KUNG mayroon mang dapat unahin ang Kongreso ay ang mga panukalang batas na makatutulong sa sambayanang Filipino lalo na ngayong panahon ng pandemya at hindi ang prangkisa ng ABS-CBN. Ito ang tila mensahe ng ilang kongresista matapos i-pressure umano ng ilang mambabatas at ilang sektor ng lipunan ang Kongreso na aprubahan na ang prangkisa ng naturang TV network. Ayon kay House Deputy Speaker Dan Fernandez ng Laguna, ang taumbayan muna na masyadong apektado sa COVID-19 pandemic ang dapat bigyan ng atensyon ng Kongreso bago ang iba. “Congress will not abandon…
Read MoreMonth: May 2020
MGA INDUSTRIYANG PAPAYAGAN SA ECQ, MECQ AT GCQ, INILABAS NG MALAKANYANG
INISA-isa ng Malakanyang ang mga industriya na papayagan na sa mga lugar na nasa ilalim ng ECQ, Modified ECQ at GCQ. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, sa lahat naman aniya ay pinapayagan ang tinatawag na Category I. Ito, ani Sec. Roque ay ang agriculture; forestry and fisheries; manufacturing of essential goods gaya ng pagkain at beverages, hygiene, medicine and vitamins, medical products, pet food, feeds and fertilizers; hospitals, clinics, mga dermatological, dental, optometric and eye, ear, nose and throat; iyong essential retail, groceries, markets and drugstores. Kasama rin ang…
Read MoreKALAYAAN NG INARESTONG GURO, IGINIIT NG ACT TEACHERS
HINILING kahapon ng party-list group na ACT Teachers na pakawalan ang inarestong guro dahil nagpapakita lamang umano ito ng kanyang pagkadismaya sa gobyerno. Katwiran ng party-list group, pagpapakita ng double standard ang pag-aresto ng mga pulis sa gurong nag-post sa social media na bibigyan niya ng P50 milyon ang makapapatay kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ang guro ay si Ronnel Mas, 25-anyos. Ayon kay ACT Teachers party-list Rep France Castro, mismo ngang si Pangulong Duterte ay nag-uutos sa militar ng shoot to kill laban sa mga aktibista at kritiko nito. “We…
Read MoreDRUG TRADE SA LAGUNA, MASIGLA NA NAMAN SA KABILA NG ECQ?
BUMABALIK na ang talamak na bentahan ng iligal na droga sa Laguna sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine sa lalawigan. Nitong araw ng Martes, isa ang napatay samantalang 14 ang naaresto ng mga awtoridad sa magkakasunod na anti-illegal drug operation sa iba’t ibang lungsod at bayan sa Laguna. Batay sa report ng Laguna PNP, nanlaban at napatay ang susspek na si Joel Licup sa buy-bust operation sa Barangay Balibago, Sta. Rosa City, mag-aalas-3:00 ng Martes ng hapon. Si Licup ang pangpito sa mga nasawing drug personality sa mga police operation…
Read MoreCOMPUTERS SA MGA JAIL DARAGDAGAN NI REP. NOGRALES
NANGAKO si Rizal 2nd District Congressman Fidel Nograles na daragdagan ang mga computer sa mga kulungan dahil idinadaan na sa video conference ang pagdinig ng mga korte sa kaso sa mga People Deprived with Liberty (PDLs). “Pipilitin po natin na madagdagan pa ang mga computer sa mga kulungan natin sa buong bansa para na rin magkaroon ng access ang mga PDL natin sa tulong legal,” pahayag ni Nograles. Ginawa ng mambabatas ang nasabing pahayag matapos umabot sa 4,683 PDLs ang napalaya sa loob lang ng isang linggo o mula Abril…
Read MoreKAPAMILYA NETWORK, BAKIT NAGKAGANOON?
NAKAPANGHIHINAYANG na ang isang hinahangaan mong media outfit na akala mo ay totoong nagseserbisyo sa bayan na tapat at sumusunod sa itinatadhana ng ating Saligang Batas ay mayroon palang itinatagong lihim na paglabag dahil sa pagiging isang dayuhan nito. At kahit mga politiko na matagal nang nagtatago dahil sa takot na mahawaan ng coronavirus disease 2019 ay naglutangan at umepal pa bukod pa sa mayroong nagsasabi na kakausapin si Pangulong Rodrigo Duterte upang mabawi ang inisyung cease and desists order (CDO) ng National Telecommunication Commissions (NTC) laban sa ABS-CBN. Bakit…
Read MoreRETIRADONG OFW, NALIMUTAN NA NGA BA NG GOBYERNO?
BAGONG bayani kung ituring ang mga OFW sa panahon na sila ay nasa ibang bansa at kumikita pa, pero mistulang basahan na lamang kung ituring kapag retirado na. Ito ang himutok ng mga retirado o ex-OFW matapos na sila ay tila nilalagpas-lagpasan na lamang ng mga ahensya ng gobyerno na nagbibigay ng ayuda. Kabilang na rito ang Department of Social Welfare and Development na kung saan hindi sila napasama sa sektor na dapat na mapagkalooban ng Social Amelioration Program (SAP). Ayon sa sumbong ng mga retiradong OFW, noong namigay ng…
Read More‘Tinulugan’ ang prangkisa ng ABS-CBN tulad ng ginawa ni Belmonte CAYETANO TAKOT SA KUDETA – PM
Ni: NELSON S. BADILLA MISTULANG kinopya ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang ginawang ‘pagtulog’ ni dating Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte Jr. sa prangkisa ng ABS-CBN Corporation mula 2014 hanggang 2016. Hanggang ngayong Mayo 2020 ay hindi gumawa ng mapagpasyang hakbang si Cayetano upang aksiyunan ng komite ng Kamara de Representantes para sa Legislative Franchises na pinamumunuan ni Rep. Franz Alvarez kahit ilang ulit na binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa media na hindi siya “makikialam” sa desisyon at aksiyon ng mga kongresista ukol sa pagpapalawig ng 25-taong prangkisa ng…
Read MoreRADIO STATIONS PINABIBIGYAN NG PROVISIONAL LICENSE
NAGHAIN si Senador Manuel “Lito” Lapid ng panukalang batas na naghahangad na magbigay ng pansamantalang mga lisensya sa mga istasyon ng radyo na may nakabinbing aplikasyon ng pag-renew ng prangkisa sa Kongreso. Sa Senate Bill 1522, nais nitong amyendahan ang Section 1 ng Republic Act No. 3846 na nagsasaad na dapat na magkaroon ng regulasyon sa mga radio station sa bansa. “A legislative franchise for a radio station of any person, firm, company, association or corporation shall be deemed provisionally renewed upon the valid filing in Congress of a bill…
Read More