HINILING ng isang mambabatas sa Kamara sa Task Force POGO (Philippine Offshore Gaming Operator) na paigtingin ang paghalughog sa mga Non-registered Gaming Operation (NOGOs). Ginawa ni House games and amusement vice chairman Eric Yap ang nasabing panawagan matapos ang sunod-sunod na operasyon laban sa mga illegal POGO na nag-ooperate kahit sa panahon ng enhanced community quarantine (ECQ). “Sigurado marami pang Non-registered POGO ang nag-ooperate dyan. Kailangang haluglugin ang lahat ng sulok para mahuli sila,” ayon pa sa mambabatas. Huling operasyon ng mga otoridad sa mga NOGO noong Huwebes sa Las…
Read MoreMonth: May 2020
SENADO TATALUPAN ANG PAMAMAHAGI NG SAP
SINIGURO ni Senador Panfilo Lacson na magsasagawa ng imbestigasyon ang Senado kaugnay ng mga reklamo hinggil sa pamamahagi ng Social Amelioration Program. Sinabi ni Lacson na maging siya ay nakatanggap ng mga reklamo mula sa mga benepisyaryo ng SAP na sinasabing kinotongan ng ilang barangay officials sa kanilang lugar at ang iba naman ay hindi napagkalooban ng financial assistance kahit benepisyaryo ito. “Sa Senate hearing sa May 19, kailangang linawin ang pagbibigay ng ayuda. Kasi maraming reklamo sa ground. ‘Yun nga, may di nakakarating. Ang iba hinahati. Sa Cavite lang…
Read MoreLOPEZ, BINATIKOS SA ‘STUPID THREAT’ SA MANGGAGAWA
HINDI pinalampas ng NAGKAISA Labor Coalition na banatan ang pahayag ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez laban sa mga manggagawa kung saan isinalarawang “stupid” ang pananakot ng kalihim sa mga obrerong hindi makababalik sa kani-kanilang pinapasukang kumpanya simula nang ilagay ang National Capital Region (NCR) at iba pang rehiyon sa Luzon sa modified enhanced community quarantine (MECQ) nitong Mayo 16. “It seems … DTI Chief [Ramon Lopez] is in an ethereal world. How can workers report to work when there yet no available means of transportation to bring him…
Read More9 SUGATAN SA SUNOG SA PASAY
SUGATAN ang siyam katao sa sunog na tumupok sa magkakadikit na bahay na tinitirhan ng mahigit 60 pamilya kaninang tanghali sa Pasay City. Isa sa mga nasugatan ay kinilalang si Samuel Caducoy. Sa inisyal na ulat ng Pasay BFP, nagsimula ang sunog dakong alas-12:40 ng tanghali sa isang bahay sa M. dela Cruz St., Barangay 130, Pasay City. Ganap na nakontrol ang apoy pasado alas-5 ngayong hapon. Inaalam pa ng mga awtoridad ang pinagmulan ng sunog. DAVE MEDINA 267
Read MoreKukomprontahin sa mga ‘krimeng’ nagawa sa Konstitusyon, BIR at Labor laws ABS-CBN, ‘DADAAN SA BUTAS NG KARAYOM’
SA esensiya, ‘dadaan sa butas ng karayom’ bago ibigay ng Kongreso ang bagong 25-taong prangkisa ng ABS-CBN Broadcasting Corporation na siyang orihinal na hinihingi ng mga may-ari at pamunuan nito. Walang ibang nagdiin ng puntong ito kundi mismong pinuno ng Kamara de Representantes na si Speaker Alan Peter Cayetano. Ani Cayetano, “Both the House of Representatives and the Senate will hear the issues being raised for and against the renewal and assess, with complete impartiality and fairness, whether or not the network shall be granted a franchise for another 25…
Read MoreMAHIHIRAP SA MECQ, TATANGGAP NG 2ND TRANCHE SAP SUBSIDY – SEC. ROQUE
MAKATATANGGAP ng second tranche ng cash assistance mula sa Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan ang mga pamilyang nasa kategoryang mahirap sa mga lugar na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ). “Kasama sa second tranche ang MECQ,” ayon kay presidential spokesperson Harry Roque sa Laging Handa press briefing. Nauna rito, sinabi ng Malakanyang na ang second wave ng emergency subsidy ay limitado lamang sa kuwalipikadong benepisaryo sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ). “Lilinawin ko po sa second tranche, inaantay ang memo galing sa…
Read More6 POLICE GENERAL, 12 IBA PA KINASUHAN SA SINAS PARTY
PINABORAN ng dating Philippine National Police (PNP) chief ang pagsasampa ng kaso laban kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief MGen. Debold Sinas at kanyang mga bisitang opisyal. Sa panayam ng media, hindi maaaring isa-isantabi ang mga nagawa ni Sinas sa Metro Manila bilang pinuno ng PNP-NCRPO sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine para labanan ang pagkalat ng coronavirus disease, gayunman, nararapat pa ring igawad dito ang kaparusahan base sa imbestigasyon ng mga kinauukulan sa Department of the Interior and Local Government at PNP kaugnay ng idinaos niyang birthday…
Read MoreECQ PROTOCOL PINAGTAWANAN SA B-DAY PARTY?
TRENDING ngayon at pinuputakte ng netizens ang YouTube video ng birthday party ni Sto. Tomas, Pangasinan Mayor Timoteo “Dick” Villar III noong May 6, 2020. Na-PUNA ng netizens na hindi nasunod ang physical distancing sa pagtitipon sa bandang madaling araw ng nasabing petsa. Kitang-kita sa YouTube na kinamayan ni Mayor Villar, noon ay walang suot na face mask, ang kanyang mga panauhin. Malinaw na hindi nasunod ang physical distancing dahil sa kanyang pagkamay sa mga bisita na wala ring espasyo sa kanilang mga pagitan. Ayon sa nakuhang impormasyon ng PUNA,…
Read MoreATTY. FELONGCO, PINUNO NG NAPC LIDER PA NG KnM?
NAKARATING sa inyong lingkod na dalawang sectoral representatives ang nakabasa ng Badilla Ngayon na ang paksang ay ang National Anti-Poverty Commission (NAPC). Siyempre, hindi gusto ng sectoral representatives na mabuwag ang NAPC dahil kahit paano ay mayroon itong pakinabang sa kanila. Iyong isang nakabasa ng Badilla Ngayon, nagulat dahil naibunyag sa kolumn ang paghahanda nina Atty. Noel Felongco (NAPC secretary/lead convenor) at Elias Labro, Jr. (head executive assistant at chief of staff ni Felongco) ang pagtakbo sa eleksyon ng sistemang party-list sa 2022 gamit ngayon ang NAPC at ang Koalisyon…
Read More