HINDI pinilit ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na kainin ng 40 Immigration officers ang ibinigay niyang ‘pastillas’ na may laman na nakabilot na pera nang maka-face to face niya ang mga ito sa Malakanyang. Ang 40 immigration officers ay dawit sa tinaguriang pastillas scheme sa Bureau of Immigration. Sa katunayan, ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, kalmadong ipinag-utos ni Pangulong Duterte sa kanyang aide na bigyan ng tig-iisang “pastillas” na naglalaman ng pera ang bawat Immigration officer. Iniutos din niya na kainin ng mga ito ang nasabing pastillas. Wala namang…
Read MoreMonth: November 2020
Para sa interes ng mga Pilipino – Malakanyang PAGPANIG NI CALIDA KAY MARCOS INAYUNAN
IGINIIT ng Malakanyang na ang naging pagkilos ni Solicitor General Jose Calida, government’s lead lawyer ay para sa interes at kapakanan ng sambayanang Pilipino nang pumanig ito kay Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos sa kanyang poll protest laban kay Vice President Leni Robredo. Si SolGen Calida, na nagkampanya para kay Marcos noong 2016 race, ay nagsumite ng mosyon na sumusuporta sa inihaing “strong manifestation” ni dating Sen. Marcos sa Korte Suprema na humihiling para mag-inhibit sa kanyang electoral protest si Associate Justice Marvic Leonen. “I suppose, ang motion had to be…
Read MoreGLOBE NAKAKUHA NG 250+ PERMITS NOONG OKTUBRE PARA MAGTAYO NG KARAGDAGANG CELL TOWERS
NAKAKUHA ang Globe ng 252 permits mula sa local government units para punan ang target nitong magtayo ng mga karagdagang cell towers sa key areas sa bansa sa huling quarter ng taon. Ang mga lalawigan ng Cavite, Batangas, Laguna, Rizal, Bulacan, Isabela, South Cotabato, Pangasinan, Misamis Oriental, at Bataan ang nagbigay ng pinakamaraming permits sa hanay ng mga lalawigan habang ang Manila, Mandaluyong, at Paranaque ang nanguna sa mga lungsod noong Oktubre. “We are always grateful for the support of these LGUs that recognize our network expansion efforts because at…
Read MoreMAIL-IN VOTING, SOLUSYON SA MGA HIRAP SA PAGBOTO
NANINDIGAN si Senador Imee Marcos na libu-libong mga botanteng may problema sa kalusugan at sa kanilang kinaroroonan ang hindi makaboboto sa 2022 maliban na lang kung maikakasa na ang maayos na sistema ng botohan para sa kanila. “Huwag naman natin apihin ang mga senior citizen, mga buntis, persons with disability (PWDs) at indigenous peoples (IPs) na dapat mabigyan ng opsyon para ihulog sa koreo ang kanilang boto,” pahayag ni Marcos sa paggiit ng Senate Bill 1870, o ang Voting By Mail Act. “Dehado ang kanilang karapatang bumoto dahil sa lagay…
Read MorePAGTATAAS NG ALLOWANCE NG MGA GURO, KASAMA NA SA 2021 BUDGET
NAKAPALOOB na sa binabalangkas na 2021 national budget ng Senado ang pondo para sa dagdag na allowance ng mga pampublikong guro sa susunod na taon. Ito ang kinumpirma ni Senate Finance Committee Chairman Sonny Angara. Noong Lunes ay inaprubahan ng Senado sa 3rd and final reading ang Senate Bill No. 1092 o ang Teaching Supplies Allowance Act of 2020. “The allowance for teaching supplies will be increased from the present P3,500 to P5,000 a year. This is consistent with the proposed law institutionalizing the chalk allowance,” pahayag ni Angara kasabay…
Read MoreKAPALIGIRAN PROTEKTAHAN – SOLON
KAILANGAN protektahan ng bawat Pilipino ang kapaligiran na siyang magliligtas sa bawat mamamayan laban sa sakuna at kalamidad, ayon kay Senador Cynthia Villar sa pakikiisa sa pagdiriwang ng “National Environmental Awareness and National Clean Air Month ngayong Nobyembre. Sa pahayag, sinabi ni Villar na dagdag pasanin sa atin ang kalamidad na nagpapahirap nang husto sa mahihirap dahil nasasayang ang ating pagkilos upang gumawa ng bagay na ikagaganda ng ating pamumuhay, pero sinisira ng kalamidad. Si Villar ang chairperson ng Senate committee on environment, natural resources and climate change na palaging…
Read MoreMERALCO, TUMUTULONG UPANG MAIBALIK AGAD ANG KURYENTE SA MGA NASALANTA NG BAGYONG ROLLY
Lumahok ang Manila Electric Company (Meralco) at ang social development arm nito na One Meralco Foundation (OMF) sa Power Restoration Rapid Deployment (PRRD) Task Force Kapatid 2020 na ang layunin ay mapabilis ang pagbabalik ng serbisyo ng kuryente sa mga lugar na nasalanta ng bagyong Rolly. Nitong Nobyembre 7, nagpadala ang Meralco ng 206 na katao na binubuo ng mga engineer, linemen, at support personnel upang tumulong sa power restoration sa Albay, Catanduanes, at ibang bahagi ng Camarines Sur. Samantala, 65 na katao naman mula sa grupong ito ay tutulong…
Read MoreLantaran ang pagiging biased LEONEN PINASISIPA SA ELECTORAL PROTEST NI MARCOS
NELSON S. BADILLA HINILING kahapon ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos II sa Supreme Court bilang Presidential Electoral Tribunal (PET) na bitawan ni Associate Justice Marvic Leonen ang pagiging ponente sa kanyang electoral protest laban kay Bise Presidente Maria Leonor “Leni” Robredo dahil sa hayagang pagpapakita nito ng pagiging biased sa pamilya Marcos. Sa kanyang “strong motion with extremely urgent motion”, idiniin ni Marcos ang kahilingang “immediate inhibition of … Leonen from participating in any of the proceedings relating to [my] election protest on the ground of evident bias and…
Read MoreMAIL IN BALLOT SYSTEM, TABLADO KAY SOTTO
HINDI pabor si Senate President Vicente Sotto III sa panukalang mail-in ballot system para sa 2022 national elections sa pagsasabing ito ang pinakamadaling paraan upang makapandaya. “I’m not in favor,” saad ni Sotto. “Sino tatanggap? Nationwide? Saan padadala, sa post office? Kailan bibilangin? Sino bibilang?” dagdag pa ng Senate President. “Paano kung may mag-leak ng results whether true or fake? Any of those procedures can be cheated!” giit pa ni Sotto. (DANG SAMSON-GARCIA) 253
Read More