2x PBA Grand Slam champ Redmanizers, babalik na

SALA SA INIT, SALA SA LAMIG Ni EDDIE ALINEA BUBUHAYING muli ang Crispa t-shirt, ang pangunahing produkto ng pagawaan ng telang Floro and Sons noon. At dahil ang Crispa t-shirt ang siyang naging malaking dahilan kung bakit natatag ang koponan ng Redmanizers sa basketbol, hindi malayong ang koponang ito na kasama ang Toyota Comets na bumuhay sa Phippine Basketball Association, ay muli ring magkaroon ng buhay. Mismong si Allessandro Lorenzo ‘Enzo’ Floro Herbosa, pangatlo sa apat na supling ni Dra. Valerie Floro Herbosa, pinakabatang anak ng namayapang may-ari ng Redmanizers na…

Read More

2 TULAK ARESTADO SA P2.4-M MARIJUANA

INANUNSYO ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/Brigadier General Danilo P. Macerin ang pagkakahuli sa dalawang drug suspect sa buy-bust operation na nagresulta sa pagkakasabat sa 20 kilo ng marijuana na tinatayang P2,400,000 ang halaga sa Brgy. Bagbag, Novaliches, Quezon City noong Lunes ng madaling araw. Kinilala ni P/BGen. Macerin ang mga suspek na sina Daryl Collera, 24-anyos, at Murray Comot, 29-anyos. Ang dalawa ay nadakip ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Novaliches Police Station (PS 4), sa ilalim ng pamumuno ni P/Lt. Col. Richard…

Read More

Pagiging biased idiniin din ng advocates for good governance LEONEN DAPAT MAPATALSIK SA SC

IDINIIN din sa impeachment complaint na inihain ng advocates for good governance sa Kongreso nitong Lunes ang pagiging biased umano ni Associate Justice Mario Victor “Marvic” Leonen kaya dapat itong mapatalsik sa Korte Suprema. Base sa 40 pahinang Verified Complaint for Impeachment na inihain ni FLAG-Maharkila Secretary General Edwin M. Cordevilla, kapag ang kasong dinidesisyunan ng Korte Suprema ay may kaugnayan sa kanyang mga kaalyado sa Liberal Party (LP) ay todo ang suporta ni Leonen subalit kapag sa kalaban ay naglalabas ito ng dissent. “During the administration of former President…

Read More

Business permit sinuspinde ng Valenzuela LGU TOLL HOLIDAY SA NLEX

PERSONAL na inihain ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ang suspension order ng business permit ng NLEX Corporation sa mga toll plaza na sakop ng lungsod noong Lunes, Bunsod nito, hindi muna maaaring maningil ng toll fee ang toll gates na nasa Brgy. Karuhatan, Lawang Bato, Paso de Blas at Ugong at iiral ang toll holiday sa mga toll plaza na ito na nangangahulugang lahat ng boom barriers o gates ay bubuksan nang libre para sa mga dadaan sa NLEX. Ito ay kaugnay ng iba’t ibang business permit violation na…

Read More

GIYERA KONTRA CPP-NPA TULOY – AFP

ITO ang idineklara ng pinuno ng lahat ng military forces na nakatalaga sa mga area na sakop ng hilagang bahagi ng Metro Manila kasunod ng direktiba sa lahat ng mga tropa na magsagawa ng mas maigting na military and intelligence operation laban sa komunistang New People’s Army. “No let up operations this holiday season,” ang ibinabang kautusan nitong Martes ni Lt. Gen. Arnulfo Marcelo Burgos Jr., commander ng AFP Northern Luzon Command, kasunod ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na “ceasefire is dead” sa hanay ng CPP-NPA. Ayon kay…

Read More

Duterte: Sorry, pero .. FAMILY GATHERINGS, PARTY BAN MUNA

HUMINGI ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa sambayanang Pilipino kaugnay sa pagbabawal sa family gatherings at iba pang party sa panahon ng Kapaskuhan bunsod ng COVID-19 pandemic. “Would you be kind enough just to skip the festivities? Iwasan muna ninyo. You avoid it because it is for your own good and for the good of the community and eventually for the good of the country,” ayon sa Pangulo sa kanyang public address, Lunes ng gabi. Aniya, ang pagbabawas ng mga bagay naa nakagawian na ng publiko tuwing holiday…

Read More

9 PANG HOUSE DEPUTY SPEAKERS, NANUMPA

SIYAM pang kongresista ang nadagdag bilang mga bagong deputy speakers at nanumpa kay House Speaker Lord Allan Velasco. Una nang nanumpa sina Reps. Arnulfo “Arnie” Teves Jr. (3rd District, Negros Oriental), Juan Pablo “Rimpy” Bondoc (4th District, Pampanga), Eric Martinez (2nd District, Valenzuela City), at Weslie Gatchalian (1st District, Valenzuela City) na isinabay sa pagdiriwang ng Feast of the Immaculate Conception. Binuksan ni Speaker Velasco ang sesyon sa plenaryo na may kasamang panalangin ng pagpapatnubay sa Pilipinas mula sa Immaculate Heart of Mary. Inaasahan namang susunod na pormal na manunumpa…

Read More

KATUWANG SA PAGPAPABUTI NG KABUHAYAN NG MGA PINOY, PARARANGALAN

INIHAYAG ni Senadora Cynthia A. Villar na bibigyan ng pagkilala ng Villar SIPAG (Social Institute for Poverty Alleviation and Governance) ang mga nangungunang lokal na organisasyon na nakikipagtulungan sa grassroots level para mabawasan ang kahirapan at mapabuti ang kabuhayan ng mga Pilipino. “This year’s search for poverty reduction champions is more meaningful given the challenges that we are all facing due to the COVID-19 pandemic. It is important to recognize these individuals and organizations who continue to give back to the community and work hard so that no one is…

Read More

PAGBUO NG DOFWs HIHIMAYIN NG SENADO

PAG-AARALANG mabuti ng komite sa paggawa ng Senado kung wasto ba na magkaroon ng Department of Overseas Filipino Workers (DOFWs) kung ang direksyon ng administrasyong Duterte ay “rightsizing” ng burukrasya. Ipinahayag ito ni Senador Joel Villanueva, chairman ng Senate Committee on Labor, Employment, Human Resources and Development dahil kailangang “balansehin” ang pagkakaroon ng panibagong kagawaran habang mayroong nakasalang na Senate Bill 244 (S.B. 244) na ang layunin ay bawasan ang ahensiya ng pamahalaan. Ayon sa senador, sinimulan na nilang talakayin at busisiin ang mungkahing DOFWs matapos na ipadala ng Kamara…

Read More