‘BIG FISH’ SA BIR UNTOUCHABLES?

MISTULANG untouchables ang mga tinaguriang ‘big fish’ o malalaking personalidad na sangkot sa katiwalian sa Bureau of Internal Revenue (BIR). Ito ay matapos na hindi sila makasama sa 800 pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na tinanggal o sinuspinde sa iba’t ibang ahensya dahil sa pagkakasangkot sa korapsyon. Sa BIR na ibinalandra ni Duterte sa kanyang media briefing nitong Lunes, ay ‘baryang-barya’ ang mga tinanggal niya. Ito’y dahil walang mataas na opisyal ng BIR o kahit regional director ang posisyon na binanggit ang pangulo. Ang ginawa ni Duterte ay bahagi ng…

Read More

Sangkot na solons tutukuyin ng PACC BILYONG DPWH INFRA FUNDS IIMBESTIGAHAN

TINIYAK ng Presidential Anti Crime Commission (PACC) na magpapatuloy ang kanilang imbestigasyon sa maaanomalyang transactions sa paggamit ng pondo, kasama na ang pakikipagsabwatan umano sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ng mga kongresista na kukuha ng kickback sa mga infrastructure project. Sinabi rin ng ahensya na kanila pa ring isusumite kay Pangulong Rodrigo Duterte ang resulta ng kanilang imbestigasyon kahit pa sinabi nito sa nakaraang Ulat sa Bayan na wala itong planong magbulgar ng pangalan ng mga sinasabing korap na mambabatas dahil wala sa hurisdiksyon niya ang pag-iimbestiga…

Read More

EX- MAYOR BINARIL NANG HARAPAN

SUGATAN ang dating mayor ng bayan ng Pagbilao, Quezon matapos barilin ng riding in tandem sa harap ng kanyang gusali sa Barangay Bukal sa nasabing bayan, Martes ng hapon. Isang tama sa mukha ang tinamo ng biktimang si ex-mayor Romeo Portes, 73-anyos, tatay ni incumbent Pagbilao Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic. Nakuhanan pa ng CCTV camera ng gusali ang pamamaril. Base sa video footages, tumigil ang motorsiklo sa harap ng gusali at bumaba ang backride at naglakad palapit sa nakaupong biktima. Nang halos isang metro na lamang ang layo, inilabas nito…

Read More

‘Big fish’ abswelto? BIR PURGE NI DIGONG BARYA-BARYA

(BERNARD TAGUINOD) HINDI na ikinagulat ng isang mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso na tanging maliliit ang tinarget ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil ‘hindi nito kaya ang mga big fish’. Sa panayam ng Saksi Ngayon, sinabi ni ACT party-list Rep. France Castro na tulad ng ibang kampanya ni Duterte ay mabibigo ito dahil tanging ang mga sanga ang tinatagpas nito at hindi ang mga puno. “Mula’t sapul gaya ng anti-drug campaign nya failure din ang anti-graft and corruption. Sa anti-drug EJK ang ginamit nya…

Read More

Kapag hindi napagkaisa ‘COUP’ NAMUMURO SA KAMARA

NAGBABALA ang isang political analyst na posibleng magkaroon ng coup d’etat sa mababang kapulungan ng Kongreso kung mabibigo ang liderato na pagkaisahin ito. Ayon kay Vic Endriga, kung hindi mapagkakaisa ni House Speaker Lord Allan Velasco ang Kamara ay maaaring mauwi ito sa “coup” kung saan isa sa nais iupo ng mga mambabatas ay si House Majority Leader at president ng Lakas-NUCD Martin Romualdez o si NUP President at Dasmarinas Rep. Elpidio Barzaga. May mga nagpapalutang din umano sa pangalan ni Sagip party-list Rep. Rodante Marcoleta na maaaring humalili sa…

Read More

Publiko hinimok makiisa KATIWALIAN ISUMBONG -PDUTERTE

HINIKAYAT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang publiko na i-report ang korapsyon sa mga ahensiya ng pamahalaan at magbigay ng makatutulong na impormasyon sa awtoridad. Sinabi ni Pangulong Duterte na ang mga tipster ay makatatanggap ng gantimpala mula sa pamahalaan. Sa public address ni Pangulong Duterte, Lunes ng gabi ay sinabi nito na ang petty graft ay “perpetuated almost everywhere” ng ilang corrupt employees sa gobyerno. “Iyong mga nasa window ng business permit, ‘yang mga clearances, papahirapan ang tao kaya ang sabi ko sa inyo, if you want to earn…

Read More

Akusasyon dalhin sa korte hindi sa social media HAMON SA MILITAR, MAKABAYAN BLOC KASUHAN

ITINANGGI ng mga militanteng mambabatas na may kinalaman o sangkot ang mga ito sa Communist Party of the Philippines (CPP) tulad ng akusasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Kasabay nito, hinamon nila ang militar na magsampa ng kaso kung may sapat na ebidensya sa kanilang akusasyon. Sa pagdinig ng Senate Committee on National Defense and Security, Peace, Unification and Reconciliation, nanindigan ang mga miyembro ng Makabayan bloc sa Kamara na nagkakamali ang militar sa red-tagging sa mga ito. “Tahasan kong sinasabi sa komiteng ito Mr. Chair na hindi…

Read More

4 KATAO NASUNOG SA NAGSALPUKANG TRUCK

NEGROS Occidental – Apat katao ang namatay nang magliyab ang dalawang truck makaraang magbanggaan sa bayan ng Valladolid sa lalawigang ito, nitong Martes ng madaling araw. Ayon sa Valladolid MPS, lulan ng wing van truck (MZK 1767) papunta sa north direction, ang magkapatid na biktimang sina Wendel at Carlo Larios, residente ng Mabinay City, Negros Oriental. Samantala, hindi pa natutukoy ang pagkakakilanlan ng mga biktima na sakay ng isa pang wing van truck (MHA 4613) na papunta sa Dumaguete City, Negros Oriental upang mag-deliver ng produkto. Ayon kay Police Capt.…

Read More

TOP 5 MOST WANTED KARNAPER TIKLO SA LAGUNA

LAGUNA – Arestado ang itinuturing na top 5 most wanted person dahil sa kasong carnapping, sa bisa ng warrant of arrest, sa Brgy. Prinza, Calamba City sa lalawigang ito, noong Lunes, Nobyembre 23. Sa pangunguna ni P/Lt. Col. Samson Belmonte, chief ng Regional Highway Patrol Unit 4-A, nadakip ang suspek na kinilalang si Darwin Nido Dejan, residente sa nabanggit na lugar. Ayon sa ulat, nagkasa ng manhunt operation ang team ni P/Capt. Charlie Reyes, kasama sina PEMS Ferdinand Tarun, PCMS Aldwin Blaza, PCMS Lian Manalo, PSSgt. Rodolfo Uy, at ang mga…

Read More