TRIAL & ERROR NG MMDA SA TRAPIK PALPAK

IMBES na magluwag ang daloy ng mga sasakyan tulad ng ­inaasahan ng Metropolitan Manila Development ­Authority (MMDA) sa ginawa nilang pagsasara ng mga u-turn slots sa EDSA ay taliwas ang naging resulta. Pagpasok nitong Disyembre 1, 2020 ay nagsimulang bumigat ang trapik sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila. Kinabukasan, Disyembre 2 ay lalo pang lumala ang trapik at mistulang napakahabang parking lot ang kahabaan ng EDSA. Baybayin mo ang Mindanao Avenue kung papunta ka ng Valenzuela, Novaliches, at palabas ng North Luzon Expressway (NLEX) ay talaga nga namang usad…

Read More

GARIN, ‘PINARUSAHAN’ NI LORD DAHIL SA ‘PEKENG LOYALTY’

HA…HA…HA… pokaragat na ‘yan! Napakagandang posisyon na sana ang inaasahan ng kinatawan ng party-list na AAMBIS-OWA sa Kamara de Representantes ng Ika-18 Kongreso na si Representative Sharon Garin, ngunit hindi pa niya nakuha. Hindi nahalal si Garin na ­maging pinuno ng makapangyarihang Ways and Means Committee ng Kamara dahil gusto ng mga kongresista na manatiling chairman ng komiteng ito si Albay Rep. Joey Salceda. Ang pagiging chairman ng Ways and Means Committee ang puntirya ni Garin kapalit ng kanyang aktibong pagkilos, pagsuporta at pakikipaglaban upang manalo si Marinduque Representative Lord…

Read More

MAKABAYAN BLOC IPADIDISKWALIPIKA SA 2022?

HINDI umano pasasalihin ng Duterte administration ang Makabayan bloc sa eleksyon sa 2022 kaya lalong pinaiigting ang pagwasak sa grupo. Ito ang inaasahan ng Makabayan bloc coalition kaya naghahanda na ang mga ito para labanan ang anomang disqualification case na isasampa ng gobyerno laban sa mga militanteng organisasyon. “Si Presidential Security Adviser Hermogenes Esperon na rin ang nagsasabi na ang gagawin nila ngayon is to disqualify the party-list under the Makabayan bloc. So sa kanila na mismo nanggaling na merong electoral agenda din sa red-tagging,” ani dating Bayan Muna party-list…

Read More

Bago magretiro CJ PERALTA, POKUS SA MARCOS CASE

NELSON S. BADILLA MAGPOPOKUS ang Korte Suprema na siya ring Presidential Electoral Tribunal (PET) sa protestang elektoral na isinampa ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. laban kay Bise Presidente Maria Leonor “Leni” Robredo dahil sa malawakang dayaan sa eleksyon sa pangalawang pangulo ng bansa noong 2016. Ito ang pasya ni Chief Justice Diosdado Peralta bilang pinuno rin ng PET nang ibasura ng huli ang posisyon ni Associate Justice Marvic Leonen na pagpaliwanagin si Solicitor General Jose Calida hinggil sa mosyon nitong tanggalin si Leonen sa paghawak at pagiging ponente…

Read More

Hamon kay Speaker Velasco MAKABAYAN BLOC PATALSIKIN

INULAN ng batikos at pang-aasar sa mga supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte si House Speaker Lord Allan Velasco na tila nasampal at nagising sa ginawa nitong pagtatanggol sa red tagging issue sa Makabayan bloc. Ang pambabatikos kay Velasco ay sa harap na rin ng naging pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na sa naging engkuwetro ng militar at komunistang grupo kung saan napatay ang bunsong anak ni Bayan Muna Rep. Eufemia Culliamat na si Jevilyn ay nagpapatunay na may basehan ang kanilang matagal nang sinasabi na ang Makabayan bloc ay…

Read More

Expert hinimok ang Pinoy na ‘wag matakot sa covid vaccine BANGUNGOT NG DENGVAXIA SARIWA PA

UMAPELA ang isang vaccine expert sa media na sana’y mabigyang-diin ang kahalagahan ng pagbabakuna at ang maaaring mangyari kung hindi mabibigyan nito. Nanawagan sa media si UP- PGH proffessor Emeritus Dra. Lulu Bravo sa gitna ng tila pagkatakot ng mga tao sa bakuna base na rin sa mga nababasa sa social media. Ani Dra. Bravo, may risk na nakapaloob sa pagbabakuna ngunit napaka-minimal lamang nito habang ang side effects ay manageable at di hamak na mas marami ang maibibigay nitong benepisyo. “So, it is important that we assure our people…

Read More

KAMARA WALANG PLANONG MAG-LOCKDOWN

WALANG plano ang liderato ng mababang kapulungan ng Kongreso na mag-lockdown sa kabila ng 98 confirmed cases ng COVID-19 mula Nobyembre 10, 2020 dahil pawang nakuha umano ng mga empleyado ang virus sa kanilang komunidad. “No need na iclose natin ang House kasi everyday naman nagko-conduct ng sanitation and disinfection,” pahayag ni House Secretary General Llandro “Dong” Mendoza sa lingguhang Ugnayan sa Batasan. Magugunita na inamin ni Mendoza na umaabot sa 98 empleyado ng Kamara ang nagpositibo sa COVID-19 nang magsagawa ang mga ito ng mass testing mula noong Nobyembre…

Read More

Paglobo pa ng covid cases pinangangambahan PASOK SA KAMARA HINILING SUSPENDIHIN

NANGANGAMBA sa kanilang kalusugan ang mga kawani ng House of Representatives kaya umaapela ang mga ito sa Department of Health (DoH) na pansamantalang isara ang tanggapan habang nagsasagawa ng paglilinis at contact tracing matapos na rin magkaroon ng 98 confirmed cases mula noong Nobyembre 10. Ayon sa isang kawani na tumangging magpabanggit ng pangalan, kamakalawa lamang kinumpirma ni House Secretary General Dong Mendoza na mayroong 98 confirmed cases, ibig sabihin, mula Nobyembre 10 hanggang Nobyembre 30 ay walang ginagawang contact tracing kaya malaki ang tiyansang nagkaroon pa ng hawahan. Nobyembre…

Read More

PEACE TALKS GAWIN SA LOCAL LEVEL

ITO ang paraan na nakikita ni Senador Panfilo Lacson, chairman ng Senate National Defense Committee, para matigil ang karahasan sa mga lugar na tukoy na pinamamahayan pa rin ng mga armadong grupo gaya ng New People’s Army (NPA). Ayon sa mambabatas, tama lamang na isulong pa rin ang pakikipag-usap ng pamahalaan sa mga armadong grupo na sinasabing may ipinaglalaban, bagama’t nasa mas mainam na kalagayan ang lokal na pamahalaan para tugunin ang kanilang hinaing. “Giving up on peace should not be an option. But given the failures of past administrations…

Read More