CAGAYAN – Nauwi sa trahedya ang paliligo sa ilog ng magkakaklase nang malunod ang lima sa mga ito sa bayan ng Camalaniugan sa lalawigang ito, iniulat noong Sabado ng umaga. Kinilala ang mga nalunod na sina Jenny Mercado ng Brgy. Bukig Aparri; Florbeth Ruatos ng Brgy. Pakak, Aparri; May Tubol, Irene Tubol, kapwa residente ng Brgy. Mabanguc Aparri, at Bernadette Paet, residente sa naturang lugar, pawang mga estudyante ng Bukig National Agricultural and Technical School (BNATS) sa bayan ng Aparri, Cagayan. Batay sa report ng Camalaniugan Police Station, dakong hapon…
Read MoreMonth: March 2020
NO FRANCHISE, NO OPERATION SA ABS-CBN
O FRANCHISE, NO OPERATION SA ABS-CBN KAHIT maipasa ang joint resolution ng dalawang Kapulungan ng Kongreso, hindi pa rin puwedeng mag-operate ang ABS-CBN hangga’t hindi nare-renew ang kanilang prangkisa. Ito ang napag-alaman kay Albay Rep. Edcel Lagman kaya walang silbi umano ang joint resolution na nakatakdang ipasa ng Senado at Kamara upang payagan ang ABS-CBN na magpatuloy sa kanilang operasyon hangga’t hindi pa nare-renew ang kanilang prangkisa. “Since the prevailing rule is no franchise, no operation, inveigling ABS-CBN to continue operation with an expired franchise is pushing it to a…
Read MoreKUDETA VS CAYETANO TULOY NA?
MAUGONG sa mababang kapulungan ng Kongreso na matutuloy ang kudeta laban kay House Speaker Alan Peter Cayetano ngayong araw, Lunes. Sa impormasyong nakarating sa Saksi Ngayon, magkakaroon umano ng botohan sa speakership ngayong araw dahil idedeklara sa session Hall na ibakante ang speakership. Ngayon araw ay itinakdang “all women session” bilang paggunita sa Women’s Month ngayong Marso subalit maaaring mabago ito kapag may magmosyon na ibakante ang posisyon ni Cayetano. Hindi sinabi ng impormante kung sino ang mga tatakbo bilang speaker subalit inaasahan na kasama rito si Marinduque Rep. Lord…
Read MoreABOGADO PINATAY SA HARAP NG KLIYENTE
NUEVA Ecija – Duguan at wala nang buhay nang matagpuan sa loob ng kanyang tanggapan ang isang abogado matapos pagbabarilin ng hindi kilalang suspek, iniulat nitong Sabado ng umaga sa lalawigang ito. Kinilala ang biktimang si Atty. Bayani Dalangin, 73-anyos, at residente ng Talavera, Nueva Ecija. Batay sa report ng Talavera-PNP, dakong alas-7:15 ng gabi noong Biyernes nang mangyari ang insidente sa loob ng opisina ng biktima sa Barangay Poblacion Sur, ng nasabing lalawigan. Lumabas sa imbestigasyon, kasalukuyan nasa loob ng kanyang opisina ang biktima nang bigla na lamang pumasok…
Read MorePOLICE ASSET, KALIVE-IN INILIGPIT
QUEZON – Patay ang isang police asset at live-in partner nito matapos tadtarin ng bala sa bayan ng Candelaria sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi. Mga tama sa ulo at katawan ang ikinamatay ng mga biktimang sina John Rod Francia Maghirang alyas “Faye”, 29, residente ng Barangay Poblacion, at Lorelee Mapy Santiago, 38, residente ng Barangay Masin Sur. Ayon sa report ng Candelaria police, naglalakad ang dalawa sa barangay road sa Brgy. Malabanban Sur, alas-8:00 ng gabi, nang harangin ang mga ito ng isang suspek at malapitang pinagbabaril. Agad namatay…
Read More16K SUNOG NAITALA NG BFP NOONG 2019
AABOT sa labing anim na libong sunog ang naitala ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa buong bansa nitong nakalipas na 2019. Ayon kay Fire Senior Superintendent Gerandie Aganos, tagapagsalita ng BFP, mga kabahayan ang kadalasan na nasusunog. Ito umano ang dahilan kaya inilunsad nila ang Oplan ligtas na pamayanan. Sinabi ni Aganos na ang pangunahing dahilan ng sunog ay problema sa kuryente, upos ng sigarilyo na may siga at open fire. Kaugnay nito, nagpaalala si Aganos sa publiko na laging isaisip ang acronym na “PADRE” o Prevention, Awareness, Detection,…
Read More4 PULIS NAHULOG SA BANGIN, PATAY
ILOILO City – Patay apat na mga pulis habang 31 ang sugatan nang mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang 6×6 truck na nawalan ng preno, iniulat noong Sabado sa lungsod na ito. Kinilala ang mga namatay na sina Police Corporal Emerson Peniarubia, Patrolman Rex Agupitan, Patrolman Antonio Tumanday at Patrolman Prince Angelo Supiter, pawang mga tauhan ng 6O1st Regional Mobile Force Battalion na nakabase sa naturang lugar. Nilalapatan naman ng lunas ang mga sugatan sa iba’t ibang ospital. Lima sa kanila ay dinala sa Iloilo Saint Paul’s Hospital, 17 sa…
Read MoreSOLONS: PERA NG CHINESE SYNDICATE PINAPASOK, ‘NILILINIS’ SA PINAS
WALANG ibang ginagawa ang Chinese syndicate sa Pilipinas kundi linisin ang milyong dolyar na kinita nila sa kriminalidad kaya milyun-milyong dolyar ang pumapasok sa bansa sa pamamagitan ng operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) at pagbili ng alahas saka ibabalik sa kanilang bansa. Sa magkakahiwalay na panayam, sinabi ni Senate Minority Leader Frankln Drilon at Senador Panfilo Lacson na maraming dapat ipaliwanag ang Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Immigration (BI) kung nakapapasok sa bansa ang milyun-milyong halaga ng dolyar na dala ng Chinese nationals na hindi naidedeklara.…
Read MoreUAAP SEASON 82 BOYS FINALS: FEU KONTRA NU
MAKALIPAS ang tatlong taon, muling nakapasok sa finals ang Far Eastern University-Diliman para harapin sa best-of-three series ang undefeated National University Bullpups simula sa Biyernes, Marso 6. Ang Baby Tamaraws, twice-to-beat sa semis ay hindi man lang kinakitaan ng kalawang sa kabila ng 23 araw na pahinga, nang patalsikin ang fourth seed Adamson University, 78-65 sa UAAP Season 82 Boys’ Basketball Tournament Biyernes sa Filoil Flying V Centre sa San Juan. Nalimitahan ng FEU si Adamson’s Season MVP Jake Figueroa sa 11 points (1-of-6 shooting), habang ang isa pang shooter…
Read More