HIHINGAN ng paliwanag ng Malakanyang ang Department of Informations and Communications Technology (DICT) kung bakit walang ginagamit na thermal scanner ang ilang COVID-19 checkpoints sa bansa. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry roque, maging siya ay personal din na napansin ang kakulangan ng scanner sa mga dinadaanan niyang checkpoints kapag nagtutungo sa palasyo ng Malakanyang para sa kanyang media briefing. Ayon kay Sec. Roque, madalas kapag naipakita niya na ang kanyang ID at rapid pass, agad na siyang pinalulusot sa mga checkpoint kahit hindi pa nai-scan ang kanyang body temperature. Dahil…
Read MoreMonth: May 2020
Quarantine walang silbi kung walang mass testing – solon IATF SURRENDER SA COVID-19?
ITINUTURING ng isang mambabatas na pagwagayway ng bandila na indikasyon ng pagsurender sa laban ng COVID-19 ang kawalan ng plano ng Inter-Agency Task Force (IATF) na magsagawa ng mass testing. Ginawa ni Agusan del Sur Rep. Lawrence Fortun ang pahayag matapos sabihin ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi magkakaroon ng mass testing upang malaman kung sino-sino ang tinamaan ng COVID-19 at ma-isolate ang mga ito upang hindi na makapanghawa. Umaasa ang mambabatas na magbabago pa ang isip ng IATF at ituloy ang mass testing at huwag aniya nitong ipasa…
Read More9 RIZAL TOWNS INAYUDAHAN NI CONG. NOGRALES
PATULOY sa pag-iikot sa mga lugar na sakop ng kanyang distrito sa lalawigan ng Rizal si Congressman Fidel Nograles upang mahatiran ng ayuda ang mga higit na nangangailangan. Sa kabila ng banta ng COVID-19 ay hindi huminto si Rizal 2nd District Rep. Nograles sa pagtupad sa kanyang tungkulin at personal na pinupuntahan ang mga bayan sa kanyang nasasakupan bitbit ang ipamamahaging relief packs at cash. Sa cellphone interview ng SAKSI Ngayon kay Nograles, isang Harvard-trained lawyer, sinabi niya na mas kailangan ngayon ng suporta ng kanyang mga kababayan dahil marami…
Read MoreP8.6-B AYUDA SA AIRLINE FIRMS, TABLADO SA SENADO
TINIYAK ni Senadora Grace Poe na hindi magaganap ang kahilingan ng kumpanya ng mga eroplano na bigyan sila ng P8.6 bilyong ayuda kada buwan na manggagaling sa pamahalaan dahil sa negatibong epekto ng coronavirus – disease 2019 (COVID-19) sa aviation industry. Ang paninindigan ni Poe ay sagot sa ‘opisyal’ na kahilingan ng Air Carriers Association of the Philippines (ACAP) na ipinarating sa Senate Committee on Public Services. Idinahilan ng ACAP sa komiteng pinamumunuan ni Poe na malaki ang epekto sa kanilang hanay ng pagpapatigil ng operasyo ng mga eroplano simula…
Read More160 PSG MEN, NAGPOSITIBO SA COVID TEST
NANANATILING protektado si Pangulong Rodrigo Roa Duterte mula sa banta ng COVID-19 kahit pa nagpositibo ang 160 sa mga tauhan ng Presidential Security Group na nagbibigay-seguridad sa kanya. Tiniyak ni PSG Commander Col. Jesus P. Durante III PA, na bagamat may PSG personnel na nagpositibo sa COVID-19 ay siniguro nitong matagal nang gumaling ang isang nagpositibo sa sakit. “No detailed close-in security personnel of PRRD tests positive for COVID-19,” ani Durante. Wala rin aniyang exposure si Pangulong Duterte sa PSG member lalo pa’t hindi naman ito detailed bilang close-in security.…
Read MorePA ng ABS-CBN iniatras KAMARA ‘NABAHAG ANG BUNTOT’
MISTULANG bumigay sa matinding pressure ang liderato ng mababang kapulungan ng Kongreso nang iatras nito ang panukalang batas na magbibigay ng provisional authority (PA) sa ABS-CBN habang dinidinig ang kanilang aplikasyon para sa panibagong 25-taong prangkisa. Inanunsyo ni House Speaker Alan Peter Cayetano sa kanyang privilege speech nitong Martes ang pag-atras sa panukala matapos umanong lumala ang pagkakahati-hati sa isyu ng prangkisa ng ABS-CBN. “Because of all this divisiveness and after consulting with members of the House…. I, together with the House of Represenatives leadership decided to forego with the…
Read More“PRO-BUSINESS ORDER’ NG DOLE, PINABABAWI KAY BELLO
NANAWAGAN ang pinakamalaking organisasyon ng mga unyon at pederasyon ng mga manggagawang Filipino kay Labor Secretar Silvestre Bello III na bawiin ang Department of Labor and Employment (DOLE) Advisory No. 17 dahil sa labis-labis na panggigipit at paglublob sa mga manggagawa sa kahirapan. Ang DOLE Advisory 17 ay inilabas ni Bello nitong Mayo 18 na nagsasabing maaaring mag-usap at magkasundo ang mga negosyante at manggagawa na bawasan ang kanilang suweldo at kaugnay na mga benepisyo sa loob ng anim na buwan upang makabawi ang mga kapitalista sa pagkalugi nang ipag-utos…
Read MoreMAG-ASAWA SINISINDIKATO ANG COVID-19
IMBES tumulong upang masugpo na ang COVID-19, mistulang pinagkakakitaan umano ng isang mag-asawang Filipino ang pandemya kaya nahihirapan ang gobyerno na kumuha ng testing kits at makinang gagamitin para sa mass testing. Ito ang isiniwalat ni Iloilo Rep. Janette Garin sa kanyang privilege speech ngayong gabi sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ukol sa mga dahilan kung bakit ang Pilipinas ang may pinakamahal na ginagastos sa testing kits sa buong mundo. “May iilang walang konsensya na hinaharang ang access natin sa mga testing equipment at testing kits sa bansa natin. Allegedly,…
Read MoreKASO NG COVID-19 SA PINAS, HALOS 13K NA
MULING nadagdagan ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease-2019 ngayong araw. Halos umakyat na sa 13,000 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa, base sa ulat ng Department of Health (DOH). Ayon sa ulat, may 224 bagong nagpositibo sa sakit kaya mayroon na itong total na nasa 12,942. Sa naturang bulang, 174 ang mula sa National Capital Region; 33 mula sa iba’t ibang rehiyon; at pito sa Central Visayas. Nasa 2,843 naman ang kabuuang bilang ng mga gumaling na pasyente ng COVID-19, dahil sa 114 new recoveries. Samantalang…
Read More