GLOBE HINILING ANG SUPORTA NG LGUs SA PAGTATAYO NG CELL SITES

UMAPELA ng suporta ang Globe sa local government units (LGUs) kaugnay sa pagtatayo ng cell sites sa harap na rin ng pagtaas ng demand para sa internet services dahil sa ipinatutupad na ‘new normal’ dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic. Bago ang COVID-19, ang mga lokal na pamahalaan ang nagiging sanhi ng mabagal na rollout dulot ng masalimuot na proseso sa pagbibigay ng permit. Sa katunayan, maraming LGUs ang tumatangging papasukin ang anumang telecom construction dahil sa iba’t ibang kadahilanan. “The internet has become an essential part of our…

Read More

SENADO, PINATINDI ANG PARUSA SA ‘PERJURY’

IPINASA ng mataas na kapulungan ng Kongreso ang mas matinding parusa sa kasong “perjury” (pagsisinungaling sa mga sinumpaang pahayag o salaysay) upang mabawasan ang ganitong krimen, kundi man tuluyang mawala. Matapos aprubahan ng 20 senador sa ikatlo at pinal na pagbasa ang Senate Bill No. 1354 nitong Mayo 18, umaasa ang isponsor nito na si Senador Richard Gordon, chairman ng Senate Committee on Justice and Human Rights, na magiging ganap na batas ang panukala. Ani Gordon, pangunahing layunin ng SB 1354 ay hadlangan ang sinomang, lalo na mga opisyal ng…

Read More

PAGBALIK SA ECQ NG MGA NASA GCQ, POSIBLE

MALAKI ang posibilidad na muling isailalim sa enhanced community quarantine ang mga lugar na nasa ‘looser restrictions’ sa oras na lumala ang COVID-19. Kaugnay ito sa mga balita na binalewala ng publiko ang social distancing rules sa public places gaya ng malls nang magdagsaan ang mga ito matapos na ilipat ang Metro Manila, Laguna, at ilang lalawigan sa Central Luzon sa modified enhanced community quarantine, na pinapayagan ang muling pagbubukas ng ilang negosyo. Ang natitirang lugar sa bansa ay isinailalim naman sa ‘more relaxed general community quarantine.’ “Inaasahan namin po…

Read More

DILG, PCOO KINASTIGO SA PAGSINGIT NG CHA-CHA SA GITNA NG COVID PANDEMIC

BINATIKOS ng ilang senador ang pagbuhay ng pamahalaan sa pagbago ng Konstitusyon sa pamamagitan ng Charter Change (Cha-cha). Nagkakaisa sina Senate Minority Leader Franklin Drilon at Senador Nancy Binay sa pagbatikos sa Department of the Interior and Local Government (DILG) at Presidential Communications Operations Office (PCOO). Ayon kay Binay, wala sa tamang panahon ang pagbuhay sa isyu ng pederalismo ngayong nahaharap ang bansa sa pandemic dulot ng COVID-19. “Sayang po ‘yung milyun-milyong budget ng DILG at PCOO na ginagasta sa federalism roadshows na sana po ay sagot sa kumakalam na…

Read More

MALILIIT NA PRIVATE SCHOOLS KAILANGAN DIN NG AYUDA – SOLON

HIHILINGIN ng isang mambabatas mula sa mababang kapulungan ng Kongreso na i-extend pa ng Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Finance (DOF) at Department of Education (DepEd) ang kanilang financial aid para matugunan ang pangangailangan ng mga teacher at staff ng maliliit na pribadong eskuwelahan. Ayon kay Bagong Henerasyon Party-list Representative Bernadette “BH” Herrera, umaabot sa 500K ang small private school teachers sa bansa, ayon na rin sa nakuhang datos mula sa asosasyon ng mga guro sa pribadong eskuwelahan at nangangailangan din ang mga ito ng tulong mula…

Read More

KALIDAD NG EDUKASYON SA PINAS, BABAGSAK PA

PINANGANGAMBAHAN na lalong babagsak ang kalidad ng edukasyon sa bansa matapos tamaan nang husto ang pondo ng Department of Education (DepEd) sa ginawang pagbabawas ng gobyerno sa budget ng mga departamento para ilipat sa kampanya laban sa COVID-19. Ayon kay ACT party-list Rep. France Castro, malaking epekto sa pagsisikap ng DepEd na maiangat pa ang kalidad ng edukasyon sa bansa ang P21.9 Billion na ibinawas sa kanilang pondo ngayong taon. Bukod sa DepEd ay binawasan din ng P13.9 Billion ang pondo ng Commission on Higher Education (CHED) habang tinapyasan naman…

Read More

COVID-19 UPDATE SA PINAS: 12,718

PATULOY sa pag-angat ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa bansa matapos makapagtala ng 205 bagong kaso, base sa pinakahuling report ng Department of Health (DOH) hanggang alas-4 ng hapon ngayong May 18, 2020. Sa nasabing bilang, 145 ang naitala sa National Capital Region (NCR), sa Region 7 ay walo (8) at 52 mula sa iba’t ibang rehiyon. Kasabay nito, inanunsyo ng DOH ang bagong 94 recoveries kaya ang kabuuang bilang nito ngayon ay 2,729. May naitala namang pitong nasawi kaya umakyat sa 831 ang kabuuang bilang nito. Samantala,…

Read More

10% sa advertisements dapat ilibre sa gobyerno WALANG PAKINABANG SA ABS-CBN

MATAGAL nang walang pakinabang ang mga Filipino sa libreng airwaves na ginagamit ng ABS-CBN kaya panahon na para ilaan ng mga ito sa gobyerno ang 10% sa kanilang advertisements spot upang hindi na mapagastos ang taumbayan sa paghahatid ng impormasyon sa publiko. Ito ang iginiit ni House Speaker Alan Peter Cayetano kaugnay ng probisyong inilagay ng mga ito sa House Bill (HB) 6732 o Provisional Authority (PA) ng ABS-CBN hanggang Oktubre 31, 2020, na ilaan ang 10% sa kanilang advertisement sa gobyerno. Sa interpelasyon ni Cagayan de Oro City Rep.…

Read More

OBRERONG WALANG MASAKYAN HUWAG PILITING PUMASOK

HINDI dapat sisihin ang mga manggagawa kung tatanggi ang mga ito na mag-report na sa trabaho dahil ang kanilang mga employer ay hindi nag-provide ng transport services. Sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque, ang mga kumpanya ay kailangan na mag-provide ng shuttle services o near-site accommodations para sa kanyang mga empleyado dahil na rin sa nananatiling suspendido ang public transport sa Metro Manila at iba pang lugar na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ). “Kung wala po talaga silang masasakyan, I don’t think that can be taken against…

Read More