QUEZON – Hinihinalang biktima ng panggagahasa ang 22-anyos na dalagang natagpuang nakalutang at walang anomang saplot sa ilog sa bayan ng Macalelon, Linggo ng umaga. Kinilala ang biktima na si Arlene Basco, residente ng Sitio Riverside-B, Barangay Candangal. Ang bangkay ng biktima ay natuklasan ng isa ring 22-anyos na binata na napadako sa lugar, alas-6:00 ng umaga. Ito na rin ang nag-report sa mga awtoridad hinggil sa pangyayari. Isasailalim sa pagsusuri ang labi ng biktima para mabatid kung positibong ginahasa ito bago pinatay. (NILOU DEL CARMEN) 940
Read MoreMonth: November 2020
TSERMAN PATAY SA CAVITE AMBUSH
CAVITE – Patay ang isang barangay chairman makaraang pagbabarilin ng riding in tandem sa Dasmariñas City. Idineklarang dead on arrival sa UMC Hospital si Dominador Narido, 56-anyos habang sugatan ang 6-anyos na si Maymay na nadamay sa insidente nang tamaan ng ligaw na bala sa hita. Sa ulat ni P/MSgt. Elmo Cabooy, alas-10:30 ng umaga nang mangyari ang pananambang sa harapan ng palengke sa Brgy. San Dionisio. Blangko pa ang pulisya sa motibo ng pananambang. (SIGFRED ADSUARA) 341
Read MoreSINAS BAGONG PNP CHIEF
ITINALAGA na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si National Capital Region Police Office (NCRPO) director Police Major Gen. Debold Sinas bilang bagong PNP Chief. Inanunsyo ngayon ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na magsisimula sa kanyang bagong posisyon si Sinas bukas, November 10, kasabay ng pagbaba sa pwesto ni outgoing PNP chief, Gen. Camilo Cascolan na magreretiro na bukas. “Tinalaga po ni President Rodrigo Duterte si Debold Sinas bilang bagong Philippine National Police chief effective po bukas, November 10,”ayon kay Sec. Roque. Aniya, kung seniority ang susundin o ang rule of…
Read MorePONDO NG GOCCs PINATATAPYASAN
ISINUSULONG ni Senador Sherwin Gatchalian na gamitin ang pondo ng mga naluging government-owned and controlled corporations (GOCCs) para mailagak sa disaster relief at COVID-19 programs ng pamahalaan. Sinabi ni Gatchalian na upang mapunan ang pangangailangan sa pagtugon sa pandemya at kalamidad, dapat na ilipat na lang dito ang ilang bahagi ng P200 bilyong subsidiya sa susunod na taon na ibibigay sa naluging GOCCs. “Habang nagiging limitado ang pondo ng gobyerno dahil sa gastusin sa coronavirus pandemic, mas naging nakababahala ang sitwasyon matapos ang sunod-sunod na pagtama ng mga bagyo na…
Read MoreHOTEL ACCOMODATION NG MGA UMUWING OFW, BABAYARAN NG GOBYERNO
TINIYAK ng Malakanyang sa mga hotel owner na babayaran ng pamahalaan ang accommodation expenses ng mga nagbalik na overseas Filipino workers (OFWs) na kailangang isailalim sa quarantine bilang precautionary measure laban sa COVID-19 transmission. Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na iniulat ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na nabayaran na nito ang P2.3 bilyon para sa accommodation costs. Iyon nga lamang, sinabi ng Hotel Sales and Marketing Association na may utang pa ang OWWA sa 20 hotels na nag-o-operate sa Maynila, Tagaytay, at Cebu…
Read MoreBabala ng solon kung hindi itutuloy ang free dialysis PHILHEALTH MULING IIMBESTIGAHAN
NAGBANTA ang isang mambabatas sa Kamara na isasalang muli sa imbestigasyon ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) kapag hindi itinuloy ang libreng dialysis sa mga miyembro nito. Ginawa ni House deputy minority leader Carlos Zarate ang nasabing babala matapos itigil ng Philhealth ang nasabing programa sa mga miyembro. “The extension of dialysis treatment for patients is imperative and we are challenging PhilHealth and the Department of Health to get their act together as soon as possible because lives are at stake, if not then we have to investigate them in…
Read MoreREGISTRATION PARA SA NATIONAL ID SYSTEM TULOY NA
TULOY na ang itinakdang registration para sa National ID kasunod nang pamamahagi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ng National Identification System (PhilSys) registration kits sa 32 provincial offices ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong nakalipas na linggo. Nabatid na hinati ni AFP chief of staff Gen. Gilbert Gapay sa tatlong major service command ang pamamahagi ng registration kit sa buong Pilipinas. Responsibilidad ng Philippine Army na magkaloob ng logistics support at paghahatid ng registration kits sa PSA provincial offices sa Luzon, habang ang Philippine Navy ang pamamahagi sa…
Read MoreAsahan mahigpit, masalimuot na PBA All Filipino quarterfinal round
GUMAWA ng kasaysayan ang PBA nang ang kauna-unahang liga propesyonal sa bansa ay bumalik noong Nobyembre 3 matapos na kanselahin ang walong laro, dahil sa suspetsa na may isang reperi at isang manlalaro ang nagpositibo sa COVID-19. Lumabas na ang suspetsa ay “false positive” makaraan ang sumunod na pagsusuri, pero napuwersa pa rin ang liga na baguhin ang naunang programa sa layong matapos ang PBA PH Cup elimination sa Nobyembre 11. Hindi lamang isang apat-na laro araw kundi apat na araw na may apat na laro sa pagbabalik ng liga…
Read MoreMAHAL NA MAHAL KITA INAY
BUKOD sa pagmamahal ng ating Panginoong Diyos ay may hihigit pa ba sa pagmamahal ng isang Ina? Ganyan ko maisasalarawan ang pagmamahal ng mga Nanay. Marami sa ating mga Nanay na OFW ang nagtutungo sa ibang bansa at tinitiis ang kalungkutan at ang pagmamaltrato ng kanilang mga amo para lamang manatili sa pagtatrabaho para sa kanilang mga anak. May ilan pa nga akong nakausap na mga OFW na matapos na maipakita ang larawan ng kanilang mga pasa at galos dahil sa pagmamaltrato ng amo ay makikiusap pa rin na tulungan…
Read More