3 TULAK NALAMBAT SA ANGONO

NADAKIP ang tatlong lalaking hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa magkakahiwalay na lugar sa Angono, Rizal. Sa unang operasyon, nahuli ang 23-anyos na si Froilan Masamoc y Yu at nakumpiskahan ng dalawang sachet ng shabu sa Saint Anthony St., Brgy. Mahabang Parang. Arestado rin ang mga suspek na sina Joshua Espinosa y Lamutay at Christopher Dines y Zannaga, kapwa nasa hustong gulang, sa ML Quezon St., Brgy. Mahabang Parang, Angono, Rizal, at nakumpiskahan ng limang sachet ng shabu. (KNOTS ALFORTE) 189

Read More

NAHULI SA CURFEW, GINAHASA NG 2 TANOD

GINAHASA ng dalawang barangay tanod ang isang 15-anyos na dalagita na kanilang nahuli sa curfew, makaraang painumin ito ng alak na may vetsin sa Brgy. Leon Garcia, Agdao District, Davao City noong Biyernes. Kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad ang dalawang suspek. Kinumpirma naman ni Brgy. Leon Garcia Chairwoman Lita Empis na nahuli ng kanyang mga tanod ang dalagita dahil sa paglabag sa curfew. (DONDON DINOY) 350

Read More

Peligro ng distance learning GRADE 7 NAGHANAP NG SIGNAL, NI-RAPE-SLAY

HINIHINALANG ginahasa muna ang isang 12-anyos na dalagita bago pinatay makaraang matagpuan ang hubo’t hubo’t nitong bangkay na tadtad ng saksak sa bayan ng San Narciso sa lalawigan ng Quezon noong Biyernes. Kinilala ng San Narciso Police ang biktimang si Anne Banico, Grade 7 student at residente ng Barangay Punta. Batay sa report, nagtungo sa masukal na bahagi ng bundok ang dalagita upang maghanap ng signal para makausap ang kanyang guro sa cellphone kaugnay sa modules ngunit hindi na ito nakauwi at natagpuang wala nang buhay. (NILOU DEL CARMEN) 201

Read More

Nalusutan sa sunod-sunod na patayan PALAWAN POLICE CHIEF SINIBAK

SINIBAK sa puwesto si Palawan Police Provincial Director Col. Dionisio Bartolome upang bigyang-daan ang imbestigasyon hinggil sa sunud-sunod na mga insidente ng pamamaril sa lalawigan. Ito ang kinumpirma ng Police Regional Office 4-B (MIMAROPA) batay sa inilabas na General Order Number 236 na may petsang Nobyembre 21, 2020. Ayon kay MIMAROPA regional police chief, Brig. Gen. Pascual Muñoz, si Col. Bartolome ay pansamantalang hinalinhinan ni Col. Nicolas Torre III, na siyang kasalukuyang Deputy Regional Director for Operations ng PRO-4-B. (JESSE KABEL) 175

Read More

Ni-relieve matapos mapatay ng mga tauhan ang 4 Army intel EX-JOLO POLICE CHIEF NILIKIDA

MASUSING iniimbestigahan ng pulisya ang insidente ng pagpaslang sa dating Jolo chief of police na sinibak makaraang masangkot ang siyam na mga tauhan nito sa pagkamatay ng apat na Army intelligence officer na tumutugaygay sa dalawang hinihinalang suicide bomber noong Hunyo. Si dating Jolo, Sulu police chief, Lieutenant Colonel Walter Annayo ay binaril ng hindi kilalang gunman noong Sabado ng hapon sa Sultan Mastura, Maguindanao habang bumibili ng buko juice. Ayon sa pagsisiyasat ng Maguindanao Police Provincial Office, ipinarada ng 41-anyos na si Annayo ang kanyang kotse para bumili ng…

Read More

LOLA NAGLAKO NG SHABU, ARESTADO

BINITBIT ng mga tauhan ng Manila Police District Station 4 – Station Anti-Illegal Drug Enforcement Unit, ang isang 51-anyos na lola makaraang mahuli habang naglalako ng umano’y shabu sa riles ng tren sa Buenos Aires St., Sampaloc, Manila. Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na si Nenita Gonzales y Samson, ng #633 West Vigan St., Sampaloc, Manila. Habang dalawa naman ang nadakip makaraang maaktuhan habang gumagamit ng ilegal na droga na kinilalang sina Joseph Avila y Villar, 48, at Larry…

Read More

TULAK TIMBOG SA P680K SHABU

Arestado ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makumpiskahan ng mahigit sa P.6 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan city. Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang arestadong suspek na si Ruel Sangines alyas “Ginto,” 38, ng Block 16, Lot 22, Phase 3, Dagat-dagatan, Brgy. 12 ng nabanggit na lungsod. Ayon kay Gen. Ylagan, dakong 12:30 ng madaling araw nang maaresto ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU), sa pangunguna ni P/Capt. Ramon Aquiatan, Jr.,…

Read More

TARPAULINE NG MGA POLITIKO BAWAL SA MAYNILA

MARIIN ang tagubilin ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na hindi pahihintulutan ng city government na basta-basta na lamang magpaskil ng kung anu-anong political materials sa alinmang bahagi ng lungsod. Ayon sa Alkalde, naging masigasig ang kanilang paglilinis sa lungsod mula sa gulo at panget na sitwasyong iniwanan ng nakalipas na administrasyon, kaya’t hindi nila hahayaang muli itong madumihan ng political materials na ikinukonsidera niyang eyesore lamang. “Walang pangalan ng politiko sa mga kalsada. Lapida ba ‘yun?” pahayag pa ng alkalde. (RENE CRISOSTOMO) 223

Read More

16 NADAGDAG SA COVID CASES SA NAVOTAS

UMABOT sa 16 ang nadagdag sa bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Navotas City nitong Nobyembre 21, ang pinakamaraming bilang ng mga bagong kaso ng nasabing sakit sa loob ng ilang linggo, habang walo naman ang gumaling. Nagpahayag ng pagkabahala si Mayor Toby Tiangco sa biglang pagtaas ng active cases sa lungsod na sa kasalukuyan ay nasa 55. “Nakaaalarma po ito dahil sa mga nakaraang linggo, mababa na ang bilang ng mga nagpopositibo sa ating lungsod. Umabot na nga po tayo sa 3% positivity rate. Kaya nakikiusap po ako…

Read More