KINAKITAAN na ng pagbabago sa kalagayan ang dalawang police general na kabilang sa walong sakay ng nag-crash na PNP Bell 429 helicopter sa San Pedro, Laguna makalipas ang limang araw. Ayon kay PNP chief Police General Archie Francisco Gamboa, sumasailalim pa rin sa close monitoring sina PNP Director for Intelligence Police Major General Mariel Magaway at Director for Comptrollership Police Major General Jose Maria Ramos. Base sa huling update na nakuha ng PNP, nakikitaan sila ng health improvement bagaman kapwa nanatili ang mga ito sa intensive care unit. Nasa stable…
Read MoreMonth: March 2020
KLASE SA METRO SINUSPINDE
MAGKAKASUNOD na nag-anunsyo ng suspensyon ng klase ang ilang lungsod ng kalakhang Maynila bunsod na rin ng pagtaas ng bilang ng kaso ng coronavirus disease. Sinuspinde ng pamahalaang lungsod ng Caloocan ang klase sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan mula kahapon hanggang bukas, Miyerkoles. Sinabi ni Mayor Oscar “Oca” Malapitan na ang pagkansela ng klase ay isinagawa para sa dalawang araw na mandatory general sanitation at disinfection ng mga paaralan bilang precautionary measures para masugpo ang pagkalat ng virus. Ayon pa kay Malapitan, magkakaloob ang pamahalaang lungsod ng karagdagang…
Read MoreKASO NG COVID-19 SA BANSA NADAGDAGAN
PATULOY sa pag-akyat ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) na naitala ng Department of Health (DOH) sa bansa matapos itong pumalo sa 20 kahapon. Ayon kay Health Assistant Secretary Ma. Rosario Vergeire sa isang pulong balitaan kahapon, mula sa 10 kumpirmadong kaso ng sakit na iniulat ng DOH nitong Linggo ng gabi, nadagdagan pa ito ng 10 pang kaso kaya’t umakyat na ito sa 20. Ayon kay Vergeire, natanggap lamang nila ang kumpirmayson sa mga bagong kaso ng sakit bago magtanghali nitong Lunes kaya’t wala pa rin silang…
Read MoreHIRIT NG SOLON SA MGA PINOY MULA SA BANSANG COVID-19 POSITIVE FORCED QUARANTINE
NAIS ni Cavite Rep. Pidi Barzaga na kumilos ang lahat ng Local Government Units (LGUs) at tiyaking sumailalim sa 14-day quarantine ang lahat ng Pilipinong darating sa Pilipinas mula sa mga bansang may kaso ng COVID-19. Ayon kay Barzaga, ang forced quarantine ay paraan para makita agad kung sino ang posibleng magkasakit at hindi na magawang makahawa pa ng iba. Tinukoy ni Barzaga ang nakapaloob sa Local Government Code na maaaring ipasa sa LGUs ang mga usaping may kinalaman sa kalusugan para makatulong ito lalo na sa panahong kailangan tumugon…
Read MorePDU30 SUSUNOD SA ‘NO TOUCH POLICY’
MALABONG pumalag si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ipinatupad na ‘no touch policy’ ng Presidential Security Group (PSG). Sa kautusan ay sinabi ni PSG Commander Col. Jesus Durante III na ang sinomang personalidad, dignitaries o mga politiko pati na ang mga PSG personnel ay sasailalim sa matinding screening at testing sa anomang uri ng sakit na may kaugnayan sa COVID-19. Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, palaging sinusunod ng Pangulo ang payo ng PSG kaya’t hindi kokontrahin ng Chief Executive ang anomang payo sa kanya ng PSG para na rin…
Read MoreEX-PCGG CHAIRMAN SA BIO PINAAARESTO
IPINAAARESTO ng Sandiganbayan si dating PCGG chairman Camilo Sabio kaugnay nang kinakaharap nitong kasong katiwalian. Ito ay makaraang ibasura ng 4th Division ng anti-graft court ang apela ni Sabio laban sa hatol sa kanya na maaresto at mapiit nuong Nobyembre ng nakaraang taon. Sa resolusyon ng Sandiganbayan na pirmado ni Associate Justice Reynaldo Cruz, hindi nito kinagat ang argumento ni Sabio patungkol sa double jeopardy dahil may nauna nang nabasurang katulad nitong kaso. Nag-ugat ang kasong katiwalian laban kay Sabio sa alegasyon na namagitan umano ito sa isang Atty. Jesus…
Read MoreLIBRENG CHECK-UP SA COVID-19 HIRIT SA DOH
HINILING ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan sa Department of Health (DOH) na magbigay ng libreng check-up ang pamahalaan sa mamamayan na may sintomas ng Corona Virus 2019 (COVID-19) sa lahat ng pagamutan ngayong idineklara ni Pangulong Duterte ang National State of Public Health Emergency. Sa pahayag, sinabi ni Pangilinan na obligado ang lahat na mag-report sa pamahalaan ng sinomang may kaso ng sakit, kaya dapat paigtingin din ang imbestigasyon hinggil sa nasabing kaso, pagpapatupad ng quarantine at isolation at mabilisang containment upang makaiwas sa pagkalat ng sakit. “Ngayon may katibayan…
Read MoreSA PANANATILI NG POGO SOLON: CHINA ANG PANALO
PANALO ang China sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi galawin ang Philippine Offshore Gaming Corporation (POGO) dahil kailangan ang pondo para sa coronavirus disease-2019 o COVID-19. Lalo ring lumalakas ang duda ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate na ang POGO ay bersyon ng China ng Visiting Forces Agreement (VFA) at Enhance Defense Cooperation Agreement (EDCA) ng Estados Unidos sa Pilipinas. Ayon kay Zarate, lalakas pa ang loob ng China na mag-espiya sa Pilipinas gamit ang POGO dahil hanggang ngayon ay hindi binibitawan ng nasabing bansa ang kanilang…
Read MoreHANGGA’T WALANG COMMUNITY TRANSMISSION NG VIRUS – DOH LOCKDOWN SA METRO PREMATURE
HINDI pa kumbinsido ang Department of Health (DoH) na kailangan nang i-lockdown ang Metro Manila matapos magkakasunod na iulat ang pagkakaroon ng tig-isang COVID-19 case ng Quezon City at Marikina habang dalawa naman ang diumano’y kumpirmadong kaso sa Pasig City. Sa Laging Handa briefing sa New Executive Building (NEB), Malakanyang ay sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III na kabilang sa protocol ang pag-lockdown sa Maynila ngunit hindi pa ito napapanahon. Tugon ito ng kalihim sa mungkahi ng isang mambabatas na i-lockdown ang Kamaynilaan bunsod ng dumaming bilang ng mga…
Read More