INIHAIN ni Senador Cynthia Villar ang isang panukalang resolusyon upang imbestigahan ang pagkalbo ng kagubatan at watershed sanhi ng illegal logging, walang patumanggang quarrying na nagdulot ng malawakang pagbaha sa nakaraang Bagyong Ulysses. Sa Proposed Senate Resolution No. 581, sinabi ni Villar na maraming batas sa proteksiyon at pamamahala ng kagubatan at watershed ang hindi naipatutupad o nilalabag ng marami sanhi ng illegal logging, quarrying kabilang ang slash and burn agriculture. “Science has taught us that forest and the watersheds should be kept health and protected and that deforestation should…
Read MoreMonth: November 2020
RELEASE NG HAZARD PAY NG MEDICAL WORKERS, PINABIBILISAN NG MALAKANYANG
HINIKAYAT ng Malakanyang ang Department of Health (DoH) na i-fasttrack o bilisan ang pagpapalabas ng hazard pay para sa medical workers na nasa frontline ng laban sa COVID-19. Kaagad namang masususpinde ang mga health official na mabibigong gawin ito. Tinatayang 30,000 health care workers ang hindi pa nakatatanggap ng ilang buwan nilang sahod, hazard pay at special risk allowance ayon kay Maristela Abenojar, national president ng Filipino Nurses United. Napaulat na kamakailan ay sinuspinde ng Office of the Ombudsman ang ilang opisyal dahil sa “late release” ng benepisyo ng health…
Read MorePubliko ‘wag atat sa Pasko – Manila LGU PARTIES, SHOPPING DELIKADO SA COVID
“HUWAG kayong excited sa Pasko dahil sigurado ako, ang Pasko darating. ‘Di lang ako sigurado kung makikita mo pa ang Pasko. ‘Wag atat… ‘Wag n’yo bibiruin si COVID dahil ‘di siya nagbibiro. Totodasin kayo n’yan at lahat ng pagsisisi nasa huli.” Ito ang seryosong babala ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, kasabay ng pagpapahayag ng kalungkutan sa dami ng mga Manileño na nagiging pabaya dahil sa ginagawang pag-iinuman sa loob at labas ng kanilang mga bahay, pagsasagawa ng kabi-kabilang party na akala mo ay wala na ang COVID-19. “Marami pang Pasko,…
Read More2 NEW COVID POSITIVE SA NAVOTAS, NAMATAY
DALAWA sa tatlong nagpositibo sa COVID-19 nitong Nobyembre 23 sa Navotas City ang namatay, habang isa naman ang naitalang nakarekober. Umabot na sa 5,252 ang tinamaan ng COVID sa lungsod. Sa bilang na ito, 5,038 ang gumaling, 157 ang namatay at 57 ang active cases. Samantala, ayon naman sa Malabon City Health Department, 10 ang nadagdag na confirmed cases nitong Nobyembre 23 at 5,742 na ang positive cases, 28 dito ang active cases. Ang mga bagong kaso ay naitala sa Barangay Baritan (2), Catmon (1), Concepcion (1), Longos (2), Niugan…
Read MoreANTI-ILLEGAL LOGGING UNITS NG LGUs AT PNP, PALPAK – DILG
INAMIN ni Interior Secretary Eduardo Año na hindi aktibo ang anti-illegal logging units ng local government units (LGUs) at ng Philippine National Police (PNP). Ang nasabing task force (TF) laban sa pagtotroso ay nakasaad sa Executive Order No. 23 na inilabas noong 2011. Ani Año, ang ilegal na pagtotroso ang isa sa mga dahilan ng malawakang pagbaha sa ilang rehiyon sa Luzon na tinamaan ng magkakasunod na bagyo. Maraming barangay sa mga lugar na hinagupit ng mga bagyo tulad sa Bikol, Cagayan, Rizal at Lungsod ng Marikina, ang lumubog sa…
Read MorePNP-AKG PERSONNEL SUMALANG SA DRUG TEST
NAGSAGAWA ang Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group ng simultaneous drug test sa lahat ng personnel nito upang matiyak na drug free ang grupo. Isinagawa ang unang simultaneous drug test sa lahat ng AKG personnel sa Luzon, Visayas and Mindanao Field Units sa PNP-AKG Headquarters Lobby dakong alas-9:20 ng umaga noong Nobyembre 23. Layunin ng nasabing simultaneous drug test, na inisyatibo ni PNP-AKG Director BGen. Jonnel C. Esmoto, na maalis sa grupo ang PNP personnel na sangkot o gumagamit ng illegal drugs. Ang simultaneous drug test ay bilang pagsunod sa…
Read MorePERALTA COURT NG SC LEONEN COURT NA BA?
PRO HAC VICE Ni BERT MOZO KUNG TOTOO NGA NA NA-OVER POWER NI SUPREME COURT ASSOCIATE JUSTICE MARIO VICTOR LEONEN ANG LAHAT NG MGA JUSTICE’s NG KORTE SUPREMA KASAMA SI CHIEF JUSTICE DIOSDADO PERALTA ABA’Y TAMA BANG TAWAGIN NA ANG PERALTA COURT AY LEONEN COURT NA!? Ganito po kasi yon, nakukuwestyon kasi ngayon yung ipinalabas ng Public Information Office (PIO) ng Supreme Court (SC) na media briefer na nagsasaad na ‘deny unanimously’ ng Presidential Electoral Tribunal (PET) yung motion for inhibition ni dating Senador Ferdinand R. Marcos Jr. at ng Office…
Read MoreDOFW GUGULONG NA SA SENADO DAHIL KAY SEN. BINAY
AKO OFW Ni DR CHIE LEAGUGE UMANDAP MULING nabuhayan ng pag-asa ang mga pinuno ng iba’t-ibang samahan ng mga OFW at mga datihang OFW matapos na magpalabas ng Notice of Joint Hearing ang Committee on Labor, Employment and Human Resources Development na pamumunuan ni Senador Nancy Binay , Committee on Foreign Relations na pinamumunuan ni Senador Aquilino ‘Koko’ Pimentel III at Senate Committee on Finance ni Senador Edgardo ‘Sonny’ Angara. Ang nasabing joint meeting ay gaganapin sa Disyembre 7, 2020 sa ganap na ika-10:30 ng umaga sa AB Padilla Room…
Read MorePAPEL NG PITC SA PAGBILI NG COVID VACCINE TINUTULAN
AYAW pumayag ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto na ibigay sa Philippine International Trading Corporation (PITC) ang karapatan bumili ng bakuna laban sa corona virus 2019 (COVID-19) na pawang prepaid items sa international market. Sa pahayag, sinabi ni Recto na tama ang kautusan ni Pangulong Duterte na kailangan magbayad muna ang pamahalaan upang makabili ng bakuna. Aniya, hindi COD goods ang bakuna na puwedeng umorder sa online shop. “Hindi ito postpaid items kundi prepaid.” Higit pa rito, tila may karera aniya sa mga nasyon na nag-uunahan makabili at naipangako na…
Read More