DUQUE SA GITNA NG CODE RED VS COVID-19 CLASS SUSPENSION ‘DI PA KAILANGAN

WALA pang nakikitang dahilan si Health Secretary Francisco Duque III para magsuspinde ng klase sa Metro Manila, kasunod ng pagtaas ng kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa bansa, kabilang na ang local transmission. “Hindi pa tama iyon,” pahayag ni Secretary Duque III kasunod ng suhestyon ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na kanselahin na ang lahat ng klase mula March 9 at automatic na passing rate na lahat ng estudyante bilang precaution sa virus. Bukod sa Navotas, nagsuspinde na rin ng klase ang Taytay at Cainta sa lalawigan ng…

Read More

DOH HINAMON NG SOLON MAGPAKATOTOO SA COVID-19 REPORT

UMAPELA si Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate sa Department of Health (DOH) na magpakatotoo sa tunay na kalagayan ng bansa sa COVID-19 upang hindi ito magaya sa swine flu na sinabing tapos na subalit lalong lumala. Ginawa ni Zarate ang pahayag matapos magdeklara ng Code Red ang DOH sa COVID-19 makalipas ang tatlong buwan nang i-report ng Cardinal Santos Medical Center na nagkaroon ito ng pasyente na positibo sa COVID-19. “We do not want a repeat of what happened with the government handling of the African Swine Flu (ASF)…

Read More

MASAHISTANG PROSTI INOORDER SA ONLINE ‘SPAKOL’ PINAG-INITAN SA KAMARA

PINUNTIRYA sa mababang kapulungan ng Kongreso ang mga “spakol” o massage parlors na nagbibigay umano ng extra service at maging ang mga bahay-aliwan na front ng prostitution sa bansa. Ang higit na ikinababahala ni Laguna Rep. Sol Aragones ay ang “virtual spakol” na usong-uso umano ngayon kung saan sa pamamagitan lang ng social media ay ipinadadala ng mga sindikato ang larawan ng mga babae at idinideliber sa mga customer sa hotel. Ayon sa mambabatas, talamak pa rin ang mga spakol bukod sa mga bahay-aliwan na direktang nagbebenta ng mga babae…

Read More

NADISMAYA SA KAMARA

kamara1

Dismayado naman si House committee on dangerous drug chairman Robert Ace Barbers dahil kahit marami nang paglabag sa batas at criminal activities ng POGO workers ay wala pa ring planong isara ito. Ayon sa mambabatas, dito na ginagawa ng mga Chinese national ang kanilang criminal activities mula money laundering, drug trafficking, prostitution, kidnap for ransom at iba pa mula nang payagan ang operasyon ng POGO sa bansa. Bukod sa hindi pagbabayad ng buwis, mistulang ginagago umano ng mga Chinese ang gobyerno matapos matuklasan na 4,000 sa POGO workers ay pare-pareho…

Read More

PONDO KAILANGAN PARA LABANAN ANG VIRUS – PANELO POGO ‘ISINALBA’ NG COVID-19

MISTULANG isinalba ng lumalaganap na COVID-19 ang buhay ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) matapos ihayag ni Presidential spokesman Salvador Panelo na hindi ipatitigil ni Pangulong Rodrigo Duterte ang operasyon nito. Sa kabila ng mga pagbatikos at kontrobersiyang lumutang sa operasyon ng POGO ay wala pang plano ang Malakanyang na tapusin ang pananatili nito sa Pilipinas. Sa isang panayam, binanggit ni Panelo na sa kanyang pakikipag-usap sa pangulo, sinabi umano nito na kailangan ng pondo ng pamahalaan para tustusan ang mga proyekto ng pamahalaan gaya ng sahod sa mga nurse,…

Read More

DI PA RIN SUMASAILALIM SA SYSTEM AUDIT NGCP GIGISAHIN MULI SA SENADO

IPATATAWAG muli ng Senate committee on energy ang opisyal ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) matapos mabigo ang kumpanya na sumailalim sa mandatory system audit. Sa pahayag, sinabi ni Senador Sherwin “Win” Gatchalian na maraming dapat ipaliwanag ang NGCP sa Senado dahil sa kabila ng extension na ibinigay ng komite, nabigo pa rin ang kumpanya sa system audit. “Initially, the committee gave the NGCP until February 10 to comply with the order to subject its operations to a mandatory audit following national security concerns. The deadline has been…

Read More

PAGBABAYAD SA UTANG NG POWER FIRMS NAUUDLOT – DEFENSOR CALIDA IPATATAWAG SA KAMARA

PADADALUHIN ng House Committee on Good Government and Public Accountability at House Committee on Public Accounts si Solicitor General Jose Calida sa imbestigasyon sa P95.42B utang ng mga power firm sa Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation (PSALM). Ayon kay House Committee on Public Accounts Chairman Mike Defensor, si Calida ay kanilang inimbitahan sa gagawing ikatlong pagdinig ng komite sa Marso 11. Pangunahin na nais nilang malaman kay Calida ay ang hakbang umano nito na maghain ng Motion for Leave to Intervene sa kaso ng Manila Electric Company at…

Read More

NBA APEKTADO RIN NG COVID-19

MAGING ang National Basketball Association (NBA) ay hindi nakaligtas sa coronavirus-19 o COVID-19 outbreak. Ayon kay Shams Charania ng The Athletic, nagpadala na ang NBA ng memo sa lahat ng teams na may abisong maghanda sa mga laro nang walang mga manonood. Nakasaad din sa naturang kalatas na kailangang i-identify ng teams ang “essential staff” na isasama nila sa games. Mayroon din umanong “reminder regarding the existing rules about postponment and cancellations of games” sa memo. Ito ay kasunod ng pagtaas ng mga kaso ng coronavirus sa US kung saan…

Read More

DAVIS CUP TIE GREECE BINAWIAN NG PH.

PINATUNAYAN nina Francis Alcantara at Ruben Gonzales na hindi importante ang height sa larong tennis nang talunin ang mga nakalabang sina Petros Tsitsipas at Markos Kalovelonis ng Greece kahapon. Dahil sa 7-6, 6-4 panalo nina Gonzales at Alcantara ay hindi nabokya ang bansa sa Davis Cup 2020 World Group II Playoffs sa Philippine Columbian Association (PCA) clay court sa Plaza Dilao, Paco, Manila. Pinigilan ng Southeast Asian Games double gold medallist na sina Alcantara at Gonzales na mawalis ng Greece ang host Philippines sa pag-agaw sa krusyal na doubles match.…

Read More