PINAIIMBESTIGAHAN ni Bayan Muna Chairman Neri Colmenares sa administrasyong Duterte ang report na 100 beses nang tinangkang i-hack ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP). Ayon kay Colmenares, dapat ay may malakas na cybersecurity infrastructure safeguard ang NGCP dahil ang isang pag-atake lamang dito ay maaaring magdulot ng malawakang blackout sa bansa. Magugunitang inamin ni NGCP Chief Executive Officer Anthony Almeda sa pagdinig ng Senate Energy Committee kamakailan na may 100 beses nang nakaranas ng cyber attacks ang power grid. Ani Almeda, may ilang linggo ring tinangkang i-hack ang…
Read MoreMonth: March 2020
PRAYER ROOM SA GREENHILLS ISINARA
INIUTOS ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang pagpapasara sa Muslim prayer room sa Greenhills. Ito ang direktiba ng alkalde matapos kumpirmahin ng Department of Health ang panibagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). Nabatid sa ulat na madalas puntahan ang nasabing lugar ng Pinoy na nagpositibo sa COVID-19. Bunga nito, inatasan ni Zamora ang City Health Department na magsagawa ng disinfection sa nasabing lugar. Ipinahahanap na rin ng alkalde ang mga taong nakahalubilo ng Pinoy na nagpositibo sa COVID-19. Huli umanong nagtungo roon ang pasyente noong huling linggo…
Read MoreAFP NAGKUKUMAHOG VS PANG-EESPIYA NG CHINA
PINAKILOS agad ni Armed Forces of the Philippines chief of staff Gen Felimon T. Santos, CSAFP ang lahat ng military intelligence network para i-validate ang report na may 3,000 miyembro ng China People’s liberation Army ang nasa spying and immersion mission ngayon sa Pilipinas. Una rito, nanawagan si Senador Panfilo Lacson sa lahat ng security agencies ng gobyerno na beripikahin ang ulat hinggil sa 2,000 hanggang 3,000 PLA na nasa bansa na umano ngayon. Ayon kay Gen. Santos, “We are in the process of validating the report of Sen Lacson…
Read MoreSOLON PINAKIKILOS ANG DEPED GRAD RITES TIYAKING LIGTAS VS COVID-19
INATASAN ni Senador Sherwin “Win” Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na maglatag kaagad ng mga hakbangin na dapat gawin ng mga opisyal at pinuno ng mga paaralan upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease o COVID-19 sa graduation rites. Ibinahagi ni Gatchalian ang kanyang pahayag sa gitna ng patuloy na pag-akyat ng mga kaso ng COVID-19 sa iba’t ibang bansa. Umabot na sa mahigit walumpu’t pitong libo (87,137) katao mula sa halos animnapung (59) bansa ang nagpositibo sa coronavirus. Kamakailan lamang, idineklara ng World Health Organization (WHO) na umabot…
Read MoreATENEO ‘DI KONTENTO
SA kabila ng three-set sweep sa University of the Philippines, 25-13, 25-17, 25-23, kamakalawa ay hindi pa rin kuntento ang Ateneo Lady Eagles sa kanilang inilaro. Para kay senior Lady Eagle na si Kat Tolentino, “good” ang panalo nila laban sa Lady Maroons ngunit hindi sila dapat makontento na lamang. Ayon sa kanya, marami pa silang dapat ayusin ngayong UAAP Season 82 lalo’t sila ang defending champion. “We’re still trying to defend the crown and like coach [Oliver Almadro] said, just because we won last year doesn’t mean that it’s…
Read MoreYULO, PH TEAM PSA TOP AWARDEES
PAPAGITNA sa entablado ang Team Philippines na humablot ng overall championship sa nakaraang 30th SEA Games, sa parangal na igagawad ng Philippine Sportswriters Association (PSA) ngayong gabi. Pangungunahan nina world champion at double gold winner Carlos Yulo, women’s world boxing champion Nesthy Petecio at Olympic silver medalist Hidilyn Diaz, ang Philippine contingent na tatanggap ng Athlete of the Year award, kasabay ang paggagawad ng natatanging parangal sa iba pang sports stars at personalities sa taunang SMC-PSA Annual Awards Night sa Centennial Hall ng Manila Hotel. Sina top sports officials sa…
Read MoreMPBL LAKAN CUP 2020 KNIGHTS SWAK NA SA NORTH FINALS
SWAK na sa North division finals ang San Juan Knights, habang humirit naman ang Makati at Manila ng decider sa magkahiwalay na laro ng Chooks-to-Go/MPBL Lakan Season sa San Andres Sports Complex, Miyerkoles ng gabi. Gumamit ang Knights ng full court press para itala ang 91-83 win para walisin ang Pampanga Giant Lanterns sa kanilang semifinal series, 2-0. Sa kabilang banda, ang Makati Super Crunch ay pinigil ang paulit-ulit na paghahabol ng Manila Stars tungo sa 75-59 win para itabla ang kanilang serye sa 1-1. Sumandal ang Knights kay MVP…
Read MoreDAVIS CUP TIE DAVID VS GOLIATH
WALANG malaking nakakapuwing. Ito ang patutunayan ng team Philippines sa pagharap nila kay world No. 6 Stefanos Tsitsipas at team Greece sa Davis Cup World Group II playoff tie sa Philippine Columbian Association (PCA) Plaza Dilao courts sa Paco, Manila simulang ngayong araw hanggang bukas (March 6-7). Napili ng national team na humarap kontra Tsitsipas ang 20-anyos na si AJ Lim sa alas-10 ng umaga, habang si Jeson Patrombon ang makakatapat ng nakababatang Tsitsipas na si Petros. Si Tsitsipas ay kagagaling lang sa masaklap na pagkatalo kay Novak Djokovic sa…
Read More1 PANALO NA LANG, PETECIO KASADO NA SA TOKYO OLYMPICS
IPINAKITA ni featherweight Nesthy Petecio kung bakit siya world champion, nang dominahin si Krismi Lankapurayalage ng Sri Lanka, 5-0 sa ikalawang araw ng kompetisyon ng Asian-Oceania Olympic Qualification Tournament for Boxing sa Prince Hamzeh Hall, Sport City sa Amman, Jordan. At isang panalo na lang para makakuha ng tiket pa-Tokyo Olympics. Ang 27-anyos na pambato ng Pilipinas mula sa Davao de Sur ay angat na angat ang husay sa pagdomina sa Sri Lankan, dahil kahit walang naganap na knockdowns o standing 8-count ay nagbigay ang ilang hurado ng 10-8 scores.…
Read More