DAHIL ang buwan ng Marso ay idineklarang Women’s Month at ang March 8 (kahapon) ay kinikilalang International Women’s Day, isang magandang balita ang nais na iparating ng inyong lingkod sa mga kababaihan lalong lalo na ang mga magiging nanay o sa mga babaeng buntis. Isinusulong po ng inyong congressman mula sa 2nd District ng Rizal ang Reproductive Rights para sa mga kababaihang nagdadalang-tao na isilang ang kanilang anak sa lugar kung saan nila nais at kung saan sila kumportable. Kamakailan ay inihain natin sa mababang kapulungan ng Kongreso ang House…
Read MoreMonth: March 2020
PANINIGARILYO AT VAPING, IPINAGBABAWAL NA SA MERALCO
BILANG suporta sa ipinatutupad ng ating pamahalaan na Executive Order no. 26 – Providing for the Establishment of Smoke-Free Environments in Public and Enclosed Places at Executive Order no. 106 na nagbabawal sa paggamit ng vape at e-cigarette, ipinagbabawal na rin ng Manila Electric Company (Meralco) ang paninigarilyo at paggamit ng vape at e-cigarette sa anumang pasilidad at opisina nito. Ipinatupad ang nasabing direktiba nitong ika-1 ng Marso. Imposibleng hindi mapansin ang nakapaskil na mga tarpaulin sa loob ng kumpanya na nagpapaalalang bawal na ang paninigarilyo sa Meralco. Ang hakbang…
Read MoreBASILAN, DAVOC SA MPBL SOUTH FINALS
NAGPASABOG si Allyn Bulanadi ng tatlong sunod na three-point shots sa bandang dulo upang akayin ang Basilan Steel sa 84-76 win kontra Bacoor Strikers, Sabado ng gabi sa Chooks-to-Go/MPBL Lakan Season South division sa Strike Gymnasium Bacoor City. Buhat sa tablahang 71-71 kasunod ng back-to-back triples ni Ian Melencio, gumanti si Bulanadi para gawing 80-71 count, 1:26 na lang. Makakasagupa ng Steel ang Davao Occidental Tigers sa best-of-three series para sa South division crown. Ang Basilan ang kumuha ng series opener, 77-63, bago rumesbak sa Game Two ang Strikers, 80-69,…
Read MoreUAAP 82 MEN’S FOOTBALL: UE PINADAPA NG FEU
DISMAYADO sa opening day draw, bumawi ang Far Eastern University kahapon sa pagpapatuloy ng UAAP Season 82 Men’s Football Tournament sa Rizal Memorial Football Stadium. Sumipa si John Renz Saldivar ng two goals para tulungan ang Tamaraws sa 5-0 panalo kontra University of the East. Tinapik ni Saldivar ang bola sa net matapos tanggapin mula kay Dominque Canonigo sa 49th minute at sinundan ng isa pang goal sa 55th nang malusutan niya ang Red Warriors’ offside trap at si UE goalkeeper Frank Rieza. “Actually, Saldivar can score more but the…
Read MoreUAAP 82 MEN’S VOLLEYBALL: IKA-2 PANALO KINOLEKTA NG NU
NAKAISKOR ng ikalawang panalo ang UAAP Men’s Volleyball reigning champion National University makaraang dominahin ang Adamson University, 25-21, 25-17, 25-23, Linggo sa SM Mall of Asia Arena. Bumida para sa Bulldogs si Nico Almendras na nagsumite ng double-double output, 16 points at 18 receptions. Nagambag naman si NU captain James Natividad ng 12 markers. Sa tulong ng playmaking ni Joshua Retamar, umiskor ng 16 excellent sets, agad naiposte ng Bulldogs ang 2-0 lead. Ngunit sinamantala ng Soaring Falcons ang 21 errors ng NU sa third frame, mabuti at nakabangon agad…
Read MoreASIA-OCEANIA OQT: 5 PINOY BOXERS BUHAY PA
LIMANG Filipino boxers ang nananatiling buhay pa ang pag-asa na makakuha ng tiket sa 2020 Olympics makaraaang makaabante sa quarterfinals ng Asia-Oceania Olympic Qualification Tournament sa Prince Hamzeh Hall sa Amman, Jordan. Ang lima ay sina flyweights Carlo Paalam at Irish Magno, featherweight Nesthy Petecio, middleweight Eumir Marcial at lightweight Riza Pasuit. Dinispatsa ng soft-spoken at 21-anyos na si Paalam si Afghanistan’s Ramish Rahmani tungo sa unanimous decision, 5-0. Ipinakita din ng 27-anyos na si Magno ang magandang performance nang magaan na talunin si Winnie Au ng Hongkong sa pamamagitan…
Read MoreABL NAHAWA SA COVID-19
NAGKANSELA ng mga laro ang ASEAN Basketball League (ABL) bilang pag-iingat sa banta ng coronavirus o COVID-19. Ito’y matapos mapag-alaman na isa sa mga manlalaro nito, si dating Phoenix import Jameel McKay na ngayon ay naglalaro para sa Slingers, ang pinigil ng Singapore immigration pagdating nito mula sa paglalaro sa Kuala Lumpur, Malaysia sa kanyang pagbabalik kasama ang iba pang kapwa Slingers. Nabatid na pinigil ng Singapore immigration si McKay matapos mapag-alaman na kabilang siya sa “contact list” ng Case 113 dahil kasama siya sa Turkish Airlines flight mula Istanbul…
Read MoreLOCAL COVID-19 TF IN-ACTIVATE NG DILG
INATASAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng lokal na pamahalaan sa Metro Manila na pakilusin ang kani-kanilang local COVID-19 Task Force (LCTF). Ang mga LCTF ang mangunguna sa paghahatid sa pinakamalapit na pasilidad ng Department of Health ng mga indibidwal na may sintomas ng COVID-19 na nasa kanilang nasasakupan. Sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na ang kaso ng local transmission ng coronavirus disease ay may malaking panganib na kumalat na kinakailangang maiwasan. Inaatasan din ang mga lokal na task force na tutukan ang…
Read MorePRESO GINAWANG DRIVER POLICE OFFICIAL SA BULACAN TIKLO
INARESTO ng pinagsanib na operatiba ng Philippine National Police Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG), Special Action Force’s 82nd Special Action Company (SAF-SAC) at Bulacan Police Intelligence Branch (BPIB) ang deputy chief of police ng Norzagaray Police Station nang mahuli ito sa aktong pinagmamaneho ang isang inmate kamakalawa ng hapon sa Norzagaray, Bulacan. Kinilala ni PNP-IMEG director Police Colonel Ronald Lee ang inarestong opisyal na si Police Captain Wilfredo Dizon Jr., nakatalaga bilang deputy ng Norzagaray Police. Sa inisyal na imbestigasyon, lumitaw na bandang 3:25 ng hapon nang dakpin ang…
Read More