NATAGPUANG patay na ng mga bumbero ang isang 13-anyos na dalagita makaraang ma-trap sa nasusunog nilang bahay sa Las Piñas City noong Lunes ng gabi. Ayon sa ulat, limang bahay ang natupok sa Lopez Compound sa Brgy. Daniel Fajardo na tumagal ng isang oras. Ayon sa imbestigasyon, sinabi ni Supt. Arthur Sawate, City Fire Director ng Las Piñas, tinitingnan nilang sanhi ng sunog na nagsimula dakong 9:40 ng gabi, ang naiwang nakasinding kandila. Nabatid sa ulat, naiwan sa kuwarto ang biktima at ang nakababatang kapatid nito nang bumili ng diaper…
Read MoreMonth: November 2020
PUMALAG SA NANGINGIKIL NG ISDA, ITINUMBA
PATAY ang isang 22-anyos na stevedore matapos barilin ng dalawang lalaki na nangingikil at nagbabanta sa mga trabahador ng Market 1, matapos tumangging magbigay ng isda ang biktima sa mga suspek sa Navotas Fish Port Complex (NFPC), Navotas City nitong Martes ng madaling araw. Ayon kay Navotas Police chief, P/Col. Rolando Balasabas, dead on the spot si Roel Batiancila ng BGA Compound, NFPC, Brgy. North Bay Boulevard North (NBBN) sanhi ng tama ng bala sa ulo. Kinilala naman ang mga suspek na sina Justine Morales, 20, pedicab driver, at Jayson…
Read MorePATAY SA BUCOR RIOT, NADAGDAGAN
KINUMPIRMA ni Bureau of Corrections (BuCor) Spokesman Colonel Gabby Chaclag, nadagdagan ang bilang ng mga namatay sa BUCOR riot dahil pumanaw na ang isa sa nasugatang inmates na isinugod sa ospital matapos ang insidente noong Lunes nang magsagupa ang grupo ng Sputnik at Commando gang sa maximum security compound ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City. Sa inisyal na ulat, tatlo ang namatay at 64 ang mga bilanggong nasugatan. Sa pagkamatay ng isa pang bilanggo ay umakyat na sa apat ang mga nasawi. Sa panayam kay Col. Chaclag, inilipat…
Read MorePinasalamatan saka sinermunan MPD COPS DISMAYADO KAY SEC. BELLO
MAKARAANG magpasalamat si Labor Secretary Silvestre Bello III sa mga tauhan ng Manila Police District Theft and Robbery Section matapos mabawi ang kanyang cellphone mula sa mga snatcher, ay sinermunan ang mga ito ng kalihim. Ayon sa isang operatiba ng MPD-TRS na tumangging magpabanggit ng pangalan, binigyang-diin umano ng kalihim na kung ordinaryong tao ang naagawan ng cellphone ay magtatagal o baka hindi raw maresolba ang kaso. Bunsod nito, dismayado ang mga pulis sa nasabing opisyal at iginiit na tinupad naman nila ang kanilang tungkulin para masakote ang mga suspek…
Read MoreSIMBANG GABI TULOY SA MAYNILA
HINDI na mapipigilan ang tradisyon ng mga Katoliko na “Simbang Gabi” makaraang ianunsyo ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na matutuloy ito para sa pagdiriwang ng Kapaskuhan sa lungsod ng Maynila. Ayon sa alkalde, isasagawa ang Simbang Gabi sa Kartilya ng Katipunan tuwing alas-8:00 ng gabi simula sa Disyembre 15 sa pamamagitan ng Simbahan ng Quiapo. Hinikayat ng alkalde ang lahat ng mga empleyado ng Manila City Hall na dumalo sa banal na misa. Sinabi pa nito na isa lamang ang Simbang Gabi sa mga selebrasyon na isasagawa para…
Read MoreJAY SONZA INISNAB ANG NBI
HINDI sumipot si dating broadcaster Jay Sonza sa patawag ng National Bureau of Investigation (NBI) para magbigay ng kanyang paliwanag kaugnay sa inihaing reklamong cyber libel ng aktres na si Julia Barretto. Ayon sa NBI Cybercrime Division, pinadalhan nila ang dating broadcaster ng subpoena para ibigay ang kanyang panig pero inisnab nito ang imbitasyon. Blangko rin ang abogado nito at wala rin anomang uri ng komunikasyon na ipinadala sa nasabing ahensiya. Gayunman, tuloy pa rin ang imbestigasyon ng NBI sa reklamo ni Barretto na dumulog sa ahensya matapos ang social…
Read MoreIATF WALA PANG DESISYON SA CAROLING BAN
HANGGANG ngayon ay wala pang desisyon ang Inter-Agency Task Force (IATF) sa mungkahing ipagbawal ang caroling sa buong bansa pagsapit ng simbang gabi sa Disyembre para maiwasan ang anumang hawaan ng covid19. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na bagama’t hindi pa ito pinagpapasiyahan ng IATF, ay naniniwala siya na mayroong siyensiya sa likod ng bagay na ito. Hindi aniya kasi maiiwasan na magkaroon ng pagtitipun-tipon ang mga carolers upang umikot sa mga bahay-bahay. Sa ganitong pagkakataon aniya ay hindi maiiwasan na kapag kumanta na ang mga carolers ay siguradong…
Read MoreNAVOTAS NAG-ALOK NG DRIVE-THRU EASYTRIP RFID INSTALLATION
NAG-ALOK ang pamahalaang lungsod ng Navotas, katuwang ang Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) ng drive-thru installation ng Easytrip RFID stickers sa darating na November 24, 9:00am hanggang 5:00pm, sa Navotas Bus Terminal. 500 stickers para sa Class 1 vehicles at 25 bawat isa para sa Classes 2 at 3 na first come, first serve. Ang Easytrip RFID ay pinapayagan sa cashless at contactless toll transaction para sa mga motoristang dumadaan sa NLEX, SCTEX, CAVITEX, CALAX at C5 Link Expressway. Ang RFID system ay ipinatutupad para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19…
Read MoreCOOP DEVELOPMENT OFFICER KADA LGUs ITINALAGA NG SENADO
APRUBADO sa Senado ang isang panukalang batas na maglalagay ng Cooperative Development Officer (CDO) sa bawat lungsod, munisipyo at lalawigan. Umani ng 19 affirmative votes kaya naipasa ang panukala sa ikatlo at huling pagbasa. Sa pahayag, sinabi ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na inamyendahan ng Senate Bill No. 1855 ang Republic Act No. 7160 o ang Local Government Code of 1991 na nagpanukala na gawing mandatory ang posisyon ng CDO sa bawat local government units. Pinagsama-sama ang panukala mula sa Senate Bill Nos. 1327 na inawtor ni Zubiri;…
Read More