HINDI napigilan ni House committee on ways and means Chairman at Albay Rep. Joey Salceda na pasaringan ang Senado at ikumpara ang ginawang paggasta nito ng bilyong piso para makalipat at makapagpagawa ng modernong Senate Building sa Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig City habang pinanghihinayangan nitong gastusan ang pagtatatag Department of Disaster Resilience (DDR) na siyang pangmatagalang solusyon sa problema sa panahon ng kalamidad na pakikinabangan ng mas maraming Pilipino. Ayon kay Salceda, napakasimple ng argumento sa DDR at makikita rito ang kanya-kanyang priorities ng bawat isa. Aniya, nasa…
Read MoreMonth: November 2020
GOBYERNO DAPAT MATUTO SA TYPHOON YOLANDA
“KAILANGAN pang tapusin ng gobyerno ang rehabilitasyon sa mga lugar na nasalanta ng Typhoon Yolanda upang masabing natutunan na natin nang buo ang mga leksyon nito,” ito ang sinabi ni Senador Imee Marcos. “Pasalamat na lang ang Bicol at Southern Tagalog region ay natuto na sa Tacloban, Leyte at lahat ng biktima ng Yolanda makaraan ang pitong taon,” ayon kay Marcos, na tumutukoy sa maagang paglikas ng mga residente bago pa man manalanta ang Bagyong Rolly nitong nagdaang linggo. Ang mababang bilang ng mga namatay sa pananalanta ni Rolly ay…
Read MoreP10-K ALLOWANCE NG GURO PASADO NA SA SENADO
MAGANDANG balita para sa mga public school teacher sa buong bansa. Pumasa na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang dagdag allowance ng mahigpit sa 800,000 public school teachers. Sa botong 22 affirmative at walang tumutol ay lumusot na ang Senate Bill No. 1092, o ang Teaching Supplies Allowance Act of 2020 na ipinanukala ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto at ang SBN 75 ni Senador Ramon Revilla Jr. at SBN 957 ni Senador Sonny Angara. Sa ilalim ng nasabing mga panukalang batas, ang bawat classroom teacher ay makatatanggap…
Read MorePosibleng sangkot sa kriminalidad – solon AWOL, SINIBAK NA PULIS ISAPUBLIKO
HINILING ng isang mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso sa bagong hepe ng Philippine National Police (PNP) na si Gen. Debold Sinas na isapubliko ang pangalan ng mga Absent Without Official Leave (AWOL) na pulis. Bukod dito, nais ni Minority Congressman Alfredo Garbin na i-post ng PNP sa kanilang social media platform at maging sa kanilang website ang pangalan ng mga pulis na inalis na sa serbisyo. Ginawa ng solon ang panawagan dahil maraming dating pulis ang nag-aastang alagad pa rin ng batas kahit wala na sa serbisyo o kaya…
Read MoreSANA ALL
MARAMI akong nababasang mga komento ng mga Filipino pagkatapos ideklara na nanalo sina Joseph “Joe” Biden at Kamala Harris sa katatapos na presidential election sa Amerika. May nakikipagsaya sa mga supporters at bumoto kay Biden at mayroon din namang nalulungkot, kahit bihira lang dahil sa pagkatalo ng bilyonaryong si Donald Trump sa dapat sana ay kanyang ikalawang termino. Pero wala akong nabasang komento ukol sa pagiging bloodless ng eleksyon sa Amerika hindi tulad dito sa Pilipinas na kapag may election dumadanak ang dugo sa mga malalayong lalawigan. General ang eleksyon…
Read MoreKAMAY NA BAKAL VS KORAP GOV’T OFFICIALS
KUNG hindi gagamitan ng kamay na bakal ang paglaban sa mga korap na opisyal ng gobyerno ay hindi ito matutuldukan. Ang tao kasi na nasanay na sa mga karangyaan mula sa perang kanyang kinulimbat sa kaban ng bayan ay manghihinayang na kapag nawala ito sa kanya. Pero kung buhay ang kapalit ng kanyang ginagawang pagnanakaw ay magdadalawang-isip siyang gawin pa ito. Sa ginawang pagtatanong ng PUNA sa ilang mga Pinoy kung anong nararapat sa mga tao ng gobyerno na nagnanakaw ng pondo ng bayan, lahat sila ay nagsabing bitayin o…
Read MoreLABAN SA “KAFALA” TUNGO SA BAGONG PAG-ASA NG OFWs
MALINAW ang pag-asang nararamdaman at nakikita ng mga kababayan nating nagtatrabaho sa Gitnang Silangan dahil nagdesisyon ang pamahalaan ng Kingdom of Saudi Arabia na sa Marso 2021, ay higit nitong paluluwagin ang kanilang “kafala system”, o “sponsorship system”. Sa ilalim ng kafala, hindi basta-basta makakaalis, o makalilipat, ang mga empleyado nang walang pahintulot ng kanilang mga amo. Dahil sa bagong “Labor Relation Initiative” sa Saudi Arabia, mas magkakaroon na kalayaan, o job mobility, ang mga naghahanap-buhay sa Saudi, kabilang ang overseas Filipino workers (OFWs). Mayroong 865,121 mga Filipino na naghahanap-buhay…
Read MoreDRIVER SA CAVITE CITY ENCOUNTER, SUMUKO
NASA kustodiya na ng Cavite Police ang driver ng napatay na nagpakilalang miyembro ng Philippine Navy sa nangyaring armed encounter sa nasabing lalawigan na ikinamatay rin ng isang miyembro ng Cavite Provincial Highway Patrol Group (HPG), matapos sumuko sa Camp Crame sa Quezon City. Dakong alas-8:52 ng gabi noong Linggo nang pormal na i-turn over ng Task Force Limbas, Special Operation Division-HPG, Camp Crame, Quezon City, ang suspek na si Raymund de Leon, 34, Tubong Bugallion, Pangasinan, sa Cavite Police. Si De Leon ay itinuro ng misis ng suspek na…
Read More19 MANGINGISDA HULI SA ILLEGAL FISHING
DAVAO City – Umabot sa 19 mangingisda ang arestado ng Municipal Fishery Law Enforcement Team (MFLET) at Bantay-Dagat dahil sa ilegal na pangingisda sa coastline ng Brgy. Baon, sa bayan ng San Isidro, Davao Oriental, alas-4:00 ng hapon noong Linggo, Nobyembre 8. Ayon sa ulat, naaktuhan ng mga awtoridad ang mga mangingisdang sakay ng dilaw at bughaw na fishing vessel na may tatak na “FB JOVAN 1” habang nangingisda mga limang kilometro mula sa coastline gayong 15 kilometro ang pinahihintulutan sa pangingisda ayon sa nakasaad sa batas. Kinilala ng Police…
Read More