SOTTO: LACSON, ROMUALDEZ, NAGPABAKUNA NA LABAN SA COVID-19

KINUMPIRMA ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na nauna nang magpabakuna laban sa COVID-19 sina Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson at Leyte Rep. Martin Romualdez. “Si Sen. (Ping) Lacson ang tapang, immunize na yun, nagpa-injection na ‘yun. Nauna na siya, sila ni Rep. Martin Romualdez,” kwento ni Sotto sa panayam sa DWIZ. Hinihikayat din anya siya ni Lacson na magpabakuna at dahil sa pagpopositibo ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa ay posibleng ikonsidera niya ito. “Meron na pero ‘yung iba kasi matatapang na nagpapauna. Ang biruan nga namin ni Sen…

Read More

SEN. BATO, POSITIBO SA COVID-19

KINUMPIRMA ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na nagpositibo siya sa COVID-19 matapos sumalang sa test dahil sa kanyang ubo at sipon. “I’m sorry to inform you that I tested positive for COVID-19 yesterday. To all who made contact with me, please do the appropriate protocols,” pahayag ni dela Rosa. Nakumpirma rin ng kampo ng senador na maging ang anak na babae ni dela Rosa ay nagpositibo sa virus subalit asymptomatic ito. Huling nagtungo si dela Rosa sa Senado noong Miyerkoles kaya naman lahat ng mga senador at mga staff…

Read More

VICE MAYOR INIREKLAMO SA PAGSASAGAWA NG ONLINE GAME SHOW

INIREKLAMO ang bise alkalde ng San Pascual, Batangas sa Office of the Ombudsman, Department of Interior and Local Government at Civil Service Commission, dahil sa umano’y paglabag sa Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees dahil sa ginawang “online game show” habang nasa oras ng trabaho. Sa tatlong pahinang reklamo na ipinadala sa tanggapan nina Ombudsman Samuel Martires, DILG Secretary Eduardo Ano, at CSC Chairperson Alicia Dela Rosa Bala, hiniling na agad patawan ng preventive suspension si San Pascual, Batangas Vice Mayor…

Read More

3 BAGONG CHOPPERS NG PNP DUMATING NA

KASALUKUYANG sumasailalim sa flight evaluation at performance test ang tatlong bagong police chopper na binili ng Philippine National Police (PNP) sa halagang umaabot sa P600 milyon. Dahil sa delivery ng tatlong bagong ang H125 air bus helicopter, mayroon nang kabuuang 10 helicopters ang PNP na lumilipad sa kasalukuyan. Ngunit nilinaw ni PNP Director for Logistics MGen. Angelito Casimiro, kasalukuyan pang sumasailalim sa pre-acceptance evaluation at field testing ang bagong choppers bago pinal na malagdaan ang acceptance documents para rito. Sa ngayon, sumasailalim na sa field testing at evaluation ang tatlong…

Read More

CARNAPPER PATAY SA SHOOTOUT

DAVAO City – Patay ang isang hinihinalang carnapper makaraang makipagbarilan sa mga elemento ng Talomo PNP nitong Sabado ng madaling araw sa lungsod na ito. Ayon sa ulat ng Davao City Police Office, nangyari ang engkwentro pasado alas dos ng madaling araw sa bypass road ng Catalunan, Pequeño sa Davao City. Lumitaw sa pagsisiyasat, nasabat ng mga tauhan ng Talomo PNP ang hindi pa kinilalang suspek lulan ng motorsiklo. Ngunit imbes na huminto ay bumunot ng baril ang suspek, nagpaputok saka mabilis na humarurot. Hinabol ng mga awtoridad ang suspek…

Read More

SUSPEK TIMBOG SA CP NA IBINIGAY SA RAPE VICTIM

DAVAO CITY – Posibleng nataranta umano ang suspek makaraang gahasain ang isang 16-anyos na dalagita kaya hindi nito nai-log-out ang kanyang Facebook account sa cellphone na ibinigay niya sa biktima upang hindi siya isumbong sa mga awtoridad. Bunsod nito, sa pamamagitan ng Facebook ay natunton ang kinaroroonan ng suspek na kinilalang si Richard Richie Segara at agad itong nadakip ng mga pulis. Ayon sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidente sa Barangay Leon Garcia, Davao City noong Biyernes ng gabi, Nobyembre 20. Ipinakita mismo ni alyas Dondon, kapatid ng biktima,…

Read More

5 KILO NG MARIJUANA TINANGKANG IPUSLIT SA COURIER SERVICE

LAGUNA – Buking ang 5.6 kilo ng marijuana na tinatayang P672,000 ang halaga, na kabilang sa package ng Keratin shampoo at food supplement na ipinadadala sa J&T Express sa bayan ng San Pedro. Ayon sa report ni Laguna Provincial Director P/Col. Serafin Petalio II kay CALABARZON Regional Director P/BGen. Felipe Natividad, kinilala ang walk-in suspect na si alyas Gab na nahuli sa ibinigay niyang address sa Parañaque City. Napag-alaman, nakatanggap ang San Pedro City Police Station ng tawag mula sa J&T Express Company sa Brgy. Landayan San Pedro City, Laguna…

Read More

OPPAP EMPLOYEE SA COTABATO, NAGPOSITIBO SA COVID-19

COTABATO CITY – Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 ang isang empleyado ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) Cotabato City Office, iniulat nitong Sabado. Bunsod nito, ang iba pang kawani ng OPAPP ay isinailalim na rin sa swab at RT-PCR tests sa ilalim ng pangangasiwa ng Ministry of Health in the Bangsamoro Region in Muslim Mindanao. Ang kawani na unang nagpositibo sa virus ay bumiyahe ng Zamboanga City kung saan mataas ang kaso ng COVID-19 infections. Siya ay naka-isolate na sa BARMM COVID-19 center…

Read More

BIFF LEADER, 5 PA SUMUKO SA MILITAR

MAGUINDANAO – Anim na kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o (BIFF), kabilang ang isang mataas na lider nila sa ilalim ng Bungos Faction, ang sumuko sa 1st Mechanized Infantry Battalion at mga elemento ng Maguindanao PNP sa Barangay Kamasi, Ampatuan, Maguindanao, Biyernes ng umaga. Ang mga sumuko ay pormal nang naipresenta ng LGU kay 1st Mechanized Infantry Brigade commander, Colonel Ferdinand B. Lacadin. Ang mga sumuko ay kabilang ng isang mataas na lider ng BIFF kasama ang limang iba pang miyembro nito mula sa bayan ng Shariff Aguak at…

Read More