NANAWAGAN ang isang health group sa House of Representatives na ilaan na lamang sa pagpapatayo ng cold storage facilities para sa bibilhing COVID-19 vaccines ang bilyong infrastructure funds na isiningit sa 2021 national budget para paboran ang piling kongresista nang maupo bilang House Speaker si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco. Ayon kay Medical Action Group Chairperson Dr. Nemuel Fajutagana, dapat bawasan ang pondo sa infrastructure ngayong 2021 dahil mas nangangailangan na pondohan muna ang covid response ng pamahalaan, bukod sa bilyong halagang bibilhing bakuna ay bilyon din ang gagastusin para…
Read MoreMonth: December 2020
PUBLIC HEALTH FACILITIES PINADARAGDAGAN
INIHAYAG ni Senador Joel Villanueva na kailangan pangunahan ng pamahalaan ang pagpapanatili ng pagtitiwala ng negosyo at paglikha ng trabaho sa pamamagitan ng paglalaan ng mas malaking pondo sa infrastructure tulad ng public health facilities at serbisyong pangkalusugan. Sa pahayag, sinabi ni Villanueva, chairman ng Senate committee on labor, matapos iulat ang unemployment report ng Philippine Statistic Authority (PSA) na bumaba ang kawalan ng trabaho sa 8.7% nitong Oktubre o mahigit 3.8 milyong Pilipino, dahil marami ang humintong maghanap ng trabaho. “We are bothered by the fact that the latest…
Read MoreWORKSHOPS, SEMINARS PWEDE NA SA GCQ AREAS
PINAPAYAGAN na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang pagdaraos ng workshops, trainings, seminars, congresses, conferences, board meetings, colloquia, conclaves, symposia, at consumer trade shows. Ang mga nasabing event ay kailangan idaos sa venues na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) at papayagan lamang ng hanggang 30% capacity. Batay sa pasya ng IATF, maaaring isagawa ang mga nabanggit na event sa hotel, restaurant, ballroom and function halls o hotel premises at mall atria. Kaugnay nito ay inaatasan ang Department of Tourism at Department…
Read MoreMAS MURANG BAKUNA IKONSIDERA – MARCOS
MAAARING makabili ng mas mababang presyo ng bakuna laban sa COVID-19 virus ang Pilipinas. Sinabi ni Senador Imee Marcos na makabibili na ng AstraZeneca vaccine kontra sa COVID-19 sa halagang US$2.50 per dose lamang na kalahati sa presyong inanunsyo ng pamahalaan. “Makakabili na tayo ng AstraZeneca vaccine kontra sa COVID-19 sa halagang US$2.50 per dose lamang, na kalahati sa presyong inanunsyo ng pamahalaan. Nagdesisyon na kasi ang Swedish pharmaceutical firm at Oxford University na ibenta ang kanilang bakuna na walang tubo at hanggang nangangailangan ang mga mahihirap na bansa,” ayon…
Read MoreSa mga pribadong ospital NURSES CRIMINALLY UNDERPAID – SOLON
GANITO inilarawan ni Quezon City Rep. Alfred Vargas ang mga nurse sa mga pribadong pagamutan sa bansa kaya naghain ito ng panukala para mabigyan ang mga ito ng makatarungang sahod. Sa inihaing House Bill (HB) 7784 o “Salary Increase for Private Sector Medical Workers Act”, nais ni Vargas na idikit man lamang sa P32,000 na buwanang sahod ng mga nurse sa government hospitals ang tinatanggap ng mga tulad nila sa private hospitals. “Our nurses and other health care workers in private institutions are criminally underpaid,” ani Vargas dahil sumasahod lamang…
Read MoreSIMBANG GABI SA QUIAPO CHURCH INILIPAT SA BONIFACIO SHRINE
NAGKAKASA ang Quiapo Church ng kanilang Simbang Gabi, pero hindi ito gagawin sa mismong simbahan nito. Sa unang pagkakataon, gaganapin ang Simbang Gabi ng Quiapo Church sa may Bonifacio Shrine. Sinasabing nasa 300 devotees lang ang papayagan na pumasok sa Bonifacio Shrine para makilahok sa Misa de Gallo. Nanawagan na rin ang simbahan sa mga senior at mga menor de edad na sa online mass na lang lumahok. Bukod diyan, hinihimok na rin ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang mga lokal na pamahalaan na mag-organisa ng 9-araw na…
Read MoreTOP 20 REVENUE CONTRIBUTORS NG PORT OF SUBIC KINILALA
Bilang bahagi ng pagsisikap ng Bureau of Customs (BOC) sa patuloy na partnertship sa stakeholders at maayos na pagtataguyod ng kalakalan, ang Bureau of Customs – Port of Subic ay nagsagawa ng awarding ng pagkilala para sa kanilang Top 20 Revenue Contributors sa nagdaang 2nd at 3rd quarter ng taong 2020. Kinilala ng Port of Subic ang stakeholders sa hindi matinag na pagsisikap at suporta sa pwerto maging ngayong panahon ng pandemic. Ang pagbibigay ng award ay pinangunahan ni District Collector Maritess T. Martin kasama si Deputy Collector for Assessment…
Read MoreDahil holiday season BOC INULIT ANG PANUNTUNAN SA BALIKBAYAN BOX
DahiL sa pagpasok ng panahon ng kapaskuhan sa buong mundo ay muling inulit ng Bureau of Customs ang panuntunan (guidelines) sa pagpapadala ng Balikbayan Boxes sa Pilipinas. Ang sinumang magpapadala ng balikbayan boxes sa Pilipinas, maging Corporations, Partnerships, at Sole Proprietors, subalit Qualified Filipinos While Abroad ay maaaring makinabang sa duty-and-tax-free privilege sa ilalim ng Section 800 (g) ng CMTA. Sa ilalim ng Republic Act No. 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act 2016 (CMTA), ang ipinapadalang balikbayan boxes ng Qualified Filipinos While Abroad (QFWA) sa kanilang pamilya at…
Read MoreMONTH OF NOVEMBER TARGET NG BOC-PORT OF BATANGAS NALAGPASAN
Aabot sa 12.068 bilyong pisong ang kabuuang nakolekta ng Bureau of Customs – Port of Batangas para sa buwan ng Nobyembre taong kasalukuyan. Ang nasabing halaga ay katumbas ng 19.25 porsyento o katumbas ng 1.95 bilyong pisong lagpas sa kanilang target para sa naturang buwan. Naka-assigned na target sa Port of Batangas para sa buwan ng November 2020 ay nagkakahalaga lamang ng 10,120,187,619 bilyong piso subalit nakapagtala sila ng positibong laspas na 1,947, 893,043 bilyong piso (P1.95B). Dahil dito, nagpasalamat ang pamunuan ng Port of Batangas sa kanilang mga stakeholders…
Read More