UNANG COVID POSITIVE SA STA. MARIA, LAGUNA, PINAGLAMAYAN PA

DAHIL hindi agad natukoy ang resulta ng test na isinagawa sa isang nasawing pasyente sa Sta. Maria, Laguna, nailibing na ito bago nalaman na positibo siya sa COVID-19. Ang nasawing babae na edad 24 at taga-Brgy. Adia sa nasabing bayan ang kauna-unahang kaso ng COVID-19 sa Sta. Maria. Unang itong dinala sa Sinoloan Pioneer General Hospital dahil sa sakit na Auto-Immune Encephalitis. Isa itong kondisyon na kung saan inaatake ang sariling immune system ng malulusog na cells ng utak na nagiging sanhi ng pamamaga nito at panghihina ng resistensya. Agad…

Read More

MAG-ASAWA, 14 PA TIKLO SA DRUG WAR

BULACAN – Isang mag-asawa at 14 iba pa ang magkakasunod na nasakote ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) operatives sa anti-illegal drug operation sa mga bayan ng Plaridel, Paombong, San Rafael at Guiguinto, pawang sa lalawigang ito, noong Lunes ng gabi. Base sa report ni P/Lt. Col. Victorino Valdez kay P/Col. Lawrence Cajipe, Provincial Director ng Bulacan PNP, nadakip ang mag-asawang sina Ma. Airnna Talindan y Aquino at Reivi Talindan y Surio, kapwa ng Barangay Sto. Nino, Plaridel, sa follow-up operation sa Barangay Agnaya. Habang sa Barangay Banga, Plaridel ay…

Read More

DAVAO DEL NORTE, NAKAPAGTALA NG 2 KASO NG COVID POSITIVE

DAVAO City – Kinumpirma ng City Health Office (CHO) ng Panabo City sa Davao del Norte, sa pamamagitan ng kanilang post sa official social media account, na positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isang residente sa lugar. Ito ang pangalawang kaso ng COVID-19 sa nasabing lugar kung saan ang pasyente ay nasa pasilidad na ng Southern Philippines Medical Center (SPMC) sa lungsod at nasa mabuting kondisyon. Ayon sa post ng CHO noong Lunes, Mayo 18, anim na buwang nakatira dito sa lungsod ang pasyente simula noong Disyembre 2019. Lumabas…

Read More

MOST WANTED PERSONALITY NG MAYNILA, ARESTADO

QUEZON – Shabu ang itinuturing na dahilan nang pagdanak ng dugo sa pagitan ng magkababata. Sa pamamagitan ng warrant of arrest, inaresto ng mga awtoridad ang suspek na si Renielle Punzalan, umano’ y top 1 most wanted personality ng Manila Police District. Si Punzalan ay suspek sa pagbaril at pagpatay sa kababata na si Robin Roland Relango, 24 anyos, noong Disyembre 2019. Batay sa ulat ni P/Lt. Glenzor Vallejo, hepe ng MPD-Warrant and Subpoena Section, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Ma. Teresa Abacilla ng…

Read More

TANDEM NA MAG-UTOL, ARESTADO

ARMADO ng arrest warrant, dinampot ng mga awtoridad ang magkapatid na sinasabing notoryus na “riding in tandem” na nagsasagawa ng kanilang ilegal na aktibidad sa erya ng Mandaluyong City at Pandacan, Manila, iniulat ng pulisya. Kinilala ang mga awtoridad ang mga arestado na sina John Paul Balajada y Gregory, 25-anyos, tricycle driver, ng #4012 Singkamas St., Kalayaan Avenue, Makati City, at Jonathan, 27-anyos, delivery rider, ng nasabi ring lugar. Batay sa report ng Manila Police District-Pandacan Police Station 10, bandang alas-6:00 ng gabi noong Lunes nang kapwa arestuhin ang mag-utol sa…

Read More

8 POGO EMPLOYEES, PINAY NALAMBAT SA DROGA

NATIMBOG ng mga tauhan ng Manila Police District ang siyam katao, kabilang ang walong empleyado ng Philippine Off-Shore Gaming Operation (POGO) at isang Filipina dahil sa ilegal na droga sa loob ng isang hotel sa Ermita, Manila, iniulat ng pulisya. Nakuha sa mga suspek ang 16 gramo ng shabu na may street value na P108,800 at isang .38 kalibreng baril na may limang bala. Kinilala ang mga suspek na sina Huang Kang Chen, 26; Poi Di Zhu, 28; Li Jun, 26; Liuhan Yang, 24; Hai Yang, 24; Hou Yaquiang, 31;…

Read More

CAR TINT IPAGBAWAL PARA IWAS ABALA SA CHECKPOINTS

HINIKAYAT ang mga awtoridad na mahigpit na ipatupad ang Anti-Distracted Driving Act (RA 10913) o pagbabawal ng tinted na mga sasakyan para mabawasan ang sobrang trapik na dulot ng mga checkpoints at choke points na ipinatutupad ng pulisya at militar papasok at palabas ng Metro Manila. Sa pamamagitan ng nasabing batas, magiging madali ang trabaho ng pulisya at militar sa kanilang isinasagawang checkpoints at choke points. Kung may dadaan na tinted vehicles sa checkpoints at choke points ay huhulihin at papatawan ng kasong paglabag sa nasabing batas. Sa ilalim ng…

Read More

QC HALL OF JUSTICE NI-LOCKDOWN

ISINAILALIM sa lockdown ang Quezon City Hall of Justice makaraang may mamatay umanong isang empleyado na hinihinalang dahil sa COVID-19, noong Lunes. Sinabi ni Quezon City Executive Judge Cecilyn Burgos-Villavert, ayon kay Supreme Court Administrator Jose Midas Marquez, inapruban nito ang lockdown para mabigyang daan ang contact tracing at disinfection na isasagawa sa nasabing gusali. Nauna rito, napaulat may isang empleyado ng Quezon City Hall of Justice ang namatay sa dahil sa COVID-19. Hindi naman umano tinukoy kung sa Regional Trial court o sa Metropolitan Trial Court nagtatratabaho ang nasabing…

Read More

‘ANTICIPATORY’ HEARING NG ABS-CBN FRANCHISE, GUMULONG SA SENADO

UMARANGKADA na sa Senado ang itinuturing na “anticipatory hearing” sa prangkisa ng ABS-CBN Corporation habang hinihintay ang pinal na bersiyon ng Mababang Kapulungan hinggil dito, ayon kay Senador Sherwin “Win” Gatchalian. Sa kanyang pahayag sa ginanap na pagdinig na dinaluhan ng ilang senador, kasalukuyan at dating opisyal ng gobyerno, kabilang si dating Senate President Juan Ponce Enrile, sinabi ni Gatchalian na hindi pa magkakaroon ng pinal na report hangga’t wala pang pinal na bersiyon na mangagaling sa Mababang Kapulungan. Layunin ng  ‘hybrid” hearing na talakayin ang Senate Bill No. 981…

Read More