2ND WIN TARGET NG PETRON, F2

TATARGET ang reigning champion Petron at F2 Logistics ng ikalawang sunod na panalo sa magkahiwalay na sagupaan ngayon sa Philippine Superliga Grand Prix sa Filoil Flying V Centre sa San Juan. Susubukan ng Petron ang tikas ng powerhouse Cherry Tiggo sa alas-5:00 ng hapon, habang ang Cargo Movers ay haharapin ang hamon ng Cignal sa alas-7:00 ng gabi sa pagpapatuloy ng prestihiyosong women’s club tourney na suportado ng Cocolife, Cocogen, Sogo, Eurotel, Sweet and Fit Stevia, Team Rebel Sports at Genius Sports. Bago ang nabanggit na dalawang laro, magpapang-abot muna…

Read More

GAB TUTOL SA BOXING AND CONTACT SPORTS COMMISSION

MAGDODOBLE lamang ang gawain at responsibilidad ng Games and Amusement Board (GAB) sa panukalang pagtatayo ng Philippine Boxing and Combat Sports Commission. Ito ang opinyon ni GAB Chairman Abraham Mitra sa panukalang pagtatatag ng bgong commission na mamamahala sa boksing at iba pang combat sports sa bansa. “Natutugunan naman ng GAB ang lahat ng pangangailangan ng Pinoy boxers, gayundin ang iba pang professional athletes na nasa pangangasiwa ng ahensiya at maging sa aspeto ng seguridad, kalusugan at kabuhayan,” sabi ni Mitra. “Hindi po nagpapabaya ang GAB sa responsibilidad na iyan.…

Read More

ASIA-OCEANIA OQT: MARCIAL PASOK NA RIN SA Q’FINALS

MULING ipinamalas ni middleweight Eumir Felix Marcial ang kanyang galing sa boksing nang gulpihin ang nakalabang Australian na si Kirra Ruston, 5-0,  sa kanilang preliminary bout  sa third day ng Asia-Oceania Olympic Qualifying Tournament sa Prince Hameh Hall sa Amman, Jordan. “Ito ang matagal nang pangarap namin ng tatay ko, ang makapunta sa Olympics. Hindi ko na pakakawalan ito,“ saad ng muscular Air Force man na mula sa Zamboanga. Bilang No. 1 seed sa middleweight division, nagkaroon siya ng bye sa unang bout at dahil sa panalo ay pasok na…

Read More

UMIWAS SA WAGE HIKE – SOLON INFLATION RATE DINOKTOR?

DUDA ang mga militanteng mambabatas na dinoktor ang inflation rate noong Pebrero upang walang maging dahilan ang mga manggagawa na humingi ng dagdag na sahod. Ayon kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, hindi kapani-paniwala na 2.6% lang ang inflation rate noong Pebrero dahil nananatiling mataas aniya ang serbisyo publiko at mga pangunahing bilihin. Gayunpaman, mistulang ginagamit umano ng gobyerno ang mababang inflation rate upang tablahin ang panawagan ng mga manggagawa na itaas ang kanilang sahod at hindi mabawasan ang kita ng mga oligarch. “The February inflation data should not be…

Read More

POGO MAS LAMANG ANG PERWISYO KAYSA PAKINABANG ‘WAG MANGHINAYANG SA P8B KITA — MARCOS

WALANG dapat panghinayangan ang pamahalaan sa P8B kita mula sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) kung ang pagbabasehan ay ang ilegal na perang pumapasok sa bansa. Ito ang sinabi ni Senador Imee Marcos kung saan wala pa umano sa .29 porsiyento ng ekonomiya ng bansa ang nasabing pera. “Hindi naman napakikinabangan kasi P8-B lang yan. Wala pang .29% ng ekonomiya natin yan. The financial flow was so minimal,” sabi nito. “Ang baba ng pakinabang ng Pilipinas, wala pang trabaho na binibigay sa mga Filipino kasi puro Chinese naman ang hina-hire.…

Read More

2 BAGONG KASO NG COVID-19 KINUMPIRMA NG DOH

UMAKYAT na sa lima ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa bansa matapos dumagdag sa listahan ang dalawang bagong kaso nito, ayon sa anunsyo ng Department of Health (DoH). Sa press briefing, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na isang 48-anyos na lalaki na may travel history mula Japan ang ikaapat na kaso. “The patient returned to the Philippines last February 25, and experienced chills and fever beginning March 3. The patient sought medical consultation at a hospital and samples were collected for testing,” ani Duque.…

Read More

REPRODUCTIVE RIGHTS NG KABABAIHAN ISINUSULONG NI NOGRALES PAANAKAN ITATAYO SA RURAL AREAS

ISINUSULONG ni Rizal 2nd District Congressman Fidel Nograles ang Reproductive Rights ng kababaihang buntis kung saan nito gustong isilang ang kanilang anak. Kasabay nito ang pagnanais ng mambabatas na mapatayuan ng birthing facilities o paanakan ang malalayong lugar sa bansa. Sa House Bill 6477 o Expanded Reproductive Rights for women na inihain ni Nograles sa mababang kapulungan ng Kongreso, pinawawalang bisa nito ang anomang ordinansa ng Local Government Unit (LGU) na nagpapataw ng parusa sa kababaihan na nais manganak sa kanilang tahanan. Napag-alaman ni Nograles na may mga LGU na…

Read More

TALO ANG GOBYERNO AT TAUMBAYAN – MATIBAG KONTRATA NG NGCP REBISAHIN

PINAREREBISA ng National Transmission Corporation (TransCo) ang kontrata ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) dahil umano sa hindi pagiging patas sa pamahalaan at taumbayan. Ayon kay TransCo President Atty. Melvin Matibag, dapat marebyu ang concession agreement para tanggalin ang mga hindi tamang probisyon at ma-validate ang mga reklamo at ebidensya na lumalabas ngayon laban sa NGCP. Napag-alaman na halos P3 bilyon lamang ang ibinabayad ng NGCP sa gobyerno kada taon pero ang kita nito ay umaabot sa P39 bilyon. Lumalabas na P168 bilyon lamang ang concession fee na…

Read More

SA GITNA NG 2 PANIBAGONG KASO NG COVID-19 SA BANSA P2-B HIRIT PARA SA DOH

KUMBINSIDO ang Malakanyag  na hindi ipagdaramot ng Kongreso ang hirit ng department of health na dalawang bilyong pisong supplemental budget  para sa patuloy na pagtugon ng gobyerno sa banta ng COVID-19. Nauna rito ay umapela si Health Secretary Francisco Duque III sa liderato ng Kongreso na aprubahan ang supplemental budget sa panahong ito na hindi pa rin natitigil ang pagkalat ng COVID-19 at mahigpit ang pangangailangang ma-contain ang virus. Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, sa ganitong emergency situation at hindi naman talaga pangkaraniwan ang mga hakbang na ipinatutupad ng…

Read More