at Panfilo Lacson na ideklara na ang anomang tratado na pinagtibay ng Senado ay dapat magkaroon ng concurrence ang Mataas na Kapulungan kapag ibinasura. Anila, kailangan magpalabas ng kautusan ang SC…

Read More

DOH NGANGA SA COVID-19

Nabuking sa Senado na ‘di handa sa local transmission KINASTIGO nina Senador Imee Marcos at Nancy Binay ang Department of Health (DOH) sa kabagalan at mga umano’y maling pagpaprayoridad sa isyu ng COVID-19. Ayon kay Marcos, nagdadalawang-isip pa ang DOH na sabihin ang tunay na estado ng bansa sa nasabing virus. “Sinabi ko na lamang sa DOH talagang maghahanap na lang ako ng ibang pagkakataon na bonggang-bongga silang awayin dahil talagang nagpapanic na kami,” ani Marcos sa ambush interview sa Senado matapos ang pagdinig hinggil sa epekto ng COVID-19 sa…

Read More

14 TAONG KULONG SA CASH SMUGGLERS

Itinutulak sa Kamara NAIS ng isang mambabatas na gawing mas matapang ang parusa sa mga tinatawag na cash smugglers. Ito ay matapos maipasok ng mga dayuhan sa Pilipinas ang tinatayang isang bilyong dolyar nang walang kahirap-hirap noong nakaraang taon. Sa panukalang batas na inakda nina Albay Rep. Joey Salceda, Nueva Ecija Rep. Estrellita Suansing, AMBIS-Owwa party-list Rep. Sharon Garin, Sultan Kudarat Rep. Horacio Suansing Jr., Muntinlupa City Rep. Ruffy Biazon at Marikina Rep. Estella Quimbo nais nilang amyendahan ang Republic Act (RA) 9160  o anti-money laundering law. Sa ilalim ng…

Read More

P92-B LUGI NG GOBYERNO SA NGCP

Buwis hindi binayaran – TransCo WALA nang binabayarang buwis ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) dahil hindi na nga ito siningil ng income tax at iba pang buwis, pati 3% franchise tax nito ay pinayagan pa ng gobyerno na ipasa sa mga konsyumer. Muling lumabas ang galit ni Sen. Risa Hontiveros nang malaman mula sa mga dokumentong nakalap ng kanyang tanggapan, na pati pala ang 3% franchise tax na kaisa-isang buwis na dapat singilin ng gobyerno sa NGCP alinsunod sa kanyang batas sa prangkisa ay nagawa pa nitong…

Read More

UST PINASADSAD NG ATENEO

UAAP 82 men’s football MULING nagpamalas ng pwersa ang defending champion Ateneo de Manila sa UAAP Season 82 Men’s Football Tournament. Hinakbangan ng Blue Eagles ang University of Santo Tomas, 6-1 noong Linggo sa Rizal Memorial Stadium, kung saan si team captain Nino Herrera ay nakadalawang puntos – isang long-range strike at isang resulta ng penalty – sa 10th at 27th minutes, upang akayin ang Ateneo sa panalo. “Ang maganda lang dun, yung long shot ni Nino, yun yung nagstart so medyo tumaas yung motivation, tumaas yung tempo and regarding…

Read More

PALARONG PAMBANSA KANSELADO NA

Dahil pa rin sa COVID-19 MULING sinuspinde ng pamunuan ng NCAA ang lahat ng aktibidad nito base sa Red Alert Sub-Level 1 na idineklara ng Department of Health at ng Department of Education hinggil sa patuloy na pagkalat ng COVID-19. Ang aksyong ito ng NCAA management ay para sa kaligtasan ng mga estudyante, atleta, fans at officials. Nakatakdang magpulong ang NCAA officials upang desisyunan kung kakanselahin na ang lahat ng mga laro ng NCAA ngayong season. Noong Enero ay kinansela rin ang mga laro matapos ang NCOV outbreak. Samantala,  dalawang…

Read More

PBA MAY EMERGENCY MEETING

Naalarma sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 NAGPATAWAG ng emergency board meeting ngayong araw si Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner Willie Marcial upang mailatag ang lahat ng posibleng mangyari sa gitna ng patuloy na pagdami ng mga kasi ng coronavirus (COVID-19) sa bansa. Ito’y kasunod ng bagong ulat ng Department of Health na mayroong 20 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. Ayon kay Marcial, gusto niyang maging handa ang liga sa anumang maaaring mangyari, kabilang na ang pagpo-postpone ng games sa kasisimula pa lang nitong Linggo na Philippine Cup. “Puwedeng…

Read More

SMB KAYANG MANALO

Kahit wala si June Mar Fajardo HINDI naramdaman ng San Miguel Beermen ang pagkawala (dahil sa injury) ng kanilang franchise player na si June Mar Fajardo nang walang kairap-hirap na dinispatsa ang nakalabang Magnolia Hotshots, 94-78, sa pagbubukas ng 45th PBA season kamakalawa. Ipinakita ng dalawa pang big men ng SMB na sina Mo Tautuaa at Arwind Santos na kaya nilang punan ang pagkawala ni Fajardo nang pangunahan ang koponan sa panalo. Kumamada si Tautuaa ng 20 points at 11 rebounds habang nagsumite si Santos ng 18 points at 15…

Read More

EUMIR MARCIAL BYAHENG TOKYO NA

PASOK na si Eumir Marcial sa Tokyo Olympics. Ito ay matapos ang impresibong Referee Stopped Contest (RSC) win niya laban kay Mongolian Otgonbaataryn Byamba Erdene sa kanilang quarterfinals match sa 2020 Asia and Oceania Boxing Olympic Qualification Tournament. Si Marcial ang ikatlong Filipino na umabante sa 2020 Tokyo Olympic, nina gymnast Carlos Yulo at pole vaulter Ernest Obiena. Ang panalo ni Marcia na naitala nito sa ikatlong round sa krusyal na quarterfinal round ang nagtulak upang humakbang siya sa semifinals kung saan makakasagupa niya si Ashish Kumar ng India. “Masayang-masaya…

Read More