CENTRAL LUZON’S TOP NPA, HULI SA AFP

NADAKIP ng mga tauhan ng AFP Northern Luzon Command, na pinamumunuan ni Army Lt. Gen. Arnulfo Marcelo Burgos Jr. at local police, sa isinagawang joint law enforcement operations sa Mexico, Pampanga, ang isa sa Central Luzon’s high ranking NPA terrorists, na may patong sa ulo na halagang  P4.7 milyon. Ayon kay Lt. Gen. Burgos, malaking dagok sa CPP-NPA ang pagkakadakip kay Jose Esperila Bernardino sa Brgy. Sapang Maisac sa bayan ng Mexico, dalawang araw lamang ang nakararaan makaraang maaresto si Amanda Echanis alyas “Waya,” Cagayan Valley NPA Finance Officer sa…

Read More

DAGDAG BARANGAY HIRIT NG MGA RESIDENTE SA RELOCATION AREAS

TAYTAY, Rizal – Nais ng libo-libong pamilya mula sa resettlement areas na ibukod na lamang ang kanilang lugar hindi rin naman anila sila nakakalinga ng kanilang barangay. Bunsod nito, naghain ng isang panukalang ordinansa ang isa sa mga miyembro ng Sangguniang Bayan upang isulong ang kahilingan ng dalawang samahan ng mga residente sa gawing east at west bank ng Floodway area na mahiwalay na sa Barangay San Juan. Sa isang post sa Facebook, kinumpirma ni Sangguniang Bayan presiding officer at Vice Mayor Mitch Bermundo ang nasabing hakbang. Aniya, malugod nilang…

Read More

NAGDYOWA NG 13-ANYOS, LALAKING 21-ANYOS KALABOSO

IPINAKULONG ng isang 48-anyos na ginang ang kanyang kapitbahay makaraang gawing karelasyon ang 13-anyos nitong anak na dalagita sa Malate, Manila. Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Acts 8353 (Rape) in relation to RA 7610 (Child Abuse Law) ang suspek na si Harvie Rey Villapaz, 21, cashier, may live-in partner, residente sa Camia St., Malate. Samantala, bagama’t tutol na maghain ng reklamo ang 13-anyos na biktima na itinago sa pangalang “Amor,” Grade 8 student, desidido naman ang ina nito na ipakulong si Villapaz. Batay sa ulat ng Manila Police District-Station…

Read More

KAHIT BARYA PINAGTIYAGAAN, KOTONG EX-COP TIMBOG

ISANG dating pulis na sinibak sa serbisyo ang nasakote sa entrapment operation dahil sa pangingikil sa mga driver ng mga trak na nagde-deliver ng isda at binaril sa binti dahil umastang papalag, sa Navotas Fish Port Complex (NFPC) noong Biyernes ng gabi. Nakasuot ng field service uniform ng pulis at nagpakilalang kasapi ng Maritime Group ang suspek na si Don De Quiroz Osias II, 39, ng #63 Rodriguez Subdivision, Dampalit, Malabon City, nang arestuhin ng mga operatiba ng Northern NCR Maritime Police Station (MARPSTA) dakong alas-8:30 ng gabi sa Bañera…

Read More

LOCKDOWN SA MAYNILA HANGGANG DEC. 31 ITINANGGI

MARIING inihayag ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na walang planong magsagawa ng lockdown sa kahit na anong lugar sa lungsod hanggang katapusan ng 2020. Ayon sa alkalde, walang katotohanan ang naglalabasang ulat sa social media. “Wala pong plano ang pamahalaang lungsod ng Maynila na mag-lockdown hangang matapos ang December 31, 2020.  I hope maliwanag,” pahayag ng alkalde. Gayunman, idinagdag ng alkalde na handa silang magpatupad ng lockdown kung ito ay kinakailangan. “Share this portion na walang planong mag-lockdown ang pamahalaang lungsod except kung me mangyaring hindi maganda…unless magpabaya…

Read More

RESTAURANT BLAST DULOT NG LPG TANK

NAGKABASAG-BASAG ang mga salamin at nasira ang kisame ng kusina ng isang restaurant nang sumabog ang liquefied petroleum gas (LPG) tank dakong alas-9:45 ng umaga nitong Sabado sa Makati City. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, sinabi ng kitchen helper na si Marvin Santos, nagpapalit siya ng basyo ng LPG tank sa kusina ng New Bombay Authentic Indian Cuisine sa ground floor ng The Columns Bldg. sa kanto ng Ayala Ave. at Gil Puyat Ave. nang maamoy niyang sumisingaw ito. Bunsod nito, tumakbo siya patungo sa loob ng comfort room upang…

Read More

LAW BREAKERS

DPA Ni BERNARD TAGUINOD HINDI na ako magtataka kung maraming ordinaryong mamamayan ang sumusuway sa health protocol ng gobyerno laban sa pandemya na dulot ng covid-19 dahil mismong ang mga government officials ang hindi naman sumusunod dito. Ang mga health protocol implementers naman, tanging ang mga tulad kong ordinaryong mamamayan ang binabantayan kung nakakasunod sa protocol pero umiiwas kapag mga opisyales na ng gobyerno ang nasasangkot. Napakaraming public officials na ang lumabag sa health protocols at nauna na dyan si Philippine National Police (PNP) Chief Debold Sinas nang sugurin ng…

Read More

STATEMENT NI REP. CULLAMAT SA ANAK NIYANG NAMATAY PINUPUTAKTE NG PUNA

PUNA Ni JOEL AMONGO UMAANI ngayon ng samut- saring reaksyon mula sa netizens ang inilabas na statement ni Rep. Eufemia Cullamat ng Bayan Muna sa pamamagitan ng video sa social media. May mga nakikisimpatiya sa kanya bilang isang magulang na namatayan ng anak, pero mas marami ang puna sa kanya. Napanood din natin ang kanyang pahayag sa social media, mas nangibabaw sa kanyang sinabi ang pagtatanggol niya sa grupong simahan ng kanyang anak (NPA) at sa Bayan Muna. Sabi nga ng tagasubaybay ng puna halatang may pinoprotektahan si Rep. Cullamat…

Read More

LIDERATO NG KAMARA LUMABAG SA ANTI – COVID LAW

BADILLA NGAYON Ni NELSON BADILLA MUKHANG hindi pa nakaahon ang kasalukuyang pamunuan ng Kamara de Reresentantes, sa pangunguna ng nanalong speaker na si Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco, mula sa pagkapanalo laban sa kampo ni Taguig – Pateros Rep. Alan Peter Cayetano dahil maraming suliranin itong hindi naaksyonan. Ang kagyat at putok na balita ngayon sa Kamara ay ang 98 empleyado nito na nagkaroon ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). Ayon sa balitang nababasa ko mismo rito sa SAKSI Ngayon, itong 98 ay naganap mula lamang nitong Nobyembre, batay sa kumpirmasyon…

Read More