FORZA GLOBAL TINATAWAGAN NG PANSIN

SOBRANG pasasalamat ang ipinapaabot ng mga mamayan ng Barangay Geronimo, Rodriguez Rizal dahil sa mga relief goods, tools at mga pagkain na inihatid sa kanila sa pamamagitan ng AKO OFW, Community Anti-Crime Group (CACG) na pinamumunuan ni President Elmer Bernardo at ng South Elite AirCom. Umabot sa mahigit anim na daan (600) relief bags, lutong ulam at kanin at mahigit sa isang libong (1,000) tinapay ang natanggap na ayuda ng nasabing lugar. Ang nasabing pagbibigay ng ayuda ay dinaluhan ng mga volunteer members ng AKOOFW at CACG na tila walang…

Read More

Alamat ng Reddy Kilowatts

APAT na beses makaraang makakuha ng prangkisa sa PBA ang Meralco, nakalusot na naman ang Bolts sa semifinal round ng Philippine Cup bubble sa pag-asang makapasok muli sa finals ng kauna-unahang liga propesyonal sa bansa. Lahat nang naiulat ng PBA sa kanilang coverage ay alam na ng marami, na ang mga bata ni Coach Norman Black ay natalong finalist sa Barangay Ginebra nang tatlong beses sa Governors’ Cup. Lumalabas tuloy na ang Meralco ay bagito lamang o yung tinatawag sa Ingles na “Johnny Come Lately” sa big time Philippine basketball…

Read More

Nurses, di pinasahod natanggal pa sa trabaho DUQUE, KONTRA HEALTH WORKERS

KINASTIGO ni Senador Joel Villanueva ang Department of Health (DOH) makaraang ipakita nito ang pagiging ‘kaaway’ ng mga manggagawa sa sektor ng kalusugan. Ani Villanueva: “Napakababa po ng kanilang sweldo, hanggang 3-6 na buwan lamang ang kanilang kontrata at walang kasiguraduhan sa trabaho; wala rin silang sapat na benepisyo at proteksyon lalo na ngayong panahon ng pandemya [sa coronavirus disease 2019]. Hindi po makatarungan ito para sa ating mga healthcare worker na nagbubuwis ng kanilang buhay upang mangalaga sa mga may sakit, lalo na ang COVID -19 patients. Let’s give…

Read More

CRACKDOWN SA ILLEGAL LOGGING, MINING IKAKASA

IKAKASA ng pamahalaan ang crackdown laban sa mga operasyon ng illegal logging at mining sa mga binahang lugar sa pananalasa ng magkakasunod na bagyo. Ito ay matapos isisi sa pag-abuso sa kalikasan ang mala-delubyong dinanas ng maraming komunidad sa nakalipas na linggo dulot ng Bagyong Ulysses at ng mga sinundan nito. Sa isang public press briefing, sinabi ni DILG Usec. Jonathan Malaya na nagbigay na ng direktiba si Interior Secretary Eduardo Año sa PNP na gawing prayoridad ang crackdown sa mga lalawigang sinalanta ng mga pagbaha. “Si Secretary Año po…

Read More

P2.5-B PONDO SA COVID VACCINE DADAGDAGAN

PUMAYAG ang ilang senador na itaas ang P2.5 bilyong pondo sa pagbili, pag-iimbak at distribusyon ng bakuna laban sa corona virus 2019 (COVID-19) sa ilalim ng panukalang P4.5 trilyong national budget para sa 2021, ayon kay Senate Presidente Vicente Sotto III. Sa pahayag, sinabi ni Sotto na hindi pa sigurado kung magkano ang idadagdag sa pondo upang mapabakunahan ang 50% hanggang 60% ng populasyon. “Yes, but I am not sure of the amount, ayon kay Sotto sa text message sa reporters nitong Linggo. Nakatakda sa 2021 budget ng Department of…

Read More

PINAS HOT SPOT SA ONLINE CHILD ABUSE

NABABAHALA ang isang mambabatas sa Kamara sa report ng United Nation Children’s Fund (UNICEF) na nananatiling global hot spot ang Pilipinas sa online sexual abuses. Mas ikinabahala ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas ang ulat na 80% o 8 sa bawat 10 kabataang Pilipino ang patuloy na nanganganib sa mga sex predator sa social media. “Imagine, 8 out of 10 Filipino kids are at risk of online sexual abuse as reported by UNICEF and we remain to be a global hot spot for these,” pahayag ni Brosas kaya nagpatawag ito…

Read More

PELIGRO SA RELOCATION SITES BUBUSISIIN SA KONGRESO

AALAMIN ng House committee on housing and urban development kung ligtas sa kalamidad ang mga informal settler na ni-relocate. Ito ay matapos madale sa bagyong Ulysses ang mga relocation site sa Kasiglahan Village sa Montalban, Rizal. Magugunita na kasama ang nasabing village sa lumubog nang manalasa ang Bagyong Ulysses na naglagay sa mamamayan sa panganib. “The rationale for relocating informal settler families and establishing resettlement sites is to provide them with safe homes,” ani Rep. Naealla Bainto Aguinaldo, vice chairman ng nasabing komite. Gayunpaman, nalagay sa panganib ang buhay ng…

Read More

Impluwensya ng ASEAN kailangan GLOBAL PRICE CEILING SA COVID VACCINE IGINIIT

HINIKAYAT ni Senador Imee Marcos ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na gamitin ang impluwensya nito para masimulan ang bagong paraan sa pagnenegosyo ukol sa paggawa, pag-patent, pagpresyo at pamamahagi ng mga bakuna kontra sa COVID-19. Sinabi ni Marcos, chairman ng Senate Committee on Economic Affairs, na ang mga hindi developed na bansa ay nananatiling nakaabang na lang sa presyong dikta ng mga pharmaceutical company na humahawak ng patent ng mga bakuna. Ayon kay Marcos, nagawa ng ASEAN na patibayin ang impluwensya nito bilang ‘trade bloc’ o pwersa sa…

Read More

HOLDAPER TIKLO SA CP LOCATOR

NATUNTON at nadakip sa pamamagitan ng cellphone locator ang isang 42-anyos na driver habang pinaghahanap pa ang tatlong kasamahan nito makaraang holdapin ang isang Korean grocery store sa Gen. Trias City, Cavite. Kinilala ang arestadong suspek na si Alejandrino Llena, may asawa, habang pinaghahanap ng pulisya ang tatlo nitong mga kasamahan. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Cristopher Dumlao ng Gen. Trias City Police Station, dakong alas-12:17 ng hapon noong Sabado nang holdapin ng mga suspek ang Banggrae Korean Grocery sa Brgy. Bacao 2, Gen. Trias City, gayundin ang mga kustomer…

Read More