MAAYOS NA SEWER SYSTEM PARA SA KALIGTASAN NG MANILA BAY

IGINIIT ni Senator Cynthia A. Villar ang kahalagahan ng Sewerage Treatment Plan (STP) upang malinis at mailigtas ang Manila Bay na aniya’y mahalaga sa buhay ng mga Pilipino. Magtatayo ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng solar-powered Sewage Treatment Plant (STP) sa Baywalk area sa Malate, Manila. Pinasinayaan nina DENR Secretary Roy Cimatu at MMDA Chair Gen. Danilo Lim noong July 30 ang STP na may kapasidad na kumuha at mag-ayos kada araw ng 500,000 litro ng wastewater mula sa drainage outfalls ng Padre Faura, Remedios at Estero…

Read More

SINO TATAYO SA OPOSISYON SA 2022?

MATAPOS na masungkit ng mga Democrats ang White House dahil sa pagkapanalo ni President-Elect Joseph Biden laban kay Donald Trump, parang nabuhayan ng dugo ang oposisyon na tila baga mangyayari sa 2022 na magpapalit din ng kulay ang liderato ng pamumuno sa bansa. Hindi kasi nagawa ni Trump na makahirit pa ng isang termino dahil inayawan na ng na­kararaming Amerikano ang istilo ng kaniyang liderato. Dito naman sa Pilipinas, tila baga nanalo rin ang partido ng oposisyon sa pagwawagi ni Biden at ipinagmamalaki nilang iisa raw ang tinutumbok nilang mga…

Read More

PANAY-PANAY NA AKSYON SA SUMBONG NG OFW

SA aking programa sa DWDD 1134KHz na Bantay OFW ay limang kaso o sumbong ng mga OFW ang ating pilit na binigyan ng aksyon. Dahil sa ang mga humihingi ng tulong ay nagmula sa mga OFW sa Riyadh, Saudi Arabia at sa Kuwait, kung kaya aking inimbitahan si Labor Attache Nasser Mustafa na humahawak ng post na Riyadh at Kuwait. Akin din inimbitahan si ­Welfare Officer Atty. Llewelyn Perez ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) upang makatulong na mabigyan ng agarang solusyon ang problema na idinulog ng ­kapamilya ng OFW…

Read More

LEONEN DAPAT MAG-INHIBIT SA KASO NI BBM PARA SA DELICADEZA

KUNG PINAHAHALAGAHAN PA NI SUPREME COURT ASSOCIATE JUSTICE MARIO VICTOR LEONEN ANG DIGNIDAD NG ISANG MAHISTRADO NG HUDIKATURA, DAPAT AY MAGBITIW NA ITO BILANG PONENTE SA ELECTION PROTEST NI ­DATING SENADOR FERDINAND MARCOS II LABAN KAY VICE PRESIDENT MARIA LEONOR GERONA – ROBREDO. At sa pamunuan ng Korte Suprema sa pangunguna ni Chief Justice Diosdado Peralta aba’y kailangan siguro na kumilos din ito dahil hindi lang ang dignidad ni Justice Leonen ang nakasalalay dito kundi kasama na ang HUDIKATURA!! Kasi kung magpapatuloy sa kanyang katamaran itong si Justice Leonen aba’y…

Read More

Mosyon ni Marcos sinegundahan ng ‘Tribune of the People’ LEONEN PINAG-IINHIBIT NG OSG

NELSON S. BADILLA NAGHAIN ang Office of the Solicitor General (OSG) ng “omnibus motion” sa Presidential Electoral Tribunal (PET) na humihiling ng kagyat na pagpapatanggal kay Associate Marvic Leonen sa patuloy na paghawak nito sa protestang elektoral ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. laban kay Bise Presidente Maria Leonor Robredo dahil ‘consistent’ ang mahistrado sa pagtuligsa at paglaban sa pamilya Marcos at mga kaibigan nito. Inihayag ng OSG, sa pangunguna ni Solicitor General Jose Calida, ang paghahain nito ng “Omnibus Motion” ay pagtindig at pagkilos bilang “Tribune of the…

Read More

Sa pagtatanggol sa Makabayan bloc sa red-tagging DDS KAY VELASCO: KAKAMPI KA BA O KAAWAY?

HINDI nagustuhan ng Die Hard Duterte Supporters (DDS) ang pagkampi at tila pagtatanggol ni House Speaker Lord Allan Velasco sa Makabayan bloc na ni-red-tag kamakailan. Ayon sa nasabing grupo ng mga supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte, malinaw umanong pagbalewala sa pangulo at pangmamaliit sa kakayahan ng military sa pangangalap ng impormasyon laban sa CPP-NPA ang aksyon ng House leader. Sa Youtube Channel na Banat Balita ng DDS, sinabi nito na sa ginawang pagtatatanggol ni Velasco sa Makabayan bloc ay ipinakikita lamang nitong wala siyang nalalaman sa isyu ng CPP-NPA. “Kung…

Read More

PAGKAUBOS NG SUPLAY NG MALAMPAYA IIMBESTIGAHAN

PINAIIMBESTIGAHAN ni Senador Sherwin Gatchalian ang nakatakdang pagtatapos ng Service Contract (SC) 38 ng operasyon ng Malampaya sa 2024. Sa nasabing kontrata nakapaloob ang Malampaya Deep Water Gas-To-Power Project, at magiging epekto nito sa seguridad ng suplay ng enerhiya sa bansa. Kasama ni Gatchalian sina Senate President Vicente C. Sotto III at Senador Panfilo Lacson na naghain ng Senate Resolution No. 533 na naglalayong pag-aralan kung ano ang nakalatag na plano ng gobyerno kaugnay dito, lalo na sa nakaambang pagkaubos ng suplay ng natural gas mula sa Malampaya gas field.…

Read More

VELASCO UNANG SPEAKER NA NANUMPA SA PANGULO?

SA unang pagkakataon simula noong 1898, nagkaroon ng Speaker of the House na nanumpa sa pangulo ng Pilipinas. Ito ay matapos manumpa si House Speaker Lord Allan Velasco bilang ika-27 Speaker kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang nitong Lunes ng gabi. Ang panunumpa ni Velasco ay ginawa kasabay ng kanyang ika-43 taong kaarawan kaya siya ang naitalang kauna-unahang Speaker na nanumpa sa pangulo ng bansa simula noong panahon ni Pedro Paterno, ang kauna-unahang Speaker ng Kongreso na noo’y tinatawag pang “National Assembly”. Ang Kongreso o Legislatura ay binubuo ng Kamara…

Read More

UPCAT 2021 KANSELADO

WALA munang entrance exam o UPCAT ngayong papasok na 2021-2022 na academic school year. Ito ang napagdesisyunan ng University Councils (UCs) na kinabibilangan ng walong unibersidad ng University of the Philippines. “There will be no UP College Admission Test (UPCAT) for the intake of first year students in Academic Year 2021-2022. The results of the Special UC Meetings of UP Diliman and UP Manila and of the referendums of the other CUs were submitted to the UP Office of the Vice President for Academic Affairs (OVPAA),” pahayag ng UP. Pero…

Read More