BUNSOD ng mga positibong development sa mga potensiyal na bakuna para labanan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19), binigyang-diin ni Senador Christopher “Bong” Go ang pangangailangan ng mahusay na plano, komunikasyon at implementasyon ng national vaccination program upang magarantiyahan ang pagkakaroon ng pantay-pantay na access at sistematikong probisyon sa sandaling available na ang ligtas at epektibong bakuna para sa mamamayan. Iginiit ni Sen. Go ang panawagan ni Pang. Rodrigo Duterte na gawing prayoridad ang mahihirap at mga taong vulnerable sa virus sa sandaling available na ang bakuna, at sinabing, “Huwag nating…
Read MoreMonth: November 2020
DOLE PINAKILOS VS SKYWAY CORP.
PINAIIMBESTIGAHAN ng senador sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang nangyaring aksidente sa ginagawang konstruksyon ng Skyway sa Muntinlupa na ikinasawi at ikinasugat ng ilang motorista. Sinabi ni Senador Joel Villanueva kailangang magpadala ang DOLE ng team ng labor inspectors sa nasabing lugar upang alamin kung naipatupad ang safety protocols sa construction site ng Skyway kung saan bumigay ang isang steel girder at bumagsak sa ilang sasakyan sa kahabaan ng East Service Road. “Isa po sa peligrosong lugar-paggawa ang mga construction site, kaya po mahigpit ang pagpapatupad ng mga…
Read MoreCOAL PROJECTS SA QUEZON PROVINCE PINAKAKANSELA
NAGPASAKLOLO sa pamahalaan ang mga residente sa lalawigan ng Quezon na kanselahin ang patuloy na operasyon at paglawak ng ‘coal-fired power plants’ dahil sa malaking pinsalang dulot nito sa kanilang kabuhayan, kapaligiran at kalusugan. Sa ginanap na National Day of Action Against Coal na pinangunahan ng energy and climate advocacy networks Power for People Coalition (P4P) at Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ), nanawagan din sila ng pagkansela ng ‘coal projects sa mga pipeline. “We have long suffered the presence of coal power plants in the name of progress. But…
Read MoreBAGONG COAL PLANT PINATITIGIL
SA pagdaraos ng ‘National Day of Action Against Coal’, nanawagan ang iba’t ibang grupong makakalikasan kay Pangulong Rodrigo Duterte na maglabas ng kautusan na magpapatigil sa pagtatayo ng mga bagong planta ng coal. Binalak magmartsa ng grupo papunta sa Palasyo para idulog ang kanilang kahilingan dahil sa patuloy na pagdadalawang-isip ng Department of Energy (DOE) na kanselahin ang lahat ng aplikasyon para sa pagtatayo ng mga bagong planta, pero pinigil sila ng kapulisan na makarating sa makasaysayang kalye ng Mendiola. Ayon sa mga grupong Power for People Coalition (P4P) at…
Read MoreVENDORS WINALIS SA BACLARAN
WINALIS ng magkasanib na task force ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at local government ng Pasay City ang illegal vendors sa bahagi ng Taft Avenue malapit sa Baclaran District nitong Sabado ng umaga upang bigyang daan ang night market na magsisimula sa Nobyembre 27, 2020. Mismong si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ang personal na sumubaybay sa clearing operation para sa ikinakasang night market na magiging kauna-unahan sa uri nito na pinayagan ng MMDA sa panahon ng general community quarantine. “Ang night market na magsisimula sa Nov. 27 ay…
Read MoreMAG-UUTOL TIMBOG SA P175-M SHABU
UMABOT sa halos P175 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong lalaking magkakapatid, kabilang ang isang menor de edad, sa buy-bust operation noong Sabado ng umaga sa Caloocan City. Arestado ang mga suspek na sina Kalif Latif, 24, (watch listed), Akisah, 18, at ang kanilang 14-anyos na binatilyong kapatid, pawang mga estudyante. Nakumpiska sa magkakapatid ang 25 kilo at 700 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang P174,760,000 ang halaga. Ayon sa pulisya, higit isang linggong minanmanan ang mga suspek bago isinagawa ang buy-bust operation sa kanilang bahay sa Block…
Read More1 PATAY, 4 SUGATAN SA AKSIDENTE SA SKYWAY PROJECT
INIIMBESTIGAHAN ng San Miguel Corporation ang insidente ng pagkamatay ng isang lalaki habang apat pa ang sugatan makaraang bumagsak ang isang steel girder sa bahagi ng ginagawang Skyway extension sa East Service Road, Cupang, Muntinlupa City ngayong Sabado. “We deeply regret this unfortunate accident and assure a full and thorough investigation. Our thoughts and concern are with the victims and we will make sure they will get all the help they need. Their welfare is our priority,” pahayag ng SMC. Ayon sa imbestigasyon, nasagi ang steel girder hanggang bumagsak ang…
Read MoreDUTERTE NANAWAGAN SA APEC NG ‘FREE FLOW’ NG COVID VACCINE
NANAWAGAN si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga member states ng Asia Pacific Economic Cooperation para sa “free flow” ng COVID-19 vaccines sa oras na maging available at maging ang iba pang suplay at teknolohiya para maiwasan ang pagkalat ng novel coronavirus. Sa ginawang intervention ng pangulo sa APEC Leaders’ Meeting na hinost ng Malaysia, isinulong ni Pangulong Duterte ang “comprehensive recovery with no one left behind.” “First, we have to ensure the unimpeded flow of medical supplies and technologies, especially COVID-19 vaccines. It is folly to assume that there…
Read MoreDEPLOYMENT BAN SA HEALTHCARE WORKERS, INALIS NA
INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagpapatigil ng deployment ban sa healthcare workers. Dahil dito, malinaw na maaari nang makapagtrabaho sa ibang bansa ang libong nurse sa Pilipinas. “The president already approved the lifting of the temporary suspension of deployment of nurses and other medical workers,” ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello. Sinabi ng kalihim na ang pagkalat ng novel coronavirus ay bumabagal na sa bansa at ang kondisyon ay bumubuti kaya’t makakaya na ng pamahalaan na hayaan ang mga healthcare worker na mangibang-bansa at magtrabaho. Ang Pilipinas ay…
Read More