DSWD, LTFRB, GCASH SANIB-PUWERSA SA PAMAMAHAGI NG AYUDA SA TNVS, PUV DRIVERS SA METRO

NAKIPAGSANIB-PUWERSA ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ang Department of Transportation (DoTr)-Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa G-Xchange, Inc. (GCash), isa sa nangungunang mobile wallet platforms sa Filipinas, para sa pamamahagi ng emergency subsidy sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) sa mga pamilya ng mga driver ng transport network vehicle services (TNVS) at public utility vehicles (PUVs) sa Metro Manila. Layunin ng partnership na mapabilis at masigurong ligtas ang distribusyon ng cash aid dahil ang payout scheme ay nagsusulong ng cashless at contactless transactions…

Read More

WATER LEVEL SA ANGAT DAM, TUMAAS NG 3 METRO

angatdam12

TUMAAS ng tatlong metro ang tubig sa Angat Dam dulot ng ulan ng Bagyong Ambo. Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nasa 190.19 meters na ang water level sa Angat Dam na matatagpuan sa Norzagaray, Bulacan. Mula noong ikalawang linggo ng buwan ng Enero ay tuloy-tuloy ang pagbaba ng tubig sa Angat Dam dahil sa kawalan ng ulan at nitong buwan ng Abril ay lalo itong bumaba dahil sa naranasang sobrang init at mataas na demand ng tubig ngayong summer. Noong nakaraang Biyernes ay nasa 187…

Read More

PDU30 UMUWI NG DAVAO

MATAPOS ang mahigit dalawang buwan na pananatili sa Bahay Pagbabago sa Malakanyang ay umuwi sa kanyang bahay sa Davao City si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para makasama ang pamilya. “He is [in Davao City],” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque sa text message. Sinasabing 11:04 kagabi, araw ng Biyernes, nang marinig ang Presidential chopper na umalis ng Malakanyang. Sa kabilang dako, kinumpirma naman ni Presidential Security Group commander Colonel Jesus Durante III ang pag-uwi ni Pangulong Duterte sa Davao. “He is in Davao after more than two months of not…

Read More

MECQ UMIIRAL NA SA METRO MANILA, 6 PANG LUGAR

SIMULA na ngayon ang pagsasailalim sa Metro Manila, Laguna at lima pang lalawigan sa bansa sa ilalim ng relaxed confinement measures o modified enhanced community quarantine. Layunin nito na pigilan ang paglaganap ng nakamamatay na coronavirus disease 2019 (COVID-19). Base sa Resolution No. 37 na ipinalabas ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, ang mga lugar na nasa ilalim ng MECQ epektibo ngayong araw, May 16 na tatagal hanggang May 31 ay National Capital Region at ang munisipalidad ng Pateros; Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga kabilang…

Read More

MGA KUMPANYA INOOBLIGANG MAGKAROON NG SHUTTLE SERVICE NGAYONG MECQ

SINABIHAN ng Malakanyang ang lahat ng mga kompanya na pinahihintulutan nang magbukas sa ilalim ng modified ECQ na kung hindi sila makapagpo-provide ng shuttle service sa kanilang mga empleyado ay huwag na muna silang magbalik  operasyon. Ang pahayag na ito ni Presidential spokesperson Harry Roque ay matapos lumutang ang mga katanungan na kung paano umano  makapapasok sa trabaho ang mga empleyado na nasa MECQ area kung wala namang pampasaherong sasakyan na pinapayagang  pumasada. Ani Sec. Roque, mas mabuting huwag na munang magbukas ang mga kumpanyang hindi magbibigay ng service para…

Read More

HIRAP SA PAGSAKAY LALONG TITINDI

DPA

HINDI ko maimagine kung ano ang pagdaraanang hirap ng commuters kapag pinayagan na silang bumalik sa kanilang trabaho sa gitna ng COVID-19 pandemic dahil lilimitahan ang pasahero sa lahat ng pampublikong sasakyan. Bago nagkaroon ng pandemic, hirap na hirap na ang mga commuter sa pagsakay papasok sa trabaho at maging sa kanilang pag-uwi sa kanilang bahay dahil sa kakakulangan ng maayos na transport system sa ating bansa lalo na sa Metro Manila. Kapag lumalabas  ka ng madaling araw, makikita mo ang napakaraming kababayan natin na nag-aabang na nang masasakyan para…

Read More

SINAS, ‘DI NA MAGIGING PNP CHIEF

Badilla Ngayon

SIMULA nang hindi kinilala ng mga naging pangulo ng bansa ang aspeto ng ‘seniority’ sa pagpili ng hepe ng Philippine National Police (PNP), maging ang direktor ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ay naging ‘regular’ na “kandidato” sa pagiging pinuno ng pambansang pulisya. Ang tawag sa NCRPO director ay “dark horse” sa mga pinagpipiliang hepe ng PNP. Ngayong termino ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang NCRPO director noon na si General Oscar Albayalde (major general siya sa panahong ito) ang pumalit kay General Ronald dela Rosa sa puwesto. Napili ni Duterte…

Read More

11K GRADUATES SA LAS PINAS, TATANGGAP NG CASH AID

MAKATATANGGAP ng cash assistance ang 11,000 na graduate students mula sa mga pampublikong paaralan sa Las Pinas City. Ito ay matapos na magdonate ngayong araw, May 15, 2020, ng halagang P11-million si dating Las Piñas City Mayor Vergel “Nene” Aguilar para sa pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga nakapagtapos ng kanilang pag-aaral ngayong School Year 2019-2020. “Walang pinakamagandang regalo sa ating kabataan kundi edukasyon. Gusto ko lang makatulong sa mamamayan ng Las Pinas,” pahayag ni dating Mayor Nene Aguilar. Ayon sa Las Piñas City Government, kabilang sa mapagkakalooban ng cash…

Read More

TAHO, BALUT BALIK-KALSADA NA

MAAARI na ulit magbenta ang mga street vendor ng taho at balut sa ilalim ng modified quarantine measures sa kondisyon na kailangan nilang sundin ang social distancing. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na makakakain na ulit ang mga suki ng taho at balut sa mga lugar na ibababa na sa modified community quarantine. Sinabi ito ni Sec. Roque isang araw bago magpalit ang quarantine measures sa iba’t ibang lugar sa bansa na naglalayon din na payagan ang ibang industriya na mag-resume ng operasyon kahit na nabawasan ang workforce at…

Read More