SUMANDAL ang San Juan Knights kay Mike Ayonayon, habang ang Manila ay umakbay kay Carlo Lastimosa para itumba ang kani-kanilang kalaban at dumikit sa North division finals ng Chooks-to-Go MPBL Lakan Season, Biyernes ng gabi sa Filoil Flying V Centre sa San Juan. Binalewala ang mahigpit na depensa ni Travis Thompson, si Ayonayon ay pinasok ang charity lane, umikot at nagpakawala ng off-balanced floater, tumalbog pa ang bola bago tuluyang nalaglag sa basket kasabay ng buzzer, tungo sa 86-84 win ng Knights kontra Pampanga Giant Lanters. Nagpakawala naman si Lastimosa…
Read MoreMonth: March 2020
3X3 BASKETBALL OQT: GILAS 4-MAN LINEUP TODO -KAYOD SA ENSAYO
NASA matinding pagsasanay ngayon ang official 4-man lineup ng Pilipinas sa 2020 3×3 Olympic Qualifying Tournament sa Bengaluru, India sa Marso 18-22, 2020. Kinabibilangan ang grupo nina Joshua Munzon, Alvin Pasaol, Moala Tautuaa at Jaymar Perez. Ang magandang samahan ng mga manlalaro ang inaasahang magdadala sa top two 3×3 kina ranked players Munzon at Pasaol, kasama sina SEAG 3×3 gold medalists Tautuaa at Perez. Nasisilip na ng SBP Selection Committee, sa pamumuno ni SBP Executive Director Sonny Barrios at mga miyembro na sina SBP Coaches Academy Head Jong Uichico, coaches…
Read MoreNAGPAKITA NA SA KATROPA PERO… POY ERRAM ‘DI NAGLARO
DUMATING si Poy Erram sa TNT game kontra Ateneo kahapon sa Moro Lorenzo Sports Center subalit bilang observer lang. Unang araw na nagreport sa KaTropa ang 6-foot-9 na player makaraan ang masalimuot na trade deal na kinabibilangan din ng NLEX at Blackwater. Matatandaan na kinuha ng TNT si Erram sa PBA draft noong 2013 subalit hindi siya pinapirma ng kontrata. Huling lumaro si Erram sa NLEX bago na-trade sa KaTropa, na pinakawalan sina Yousef Taha, Marion Magat at Ed Dquioag para sa una. Ayon kay Gilas Pilipinas interim coach at…
Read MoreMORALES UMATAKE SA STAGE 6
TARLAC CITY – Ginamit ng 2016 at 2017 champion na si John Paul Morales ang husay sa sprint upang itala ang unang lap victory sa 111km na Stage 6 ng ginaganap na ika-10 selebrasyon ng LBC Ronda Pilipinas 2020 na nagsimula sa Tarlac Capitol at nagtapos muli sa Tarlac Recreational Park. Nalusutan ni Navy team captain Morales ang mahigit sa 50 nakasabay upang makuha ng Standard Insurance-Navy ang ikatlong sunod na Stage victory simula sa kanilang pagwawagi sa Stage 4 Daet to Lucena at Stage 5 na Lucena to Antipolo.…
Read MoreSPORTS CHAT NI DENNIS PRINCIPE BOXING GOLD TANAW NA SA TOKYO OLYMPICS
Ang 2020 Olympic Games ang pinakamalaking tsansa ng sport na boxing na magbigay sa Pilipinas ng kauna-unahang Olympic gold medal. Ngayong Olympics na gaganapin sa Tokyo, Japan, sibak na ang Association Internationale de Boxe Amateur o AIBA bilang punong abala sa sport na boxing. Ito ang naging desisyon ng International Olympic Committee (IOC) dahil sa matinding pressure at reklamo ng boxing community maging ang mga fans ng sport sa sinasabing garapal na dayaan noong nakaraang 2016 Olympic Games sa Rio de Janeiro sa Brazil. Ang IOC na ang siyang magpapatakbo…
Read More