ILANG linggo bago ang pagdiriwang sa pagdating ng 2021, nanawagan ang EcoWaste Coalition sa mga mambabatas at sa mga pamahalaang lokal na kumilos ang mga ito laban sa paputok. “[W]e urge our city and municipal officials to quickly enact ordinances that will prohibit the use of firecrackers, fireworks and other pyrotechnic devices in celebrating the New Year,” pahayag ni Thony Dizon, EcoWaste chemical safety campaigner. Ang panawagan ng EcoWaste ay konektado sa kaligtasan ng mamamayan. Kahit nananatili ang pangamba na epekto ng COVID-19 sa mga tao, inaasahang marami pa ring…
Read MoreMonth: December 2020
13% UMENTO SA SSS PREMIUM, TULOY SA 2021
IDINIIN ng Social Security System (SSS) na tuloy sa susunod na taon ang umento sa binabayaran ng mga miyembro ng ahensyang namamahala ng pondo sa pensiyon ng mga manggagawa sa pribadong kumpanya. Mula sa kasalukuyang 12 porsiyento ng sahod ng mga manggagawa ay magiging 13% na ang buwanang hulog. Ang nasabing pagtaas ay magkakaiba ang aktuwal na halaga dahil depende ito sa buwanang sahod ng mga manggagawa. Malaking parte rito ay ang kapitalista ang nagbabayad sa SSS bilang katapat sa hulog ng kanilang mga manggagawa. Ayon sa SSS, ang layunin…
Read MoreGOBYERNO, MAGING TRANSPARENT SA KA-PARTNER SA BROADBAND PROGRAM
HINIMOK ni Senador Grace Poe ang gobyerno na maging transparent sa pagpili ng partners sa pagtatayo ng sarili nitong broadband network sa pamamagitan ng Department of Information and Communications Technology (DICT). Inihayag ng chairperson ng Senate Committee on Public Services na naglaan ang Senado ng P5.9 billion para sa National Broadband Program sa ilalim ng panukalang 2021 national budget. Bagama’t walang kondisyong inilatag sa pagpili ng mga kokontrata sa proyekto, inaasahan ni Poe na gagawin ng National Security Council ang kanilang trabaho. Sinabi ni Poe na dapat maging maingat sa…
Read MoreCEASEFIRE MATAGAL NA DAPAT ITINIGIL
PABOR ang dalawang senador na kapwa dating hepe ng Pambansang Pulisya sa desisyon ng gobyerno na huwag nang magpatupad ng ceasefire sa New People’s Army ngayong Christmas season. Ayon kay Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson, dahil isinusulong na ang localized peacetalks, mas makabubuting gawin din ang ceasefire sa local level. “Since peace talks are now localized, ceasefire with the NPA rebels is better discussed at the local level as well, probably on a case-to-case basis,” saad ni Lacson. “Rebels who may wish to lay down their arms but wouldn’t know how…
Read MoreSupporters ni PDu30 pumalag sa iniuumang na pagbuhay sa ABS-CBN PAMBABASTOS SA BAYAN
MALINAW na pambabastos ang plano ng Kamara sa pamumuno ni House Speaker Lord Allan Velasco na mabigyan na ng pramgkisa sa susunod na taon ang ABS-CBN. Ito ang sigaw ng mga supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang reaksyon sa naging pagtiyak ni Deputy Speaker at Buhay Party-list Rep. Lito Atienza na bumubuwelo lamang ang liderato ni Velascso dahil kauupo lang nito sa pwesto subalit pagpasok ng 2021 ay haharapin nito ang isang “major battle” para mabigyan ng hustisya ang ginawa aniyang pag-firing squad sa ABS-CBN. Sinabi ng pro-Duterte Blogger na…
Read More6% lang ng trainees ang nagkakatrabaho TRAINING PROGRAM NG TESDA PALPAK
NAGKAISA ang 17 congressmen na magsagawa ng imbestigasyon sa umano’y depektibo at hindi kumpletong training program na ipinatutupad ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) kaya 6% lang sa kanilang mga estudyante ang nakakukuha ng trabaho. Sa House Resolution (HR) 1394 na inakda ng mga mambabatas sa pangunguna ni Makati Rep. Luis Campos Jr., nakababahala aniya ang report ng Commission on Audit (COA) na 6 sa bawat 100 TESDA graduate ang nakakukuha ng trabaho. Hindi matanggap ng mga mambabatas na sa kabila ng patuloy na pagtaas ng pondo ng…
Read MoreMungkahi ng Palasyo sa LGUs SENIORS PAYAGANG LUMABAS ONCE A WEEK
IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa Local Government Units (LGUs) ang pagpapasya o discretion kung pagbibigyan ang panawagan ng Senior Citizen’s party-list na ikonsidera ang mental at emotional health ng mga senior citizen. Bukod pa sa bigyan ang mga ito ng exemption sa implementasyon ng age restriction ng mga hindi pinapayagang makalabas ng bahay. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry roque, hinahayaan na ng executive branch ang mga lgu na magdesisyon sa usaping ito lalo’t mayroon na aniyang nabuong guidelines ukol dito ang Inter-Agency Task Force (IATF). Subalit, sinabi ni Sec. Roque…
Read MoreMASALIMUOT NA PAG-AAMPON SA PINAS PINUNA
SINISISI ni Senador Grace Poe ang mahaba at masalimuot na proseso sa pag-aampon kaya’t maraming bata ang nananatiling ulila. “Unfortunately, adoption in the Philippines is currently a long, costly and tedious process. This has discouraged many potential parents from pursuing adoption,” sabi ni Poe. Aniya, libu-libong abandonadong bata ang hindi nakahahanap ng bagong pamilya dahilan sa matagal na prosesong pinagdadaanan sa pag-ampon. Sa inihain nitong Senate Bill No. 1070 o ang Domestic Administrative Adoption bill, sinabi ni Poe na panahon nang mabawasan ang 3-taong proseso sa pag-ampon sa bawat abandonadong…
Read MoreRED-TAGGING MAPANGANIB
HINILING ni Senador Grace Poe sa sinoman na dapat nang matigil ang walang patumanggang batuhan at walang basehang akusasyon habang nagkakaroon ng debate kung hindi o gagawing krimen ang red-tagging. Sinabi ito ni Poe sa kanyang pagdalo sa ginanap na pagdinig sa red-tagging sa ilang celebrity na kumikiling o nakikisimpatiya sa makakaliwa at sinabing dapat maging maingat ang militar sa kanilang pahayag dahil hindi lamang pinagbabantaan ng pamahalaan ang mga inaakusahan at kahit sa social media aniya ay nakatitikim sila ng panlalait ng mga taong sumusuporta sa gobyerno. “Certainly, the…
Read More